MAAGANG nagising si Clara dahil ngayong umaga ang alis ni Angie dahil nga babalik na ito sa Australia, naka-schedule na kasi ang kanyang flight ngayong araw.
"Sayang kung alam ko lang na ngayon ang recognition day ni Carrie ay bukas pa ako uuwi... Kaso alam mo naman yung hubby ko." Ani Angie ihatid siya ni Clara sa labas upang mag-abang ng masasakyan.
"Ano ka ba, ayos lang... Ingat ka sa byahe Angie, mamimiss ka ulit namin." She hug her after she pick a taxi.
"I'll miss you too, bye!" She bid and finally hopped in the cab.
CLARA prepared for their breakfast ng saktong magising si Carrie at nagtungo sa kanya sa kusina.
"Mama ano pong lulutuin niyo?" Carrie asked when she saw some pack of uncooked pasta, canned sauce and other food items na nakatambak sa isang lamesa.
"Edi yung mga paborito mo tuwing handaan. Shempre first honor ang anak ko, kaya hindi pwedeng hindi tayo mag-celebrate."
Malapad na ngiti ang ibinigay ni Carrie. "Wow talaga po Mama!?"
"Oo naman. Pero mamaya ko na lulutuin ang mga yan pagka-uwi natin galing sa school."
"Sige po Mama! Excited na po ako!" Masayang sagot ni Carrie.
"Nga pala, may regalo sayo ang Tita-Ninang mo bago umalis." She get the paperbag and handed it to Carrie. "Ayan, binilin niya bago siya umalis na ibigay ko raw sayo itong recognition gift niya raw."
Kaagad naman itog tinanggap ni Carrie. "Wow thank you po Mama!"
Clara chuckled seeing her daughter very happy. Naputol lamang ang kasiyahan nila ng may kumatok sa pintuan. "Mama ako na po mag-bubukas!" Kaagad na tinakbo ni Carrie ang pinto at binuksan. Bumungad sa kanya ang napagwapo niyang ama.
"Papa!?" She jump up to him as he automatically catched her.
Armand giggled while scooping her and getting inside the house.
Hindi na nagulat si Clara sa presensiya nito. Natural dahil alam na nitong anak niya si Carrie, ay lalo lang itong dadalaw sa anak niya.
"Good morning Clara." Bati ni Armand. She just gave him a slight smile.
"It's your recognition day right?" He asked sabay baleng kay Carrie.
"Opo Papa! Sasama po ba kayo? Please..."
"Of course! Kaya nga nandito ako eh." Ibinaba ito ni Armand at pinaupo sa high-chair.
"Yehey!" Tili naman ni Carrie.
"Here's my gift." He gave her a paperbag.
Napabaleng si Clara sa ibinigay nito.
"Wow may regalo pa kayo!?" Carrie asked.
"Of course, fist honor ang anak ko.. Kaya dapat lang may regalo sa akin."
Kaagad namang binuksan ni Carrie ang paperbag, and to her surprise it was the red dress she was admiring yesterday in the mall.
"Papa binili niyo po!?" She was shocked and asking.
He nodded. "You deserve it anak."
Carrie goes to her father and hug him, na lalong ikinatuwa ni Armand. "Thank you po Papa!" She murmured.
"You're welcome."
"Uhm, Carrie anak maligo kana. pagkatapos ay kakain ka pa ng agahan, dali na." Utos ni Clara na kaagad namang sinunod ni Carrie.
Naiwan silang dalawa ni Armand sa kusina.
"Armand, huwag naman sanang palagi mo nalang binibigyan nang kung anu-ano ang anak ko.. Lalo na't ang mamahal ng mga binibigay mo. Baka masanay sa luho yan." Inis niyang sumbat dito.
"Bumabawi lang ako sa mga panahong hindi ko siya natustusan."
"Pero marami namang ibang paraan. Hindi yung mga material na bagay lang Armand."
He sighed. "Okay, fine... Naiintindihan kita."
She nodded.
"May isang hihilingin sana ako Clara."
She look up to him.
"Gusto ko sana palitan ang birth certificate ni Carrie, gusto kong ibigay ang apelyido ko sa kanya."
Clara was shocked. "A-Ano?! Kailangan pa ba yun, alam mo na naman na anak mo siya ano pa bang kulang doon."
"Yun na nga, dahil anak ko siya of course I want her to carry my name! Gusto kong ipagmalaki sa buong mundo na isa siyang Antonio, and she is my daughter." Paliwanag ni Armand.
"Mahaba at mahirap na proseso iyan!" She problematically said.
"It's okay because I can make it. Marami akong kilalang magagaling na abogado."
She irretably look at to him. "Bahala ka!"
PAGKATAPOS maligo ni Carrie suot ang school uniform ay nagtungo ito pabalik sa kusina. Clara prepared her breakfast.
"Papa dito kana po kumain please..." Pagpupumilit ni Carrie.
"Tapos na akong kumain eh, pero sige." He glance at Clara. "Okay lang ba sayo Clara?"
She nodded and finally they start eating. Nanatiling taga-kinig na lamang si Clara sa kwentuhan ng mag-ama na minsan nadadala siya at natatawa.
Pagkatapos nilang magbreakfast ay nilinis ni Clara ang pinagkainan nila. She also take a bath while Armand and Carrie waits for her in the living room.
When she's done ay bumaba na ito habang inaayos ang buhok. Armand, on the other hand was a bit shocked seeing her in a formal peach dress. Ang nakakamagha pa because she's wearing the dress he bought when he first met with Carrie. And he can't deny the fact that it look so beautiful in her. Bagay na bagay kay Clara na lalong ikinaganda nito.
"Si papa natulala kay Mama! yieeeh!" Biglang tukso ni Carrie na siyang nagpapukaw sa ulirat ni Armand.
Clara frowned when she finally in the sala. "Mauuna na kayo sa labas, sasaraduhan ko lang ang bahay." Utos niya sa dalawa.
"Papa bakit po?" Nakangiting tanong ni Carrie kay Armand.
He sighed as he tucked her inside the car. "Your mother is so beautiful, Carrie." He muttered.
Hinintay nila si Clara. Armand open the door for her at the front seat where she seated.
"Mama sabi ni Papa ang ganda niyo po!" Panunumbong ni Carrie.
Clara frowned and glance at Armand who smile at her. "Hindi ko sinabi yun Carrie ha?" He simply denied.
Carrie frowned and pouted. "Weee, sinabi mo Papa eh! Sabi mo pa nga...'Your mother is so beautiful Carrie!" Pag-uulit niya pa while immitating his voice.
He chuckled while shaking his head.
Siya namang ikinapula ng mukha ni Clara, she looked away to hide her expression.
❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
BINABASA MO ANG
Lost In Love
FanfictionClara (Dawn Zulueta) is a nightclub performer, she met Armand (Richard Gomez) who became her first customer, and ended up to be her everything and she never expected to fall inlove. When she found out that he was in a long-distance-relationship with...