CHAPTER 26

884 29 3
                                    

NANG magkaroon ng pagkakataon si Armand na malibang si Carrie sa paglalaro sa sala ay nilapitan niya si Clara sa kusina na ngayo'y nag-huhugas ng kanilang pinag-kainan. He also joined them for breakfast dahil sa pag-pupumilit ni Carrie.

"Clara, pwede ko bang ipasyal muna si Carrie?" He asked.

"Saan kayo pupunta?"

"Gusto siyang makita ni Bettina."

Bahagyang nagulat si Clara. "Sinabi mo na ba sa asawa mo ang tungkol kay Carrie!?"

He nodded. "Pero okay na sa kanya, huwag ka nang mag-alala dahil naiintindihan naman niya."

She frustrately sighed.

"So, ipapasyal ko si Carrie..."

Nag-aalangang tumingin sa kanya si Clara. "Basta huwag kayong magpapagabi."

He nodded, saka kaagad pinuntahan si Carrie.

       

HINDI nahirapang kumbensehin ni Armand ang anak na yayain itong mamasyal na ikina-excite din nito.

He called his wife kung saang restaurant sila magkikita na siyang pinili mismo ni Bettina. They will eat first before they go to the mall.

Buong gulat at mangha nang makita ni Bettina si Armand na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya, hawak nito ang kamay ng isang batang babae na hindi nga maikakailang anak nga ito ni Armand. She really looks like him! She find her like a young girl version of Armand.

"Hon." Masayang bati sa kanya ni Armand as they finally went to her. Napawi ang pagkatulala ni Bettina sa kakatitig sa bata ng maramdaman ang paghalik sa kanya ni Armand.

"Carrie, this is Bettina... She is my wife and you can call her Tita." Pakilala ni Armand.

Nagtatakang inangat ni Carrie ang kanyang tingin kay Bettina. She adorably smile at her. "Hello po!"

Bettina finally smile back at her, she caress her hair. "You're so beautiful."

"Hon, here name is Carrie.."

"Yeah. She's really your daughter." Panguguna niya nang maupo na sila, magkatapat sila ni Armand habang katabi nito ang bata.

"I ordered our food na." Wika ni Bettina nang ilapag ng waiter ang mga pagkain. She happily smile at them.

Carrie suddenly frown as she look at the plate served to her, inilapit niya ang mukha kay Armand sabay bulong... "Papa hindi po ako kumakain ng carbonara." Bulong niya rito.

"What? Is there any problem with our food?" Bettina suddenly asked.

"Hindi raw siya kumakain ng carbonara, hon. Uhm, waiter!" Armand call the waiter na kaagad naman itong lumapit.

"Anong gusto mo?" He asked.

"Fried chicken nalang po tsaka spaghetti."

He chuckled. "Nanaman? O sige." He told the waiter, saka na ito umalis.

"Sorry po Papa." She shyly murmured when Armand get the plate from her.

"It's okay honey.."

Bettina just rolled her eyes as she started eating.

"Nag-aaral ka ba? Anong grade kana?" Tanong ni Bettina kay Carrie.

"Grade one po."

"You know what hon? She's the first honor in their class. Sa monday na nga ang recognition nila." Kwento ni Armand.

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon