CHAPTER 13

819 27 3
                                    

KAAGAD na sinalubong si Armand ng asawa pagkarating niya sa kanilang mansion. They chose to live with Armand's parents pagkatapos nilang maikasal ni Bettina.

"Ano, nakabili ka?" Bettina asked.

He showed the paperbag. "Here it is. Wala pa ba si Mama?"

"Wala pa." Bettina frowned when she noticed Armand's happy face. "Mukhang masaya ka ata ngayon ah?"

They headed to the livingroom. "You know what hon, nakakita ako ng bata kanina sa mall." Nakangiting kwento ni Armand.

Bettina frowned. "What do you mean, A homeless child? Or lost?"

"No... Mag-isa lang talaga siyang gumala sa mall, galing siya sa school kasi naka-suot pa ng school uniform and she's only six years old."

Bahagyang namangha si Bettina. "Then what?" She asked as they headed to the kitchen.

"Nakita niya kasi na nahulog yung wallet ko, eh hindi ko namalayan kaya hinabol niya ako at ibinalik sa akin."

"Wow.. really?" Mangha niya.

"Yeah... And I saw her picking a dress for her mother, kasi daw gusto niyang iregalo kaya binilhan ko. Pasasalamat ko na rin dahil sa pag-balik niya sa wallet ko."

"That's so sweet!" Bettina giggled. "Ang swerte ng mga magulang niyan."

"Oo nga eh... Nakakatuwa siya." She look at Bettina seriously. "Sayang at hindi pa tayo binibiyayaan ng anak..." He sadly said.

Anim na taon na kasi silang kasal ngunit hindi parin sila nagkakaroon ng anak. Armand want them to get a help from a gnecologist dahil gustong-gusto na rin ng mga magulang niya na magka-apo ang mga ito, ngunit ayaw ni Bettina. She wants them to wait for the right time.

"Sabi ko naman sayo, we can adopt habang naghihintay pa tayong magkaroon ng sariling anak." Mahinahong paliwanag naman ni Bettina. Matagal na rin kasi sina-suggest ni Bettina na mag-adopt sila ng bata, pero ayaw ni Armand dahil may gusto niya parin kung galing mismo sa kanila ang kanilang magiging anak.

Armand sighed. "Kaya nga... Alam mo nung makita ko iyong bata kanina sa mall, parang gusto ko nang mag-adopt tayo."

"Talaga? Pumapayag kana?" Bettina asked with excitement.

Armand nodded while smiling.

"Okay! Next week kapag free ka, punta tayo sa Orphanage. Titingin lang muna tayo ng mga bata doon."

"Sure." He nodded.

        

"SAAN ka nanggaling!? Kanina pa kita hinahanap... Sinundo kita sa school mo pero umalis kana naman." Bungad ni Clara sa pintuan ng kanilang bahay pagkakita sa kanyang anak na kadarating lang.

Carrie hide the gift in her back. "Sorry na po Mama, hindi naman po ako nagpa-gabi eh... Diyan lang naman po ako galing sa mall." Sagot nito habang takot na takot ang ekspresyon.

Clara can't help but to melt her heart seeing her afraid to be scold. She squat infront of her. "Nag-aalala lang naman kasi ako sayo anak, ang bata-bata mo pa para mag-lakwatsa." She softly said. "Ilang beses na kitang sinabihan na delikadong mag-isa ka lang na gumagala."

Napatungo ito. "Sorry na po Mama."

She frowned when noticed something's hiding at Carrie's back. "Tsaka ano ba iyang dala mo ha? Saan nanaman galing iyan!?"

Carrie smile at her mother. "Kaya nga po ako pumunta sa mall eh para dito..." She handed her the paperbag. "Regalo ko po sana ito para bukas kaso nakita niyo na eh."

Napangiti si Clara nang tanggapin niya iyon. She grab her, at pinugpog nang halik ang mukha nito. "Hindi mo naman kailangang gawin ito anak eh.. Kasi, ikaw lang ay sapat nang regalo sa akin." Kinarga niya ito nang matanggal ang maliit nitong backpack saka inilapag sa malaking couch.

"Kahit na po Mama, gusto ko paring regaluhan kayo."

Binuklat ni Clara ang laman nitong damit gamit ang isang kamay habang karga si Carrie. "Sandali? Bakit ang mahal nito?" She frowned when noticed the pricetag. Ibinaba niya ang anak, and warnly look at her daughter. "Carrie hindi kita tinuruang mag-nakaw o manlimos!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Hindi po Mama, promise hindi ko po ninakaw yan. May ipon po ako." She quickly open her bag ang showed her small piggy bank. "Pero hindi ko po nagastos kasi binayaran iyan ni Sir Pogi!" And she smile widely at her mother.

Clara frowned. "At sino nanaman iyang tinutukoy mo!? Baka masamang tao yan!"

Kaagad itong umiling-iling. "Hindi po mama! Ipinakita pa nga niya sa akin yung ID niya, siya si-"

"Kahit na! Baka nag-papanggap lang yan, alam mo namang nauuso yung kidnapping ngayon anak!" She inspect her form head to foot. "Hindi ka ba sinaktan? Baka mamaya kung anong ginawa sayo." Pag-aalala ni Clara.

Carrie chuckled as she cupped her mother's face. "Mama! Ang OA niyo po. Wala pong nangyari sa akin... Yung wallet po kasi ni Sir Pogi, ibinalik ko nung nakita kong nahulog sa bulsa niya... Kaya po sabi niya, bibilhin niya itong damit na gusto ko para sayo, kasi sabi niya pasasalamat daw niya sa pagbigay ko sa wallet niya." Mahabang paliwanag nito na nakapag-patigil sa pangamba ni Clara.

"Talaga?" Paninigurado niya.

Carrie nodded in an adorable way. "Opo, promise!"

Dahan-dahang napangiti si Clara.She scooped her daughter again and planted some kisses on her cheek repeatedly down to her neck na ikinakiliti nito. "Mama!" Carrie chuckled.

"Hmp! Ang asim mo na!" She chuckled teasing her daughter.

      

Angie left the house to them, nasa Australia na kasi ito nakatira matapos makatagpo ng Autraliano sa bar na pinakasalan siya. Kaya kusang loob na ibinigay ni Angie kay Clara itong bahay niya na ngayo'y dadalawa nalang si Clara ay ang anak niya ang nakatira.

Sa isang single parent na katulad ni Clara para sa kanyang grade one na anak ay minsa'y mahirap pero kabaliktaran nun ay masaya. Mahirap dahil walang permanenteng trabaho si Clara para tustusan niya ang pangangailangan nilang dalawa lalo na noong sanggol pa si Carrie, kaya napilitang bumalik sa pagtatrabaho si Clara sa club. Ngunit bihira lamang siya sumasama sa kanyang customer, depende kapag nangangailangan siya ng pera. At the same time, masaya dahil masilayan lang ni Clara ang anak niya pag-uwi sa bahay ay nawawala na ang pagod niya. There are a lot of man approached her, some are her customer and specially her boss, the owner of the club she was working pero tila naging bato na ang puso ni Clara sa mga lalaking gusto siya. Sapat na sa kanya'ng nag-iisa sa buhay kasama ang anak, iwas problema at alalahanin na rin kung pagbibigyan pa niya ang sarili sa ibang lalaki. Carrie is her life now, and she will do everything to fulfill all her needs. Gusto niyang lumaki si Carrie na may mataas na pangarap at maabot nito ang mga gusto, ayaw niyang matulad ito sa kanya na kahit highschool ay hindi niya natapos. Kaya kahit mag-hirap siya sa kakahanap ng mapag-kikitaan ay gagawin niya lahat para sa kanyang anak.

     

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon