TAHIMIK na nilalanghap ni Clara ang sariwang hangin mula sa hindi kalayuang dalampasigan, dito sa balkonahe ng kanilang kwarto habang yakap siya ng malalaking braso ni Armand na nasa likuran niya. Gabi na iyon at tulog na tulog na si Carrie.
Halos tatlong linggo na silang namalagi dito sa resort. Hindi pa man naiisip ni Clara kung ano ang kahihinatnan nang lahat ng ito ay sinusulit na lamang niya itong mga oras na kasama si Armand at ang anak nila sa malayang pagkakataon.
Alam niyang pagkatapos ng lahat ng ito, ay babalik si Armand sa pamilya nito, sa asawa nito. At ayaw niya munang isipin iyon hangga't maaari ngayong sinusulit pa niya ang masaya at malayang pakiramdam kasama ang dalawang taong pinakamamahal niya.
"I'm going home tomorrow." Biglang sabi ni Armand na tila nagpa-pukaw sa dibdib niya. "But I'll be back immediately. May aasikasuhin lang ako."
She glanced at him. "Kailan ba kami uuwi ni Carrie?"
He tightly hold her hands and place his lips on her shoulder. "I suggest, huwag na muna kayo umuwi. Dito na muna kayo pansamantala. Uuwi lang ako at may aasikasuhin, pagkatapos ay babalik ako kaagad."
Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalanni Clara. "Para kasi tayong nag-tatago dito. Parang wala tayong kalayaan." May himig na lungkot niyang sabi.
"Trust me, maaayos ko ang lahat ng ito... Magiging malaya tayo, magkakasama tayong tatlo." Bulong ni Armand sa tabi niya.
Napilitang tumango-tango na lamang si Clara.
KINAUMAGAHAN habang nag-liligpit ng konting gamit si Armand ay panay ang tanong sa kanya ni Carrie kung saan ito pupunta.
"Uuwi muna ako anak, may aasikasuhin lang." Paliwanag naman ni Armand.
"Kailan po kayo babalik papa?"
He glaced at her. "Hindi ako sigurado pero, dalawang araw siguro ako doon." Kinarga niya ito saka pinaupo sa kanyang kandungan. "Anong gusto mong pasalubong?"
"Kahit ano po papa."
He smile and stand. "Okay." Saka naman pumasok sa kwarto si Clara, napaangat ang tingin ni Armand. He caressed Carrie's hair, saka tumayo dala ang bag.
Kaagad siyang tinungo ni Clara at masuyong niyakap, na bahagyang ikina-mangha naman ni Armand, ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na naglambing ito sa kanya.
"Mag-iingat ka." She muttered. He smile while caressing her back. Mariin niyang hinalikan ang pagitan ng mga mata ni Clara habang nakapikit ito.
"Thanks." Matapos ang yakapan at halik ay sinapo niya ang mukha ni Clara. "Kayo din. Tawagan mo ako kung may problema."
Clara nodded. Saka nila inihatid si Armand sa labas.
GULAT na gulat at halos mag-alala si Donya Margaret sa biglaang pag-dating ni Armand sa kanila. Pano ba namang hindi ito mag-aalala, halos tatlong linggong wala sa kanila si Armand.
"Saan ka ba galing? Bakit ngayon kalang umuwi? Don't you even think about us, worrying that something's happen to you!" Mangiyak-ngiyak na bungad ni Donya Margaret ng salubungin si Armand at niyakap siya nito.
"I'm sorry Ma, marami lang talaga akong inasikaso. Hindi na ako nakapag-paalam sa inyo." Dahilan niya.
"Tinatawagan ka namin, hindi ka ma-contact... And Papa mo, sobrang nag-aalala sayo!"
"Nasaan ho si Papa?"
"He's in our room, nag-papahinga." Mariin itong tinitigan ni Donya Margaret. "Ano bang pinag-gagagawa mo Armand? At ano ba ang nangyayari sa inyo ni Bettina!?"
"Nasaan ho si Bettina?" He curiously asked ng mapansing hindi ito sumalubong sa kanya.
Kyuryosong napa-angat ang tingin ni Donya Margaret sa kanyang anak. "Hindi mo alam kung nasaan ang asawa mo!?" Bakas ang biglang galit sa ekspresyon nito.
He frowned. "Bakit ho Ma? Nasaan ho siya?"
"Umalis siya! Dala ang mga gamit niya..." Dismayado itong naupo sa sofa. "Hindi ko maintindihan, hindi niya sinasabi kung anong problema niya... Hindi ko makausap ng matino si Bettina ng umalis ka't hindi manlang niya namalayan. Ni hindi na namin siya macontact." Napa-angat ang tingin ni Donya Margaret kay Armand. "Naghiwalay ba kayo Armand?! Nag-away ba kayo!?"
He frustrately sigh. "Ma, I need to contact her I want to talk to her." He excuse himself and run upstairs.
"Wala na nga siya dito Armand! Umalis na siya!" Pahabol na sigaw ni Donya Margaret.
Deri-deritso lamang si Armand sa kanilang kwarto. Doon niya napag-tanto na halos lahat mga gamit at damit ni Bettina ay wala na. Hindi niya maintindihan kung bakit ito ginawa ni Bettina. Kahit papano ay nag-aalala siya dito.
He sit on their bed and get his phone and about to try to call her when he noticed a letter above the lamp table, may kasama itong sobre. Kaagad niyang binasa ang sulat na iyon, obviously from Bettina's hand-written.
Armand,
Sorry If I would tell you through this letter, matagal ko nang kinikimkim ito, natatakot lang akong sabihin sayo... I'm sorry, kung hindi ko mapunan ang lahat ng pangangailangan mo bilang asawa, unang-una na doon ang magkaroon ng anak. I know how much you need us to have a child and complete family, but I'm really sorry If I can't make it. Since I'm in college, I suffered from Polycystic Ovary Syndrom, I just discovered it nung magpakunsulta ako sa doctor dahil sa irregular menstrual period ko. That means I am not able to bear a child, pinayuhan ako ng treatment, akala ko noon wala na iyon, kasi binalewala ko na nga ang kondisyon ko. Until I married you, hindi ko nasabi sayo na nagpakonsulta ulit ako sa doctor tungkol sa kondisyon ko, hindi pa pala iyon nawala. Sorry If I became secretive. Natatakot lang ako na sabihin sayong hindi kita mabibigyan ng anak.
I know you're with Clara and your child. And seeing you with her actually breaks my heart, pero kakayanin ko ito. I forgive you if you cheated on me as my husband. Hindi rin naman kita masisisi, because from the very first place alam kong hindi gaano katindi ang pagmamahal mo sa akin katulad ng pagmamahal ko sayo pero pinilit parin kitang matali sa akin at mahalin ako. I became selfish, kahit alam kong sinasaktan ko ang sarili ko pero hinahayaan ko parin. At gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko sayo dahil hindi kita pwedeng pilitin na mahalin ako dahil wala akong karapatang kontrolin ang puso mo, I want us to be free, I want you to be happy, to live with a complete and fulfilling family, that's why I'm letting you go, to be with the one you trully love.
I'll be away, ako na ang bahala magpaliwanag sa mga magulang ko nang tungkol sa atin, siguro naman maiintindihan nila tayo. Huwag mo na akong hanapin, just promise me you'll take care of your child and your love, forever.Trully yours,
BettinaHalos manikip ang dibdib ni Armand matapos niyang basahin iyon. Hindi niya mapigilan ang kaunting luha sa kanyang mga mata lalo na ng makita ang laman ng isang sobre, iyon ay legal at permadong divorse paper ng kasal nila, perma nalang niya ang kulang at ng abogado.
Oo tama nga itong hindi niya natumbasan ang pagmamahal nito sa kanya, sinubukan naman niya noong naikasal sila, pero niloko lamang niya ang sarili niya kung pinagpatuloy niya pa iyon. He still hurt at the same time because he don't have an intention to hurt Bettina, kahit paano ay minahal din naman niya ito lalo na't naging kaibigan niya ito mula pag-kabata. And he still want to see her, to personally ask for forgiveness...
❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
BINABASA MO ANG
Lost In Love
FanfictionClara (Dawn Zulueta) is a nightclub performer, she met Armand (Richard Gomez) who became her first customer, and ended up to be her everything and she never expected to fall inlove. When she found out that he was in a long-distance-relationship with...