EPILOGUE

2.3K 38 14
                                    

This Chapter is dedicated to all of the readers of this story!😘

"WHAT are you doing?" Gulantang ni Armand pagkapasok sa kwarto nila Clara na ikinagulat nito habang hawak ang kalendaryo.

Bakas ang kaba ni Clara nang harapin si Armand. "A-Akala ko ba sa kabilang kwarto ka matutulog?" Nauutal niyang tanong, sabay pinasadhan ng tingin ang katawan nitong bagong ligo, topless at tanging boxer shorts lamang ang suot.

He smile a bit, sabay sulyap sa likuran ni Clara kung saan hawak nito ang kalendaryo na tinatago sa kanya. "What's that?"

Napaatras naman ito at hindi mapakali. "Uhm... W-Wala." She calmly put down the Calendar above the drawer, sabay sulyap kay Carrie na tulog na tulog na sa kanilang kama. Napa-angat ang tingin ni Clara kay Armand. "Bakit nandito ka pa?"

He walk towards her, and cornering her on the wall beside the drawer. He wrap his hands around her waist. "Can I sleep here?"

"Seryoso ka ba? Tingin mo kakasya tayo diyan sa kama?" Sabay nguso sa hinihigaan ni Carrie na pang-dalawang tao lamang na kama, sakto para sa kanilang mag-ina.

"Kasya yan, mag-yakapan nalang tayo." Sabay hagikgik niya.

Natawa rin si Clara.

"O kaya..." He move his face closer to her ear and whispered.. "Sa kabilang kwarto nalang tayo matulog, dun makakapag-solo pa tayo..."

Napakunot-noo si Clara sabay hampas sa dibdib ni Armand. "Hindi ko pwedeng-iiwan si Carrie, ano ka ba! Ayaw matulog niyan ng hindi ako kasama lalo na't kakauwi lang namin." Natatawang pahayag niya.

Napaling-linga saglit si Armand. "Edi diyan nalang tayo sa sahig, siguro naman hindi tayo maririnig ni Carrie basta't huwag lang tayo mag-ingay-"

"Armand! Tumigil ka." Saway niya habang natatawa. Kumalas siya mula dito at nagtungo sa kama ngunit kaagad itong sumunod kaya umatras siya pabalik sa may drawer para iwasan si Armand. "Hindi ako pwede ngayon."

He frowned and finally cornered her again from the wall near the drawer. "Oh... Why love?" He automatically wrap his hands on her waist again and sniff her neck. "You smell so good..."

She gasped. "Armand!" Bahagya niya itong tinulak. "H-hindi pwede baka..."

"Baka ano?" He ask while a bit laughing.

"Baka buntis ako!" Pabulong niyang singhal.

A smile slowly painted on his lips. "Talaga?"

She looked away and comb her hair using her hands. "Three weeks na akong delayed..." Sabay sulyap sa kalendaryong hawak niya kanina. "D-dapat magkakaroon ako nung first week." And she gulp the bile on her throat.

He slowly touched her womb. "We're having another baby?" Bakas ang kasiyahan sa tono nito.

Clara rolled her eyes. "Baka lang. Hindi pa sure!" Pagdidiin niya.

"Then we should see a doctor tomorrow."

She slowly nodded. "Pero, huwag ka muna umasa ah?"

He giggled and slightly drag her arms towards him. He cupped her face. "Okay.. But I can't help my excitement." He planted a peck kiss on her lips. "Gusto kong makita kitang lumalaki ang tiyan dahil ipagbubuntis sa mga anak ko. Gusto kong-"

"MGA anak!?" Pagdidiin ni Clara. "Ang dami ah?" She chuckled.

"Ofcourse sayang naman ang lahi natin kung hindi tayo magpapadami." He slightly pinch her nose, na ikinatawa na lamang ni Clara habang nakikinig kay Armand.

Lost In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon