BECAUSE of boredom, Clara spend her time in cleaning the house, kahit hindi naman ito gaanong kadumi. Kaya mabilis siyang natapos, kasunod ay ang pag-linis niya sa bakuran sa tapat na gilid ng bahay.
Napatigil lamang si Clara sa pag-didilig ng halaman ng may dumating na hindi pamilyar na kotse, pumarada ito sa tapat ng kanilang bahay kaya hindi niya mapigilang magtaka.
She was shocked seeing Bettina who just got out from the car. Para itong isang international model na bumaba sa isang red carpet, may suot pa itong sunglasses at walang pag-aalangang lumapit kay Clara.
Clara's eyes narrowed and sensed something from the way that Bettina walk towards her.
"Oh? Naligaw ka ata?" She put down the sprinkler beside her and confidently faced her, while crossing her arms above her chest. Ang gawa sa kahoy na bakod lamang ang tanging humaharang sa kanila.
Bettina slowly removed her sunglass, and she gave an evil smile to Clara. "Ikaw talaga ang pinunta ko dito."
"Bakit, anong kailangan mo?"
Bettina clenched her jaw, na tila gigil na gigil itong gustong kagatin si Clara. "You're really such a bitch, ginagamit mo pa ang anak mo para lang perahan ang asawa ko! Bakit? Hind ka ba nakontento sa binibigay sayo ng mga costumers mo!?"
Clara stared at her like a dagger. She tightly grip her fist. "Iyan ba ang pinunta mo dito? Ang paratangan at insultuhin ako-"
"Huwag kanang mag-deny! Dahil kabit ka ng asawa ko!" She rolled her eyes. "Hindi na ako magtataka na baka pina-aako mo lang kay Armand ang anak mo, na baka sa ibang lalaki iyan. Hindi ba't iba-ibang lalaki ang gumagamit sayo Clara?" She gave her a sarcastic smile while raising her left eyebrow.
"Huwag mong dinadamay ang anak ko dito... Inggit ka lang! Kasi hindi mo mabigyan ng anak si Armand." Matigas niyang tugon.
Bettina laughs a bit. "For your information Clara, kailanman ay hindi ako maiinggit sa isang mababang uri na katulad mo! At hindi ako papayag na makihati sayo!" She crossed her arms and walk near towards Clara. "Layuan mo ang asawa ko!"
Clara gave back a sarcastic smile. "Hindi ako dapat ang pagsabihan mo nang ganyan, Bettina! Si Armand ang pagsabihan mo! Dahil siya itong lapit ng lapit sa akin!"
"Dahil ginagamit mo ang anak mo! Para lang mapalapit siya sayo!" Kaagad namang sagot ni Bettina.
"Labas si Carrie dito!" She raised her eyebrows. "Kung ako sayo, tutal eh ganyan kana man ka-despereda, itali mo ang asawa mo sa bahay niyo hanggang sa maramdaman na niyang hindi niya ako mahal! Nang sa ganun mahalin ka naman niya Bettina." Walang pag-aalangang sambit niya.
"Mahal ako ni Armand!"
"Talaga!? Sigurado ka ba Bettina?" She confronted.
"Kaya nga ako pinakasalan niya. At ikaw, mananatili kang kabit! Kahit may anak pa kayo! Hindi ko hahayaang masira ang kasal namin ng dahil lang sa isang tulad mo!"
Clara narrowed her eyes. "Masyado ka talagang kampante kay Armand. Hindi ka ba natatakot na iiwan ka ni Armand?"
"He can't do that to me! And how dare you say that! You're just a mistress! Kaya hindi ako natatakot sa isang tulad mo! Last warning Clara and I will sue you! Sisirain ko ang buhay mo pati ng anak niyo ni Armand!"
Clara grip her fist, halos mamula siya sa pagpipigil nang galit kay Bettina. "Huwag mong idadamay ang anak ko dito Bettina!"
