MATAPOS makabalik nila Armand sa Hacienda ay nag-desisyon siyang iuwi na ang kanyang anak. Naging tahimik ang kanilang byahe.
Armand glance at his daughter. "Carrie, huwag mo munang sabihin sa mama mo ang mga nangyari."
"Bakit po Papa?"
He sighed. "Ako na ang mag-sasabi kay Clara, okay?"
Tahimik naman itong tumango-tango. Hanggang sa marating nila ang bahay nila Clara.
Isang malamig na ekspresyon ang sumalubong kay Armand mula kay Clara. "Clara..." He said.
And without even words, Clara grab her daughter from him.
"Papa, pupunta ka po ba dito bukas?" Pahabol na tanong ni Carrie.
He nodded while just watching them heading inside the house. "Yup." And he wave at his daughter as he glance to Clara who was totally expressionless. Saka na umalis si Armand.
NAGTATAKA si Carrie nang makita ang kanyang ina na nililigpit ang kanilang mga damit sa isang maleta sa kanilang kwarto."Mama aalis ka po ba?" Pagtatakang tanog niya.
"Tayo ang aalis Carrie." Kaagad nitong sagot, sabay lapag ng isang pares ng damit ni Carrie sa ibabaw ng kama. "Kaya magbihis kana at heto ang suotin mo."
"Aalis po tayo Mama? Paano po si Papa?"
"Hayaan na natin siya. Sa ngayon, tanggapin mo munang hindi mo siya makakasama ng pansamantala." Wala sa loob nitong sambit na tila pinipigilan ang emosyon.
Nanlaki ang mga mata ni Carrie sa gulat. "Iiwan po ba natin si Papa? Ma, bakit po? Ayaw niyo na po ba sa kanya?" Nababahala nitong tanong.
"Carrie, kailangan mong intindihin na may ibang pamilya ang papa mo!"
"Pero mama, ayaw ko po malayo kay Papa? Huwag na po tayo umalis, mama please?" Pakiusap niya rito nang lapitan si Clara.
Buong loob na tinitigan ni Clara ang anak, tila pinipilit niya ang sarili na huwag magpadala sa malungkot nitong ekspresyon. "I-ito lang ang naisip kong paraan para makaiwas sa gulo, anak." Hindi napigilan ni Clara ang umiyak sa harap ng kanyang anak. "Ito lang ang paraan para maprotektahan kita."
"Hindi ko po kayo maintindihan Mama, bakit kailangan niyo pa akong protektahan? Tsaka bakit po tayo iiwas, nag-away po ba kayo ni Papa?"
"Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan..." She slowly drag her towards her. Hinawakan ni Clara ang mga balikat nito. "Bata ka pa. At balang araw, maiintindihan mo rin kung bakit ginagawa ko ito Carrie. Kaya, aalis muna tayo... Lalayo muna tayo."
"Pano po si Papa? Hindi ko na po ba siya makakasama? Isama nalang po natin siya."
She sob and hardly wipe her tears. "Hindi pwede!" She squeeze her hand and caress her face. "Pansamantala lang naman ito anak. Hindi ibig sabihin nito na hindi mo na makakasama ng tuluyan ang papa mo."
"Ilang araw po ba tayong aalis Mama?"
She sighed. "Hindi ko pa alam, huwag nang marami ang tanong Carrie. Basta aalis tayo ngayong gabi. Magbihis kana, liligpitin ko lang ang mga gamit sa baba baka matagalan tayo ng uwi." Malamig niyang bilin dito nang lumabas ng kwarto.
MEANWHILE, Armand just got home and immediately found his wife in the garden, tila inis na inis itong may kinakalikot sa kanyang cellphone.
"Sinong tinatawagan mo?!" Pagulat niyang tanong. Gulat naman itong napalingon sa kanya. At biglang kumalma ang ekspresyon.
"A-uhm, hon... Dumating kana pala." She walk towards him and about to give a kiss when Armand slightly push her.
"Hindi mo ba ma-contact ang taong inutusan mo?" Deritsahang tanong niya.
"Ano bang sinasabi mo hon? What I'm doing is that I'm trying to call you-"
"Don't deny it Bettina! May binayaran at inutusan kang tao para ipa-kidnap ang anak ko!" Parang kulog ang boses nito na ikinagulat ni Bettina.
"A-ano bang pinag-bibintang mo sakin Armand-"
"Sinungaling! Umamin na sa akin yung lalaki! Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito."
She finally let her expression out. "Oo! Eh ano ngayon kung ginawa ko iyon!" Marahas niyang tinulak si Armand. "Yang batang iyan... Iyan ang dahilan kung bakit nasira ang pagsasama natin Armand."
"Ikaw ang sumisira sa pag-sasama natin Bettina! I am trying to fix our relationship!... Kaya nga sinunod ko ang kagustuhan ni Clara na lumayo sa kany, para matigil na iyang mga iniisip mo tungkol sa amin." He paused for a while at took a deep sigh.
"But now you're making things that makes us worst... At hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa anak ko Bettina..."
Like a mess, Bettina hold on his arms. "I'm sorry, I'm sorry..."
Pilit namang tinatanggal ni Armand ang mga kamay nito sa kanyang brado. "Kung hindi mo kayang tanggapin ang sarili kong anak, Bettina... I'm sorry, pero hindi rin kita kayang tanggapin para maging pangalawang magulang niya." Pagod niyang paliwanag, and with that he turned away from her bago pa man ito pigilan ni Bettina.
Wala itong nagawa kundi ang umiyak na lamang.
Nagtatakang tingin ang iginawad ni Donya Margaret kay Armand pagkasalubong nila sa may hagdanan.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Bettina?!" Malamig nitong tanong sa kanya.
He just sigh. "Away mag-asawa lang Ma." He tiredly said, saka deritso itong nagtungo sa kanilang kwarto. Exactly as he get in their room ay siyang pag-tunog ng kanyang cellphone, nagtaka siya ng makitang contact number ito ni Clara kaya kaagad niya itong sinagot.
He was shock and unexpectedly heard Carrie's voice.
"A-Ano!? Aalis kayo?!"
Problemadong napahilamos si Armand sa mukha matapos madinig ang pagsumbong ni Carrie. "Sige, sige.. papunta na ako diyan." Bago pa man niya mapatay ang tawag ay pinatay na ito ng madinig rin niya ang boses ni Clara.
He immediately changed his clothes. Kailangan niyang pigilan ito.
"CARRIE!? ANO BANG GINAGAWA MO!?" Gulat at kaagad na inagaw ni Clara ang kanyang cellphone ng maabutan niyang kausap ni Carrie si Armand dito.
Tuluyan na itong umiyak. "Mama please huwag na po tayong umalis, ayaw ni Papa na umalis tayo..."
Hindi nito pinansin ni Clara ang paliwanag. Kaagad niyang kinuha ang kanilang bag at niligpit ang iilang gamit doon. "Para ito sa ikatatahimik natin. Kaya sumunod kana lang anak." She also get her jacket and for Carrie. Kahit umiiyak ito ay napilit niyang suotan ito ng jacket.
"Mama please huwag na tayong umalis..." Pakiusap pa nito.
Clara didn't mind her anymore. Basta's sapilitan niya itong tinangay palabas ng kanilang bahay. Buo na ang desisyon niyang lalayo sila kay Armand, dahil ito lang ang natatanging paraan niya para matahimik ang buhay niya lalo na nang kanyang anak.
Nang may mamataang paparating na taxi si Clara ay kaagad niya itong pinara, sapilitan niya ring naipasok doon si Carrie kahit panay ang pakiusap nito.
❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
to be continue ...
BINABASA MO ANG
Lost In Love
FanfictionClara (Dawn Zulueta) is a nightclub performer, she met Armand (Richard Gomez) who became her first customer, and ended up to be her everything and she never expected to fall inlove. When she found out that he was in a long-distance-relationship with...