A/N: Alam kong common na ang mga kaganapan dito... kaya depende nalang sa imahinasyon ninyo!😜
This chapter is dedicated to @Marrich_11 😘 enjoy reading still!
DAHIL sa sobrang excitement ni Carrie para sa magaganap na family day ngayong araw ay nauna pa itong magising kaysa sa kanyang ina na ngayo'y tulog na tulog pa.
"Mama gising na!" Kanina pang tawag niya habang nakadagan dito at niyu-yugyog pa ang mga balikat.
Bahagyang nagising naman si Clara. "Carrie, ang aga pa... Masyado ka namang excited!" She giggled at her daughter.
"Sabi kasi ni Tito Armand maaga daw siya pupunta dito."
Napakunot-noo si Clara. "Nagkita nanaman kayo kahapon?"
Carrie nodded. "Opo, nung recess po pinuntahan niya ako sa school, dinalhan niya pa nga ako ng meryenda."
She sighed frustrately as she get up. Talagang kahit anong gawing pagpipigil kay Armand na lapitan ang anak niya ay hindi niya ito magawa.
"Mama natuwa pa nga yung teacher ko pagka-kita niya kay Tito Armand. Tapos akala ng mga classmates ko si Tito Armand ang papa ko!" May himig na pagkatuwa niyang kwento.
She stared at her daughter.. "G-gusto mo ba talaga na si Armand ang kasama natin sa family day mamaya?"
Carrie nod agressively. "Oo naman!"
She smile at her daughter. "Okay." Saka naman narinig nila ang pamilyar na ugong ng sasakyan sa labas.
Carrie inmediately peep at the window. "Mama nandiyan na po si Tito Armand!"
"Puntahan mo na, bababa na tayo." Utos niya na ikinatuwa naman ni Carrie, kaagad itong tumakbo palabas ng kanilang kwarto.
ISANG malapad na ngiti ang ibinibigay ni Carrie sa bawat nakakasalubong nila. Paano ba kasi, agaw-pansin silang tatlo dahil sa family shirt na suot nila. Nabanggit kasi ni Carrie kay Armand na plain color-coded ang shirts na kailangan susuotin para sa family day. And unexpctedly, Armand brought a color-coded family shirt. Kaya sila ang naiba.
"Hindi ba't ikaw ang nag-iisang anak nila Don Anselmo at Donya Margaret? Iyong may-ari ng malawak na hacienda at asukarera?!" Gulat na tanong ng isang teacher sa registration area.
"Ah.. yeah and... Carrie is my niece.." Nag-aalangang sagot ni Armand.
Kombinsidong tumango-tango naman ang guro.
Nagsimula ang programa pag-katapos ng batian ng mga naroroon ay nagsimula ang paligsahan.
Bawat grade level ay may representative na dalawang pamilya na mag-papaligsahan para sa sack race.
"Sali po kami teacher!" pangungunang sambit ni Carrie ng magtanong ang kaniyang adviser kung sinong pamilya ang rerepresenta sa kanila.
Clara frowned. "Sasali tayo?" She glance to Armand, and glance at her daughter.
Armand smile at her. "Oo naman, nandito tayo para mag-enjoy si Carrie."
"Sige na po Mama..." Pagpupumilit naman ni Carrie.
Clara nodded. "Oh sige." pagpayag niya na lalong ikinatuwa ng anak niya.
Every grade level has two family representative for the sack-race. Bawat isang grupo ng pamilya na may tatlong myembro ay papasok sa isang sako, mag-papaligsahan ito na maabot ang finish line.
BINABASA MO ANG
Lost In Love
FanfictionClara (Dawn Zulueta) is a nightclub performer, she met Armand (Richard Gomez) who became her first customer, and ended up to be her everything and she never expected to fall inlove. When she found out that he was in a long-distance-relationship with...