"She's the reason why you have an affair with my husband! Kaya damay siya talaga siya!" Mataray nitong sambit at akmang tatalikuran na si Clara nang pigilan ito.
"Bettina!" Parang kulog na tono na sigaw niya.
Napaharap naman ito sa kanya. That was when Clara immediately grab the water sprinkler, saka niya sinabuyan ng tubig si Bettina na ikinagulat nito.
"AHHHHH! SHIT! FUCK YOU CLARA-" Galit na galit na sumbat niya ng mabasa siya nito, akmang susugod sana siya nang pulutin ni Clara ang rake na ginamit niya kanina sa hardin.
"Subukan mong lumapit! Dahil hindi ako mag-dadalawang isip na ihampas ko to sa mukha mong kasing kapal ng make-up mo! Hindi lang yan ang aabutin mo Bettina kapag dinamay mo pa ang anak ko dito!" Sunod-sunod na sumbat ni Clara. Wala na siyang pakialam sa iilang nanonood na kapit-bahay niya sa away nila.
Hinihingal sa gigil si Bettina habang inaayos ang buhok na nabasa. "You're such a cheap bitch!" Inis niyang turo dito sabay hagod ng tingin sa iilang umu-usisa sa kanila. "Don't you know this woman! Kabit siya ng asawa ko!" Sambit niya sa mga ito, na sabay-sabay naman itong nagbulungan. She faced Clara who didn't even affected to the people. "Hindi pa tayo tapos Clara-"
"Alam ko Bettina! Dahil simula pa lang iyan! At hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin sa ka-malditahan mo!" Kaagad namang sumbat ni Clara.
Inis na inis namang tumalikod si Bettina at bumalik sa kanyang sasakyan. Pinaandar nito paalis ang sasakyan na halos magsisisigaw ito sa sobrang inis at galit sa ginawa sa kanya ni Clara.
Walang ganang binitiwan ni Clara ang hindi natapos na gawain niya sa bakuran. She glared at her neighbors, na kaagad naman itong nagsi-balikan sa kani-kanilang bahay.
Masama ang loob niyang bumalik siya sa kanilang bahay. She can't help to burst her tears as she leaned on the door.
Kahit namang kasi gaano kasama ang intensiyon sa kanila ni Bettina ay hindi naman niya ito masisisi, She knows from the very first place na may asawa nito si Armand, and she's the other woman, the mistress. Kahit pa ipaglaban ni Armand na mahal siya nito, at mahal niya ito ay kasal parin ito kay Bettina. Wala parin siyang karapatan na ipaglaban ang nararamdaman niya kay Armand.
Napaka-saklap ng tadhana palagi para kay Clara. Kung noon umiwas siya kay Armand at pinigilan ang kanyang nararamdaman para dito dahil alam niyang nakatali na ito sa iba, ngayon naman ay ganoon parin. Lalong sumaklap para sa kanya. Buong buhay niya ay ngayon lang siya umibig ng ganito sa isang lalaki, at masakit para sa kanya na kung bakit sa dami ng lalaki ay sa katulad pa ni Armand. She got so lost to him at a wrong time.
Siguro nga ay mananatili nalang siyang ganito, ang makaramdam ng kaligayan sa taong magdudulot sa kanya ng kasakitan. Kaya kahit pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, siya parin ang kawawa, siya parin ang walang kalaban-laban.
And she need to give up, for her child. Nakaya na nga niya noon na talikuran si Armand at ipagkait ang kanilang anak, ngayon pa ba gayong magiging magulo lamang ang buhay ni Carrie kapag pinagpatuloy pa niya ang ganitong sitwasyon. Siguro naman mas kakayanin niya ito.
❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
BINABASA MO ANG
Lost In Love
FanfictionClara (Dawn Zulueta) is a nightclub performer, she met Armand (Richard Gomez) who became her first customer, and ended up to be her everything and she never expected to fall inlove. When she found out that he was in a long-distance-relationship with...