DUL

360 7 1
                                    

CARISZE's POV

Habang binabaybay ko ang bahay ni Dad, di ko maiwasang maasar sa lalaking yon. He's full of himself. Buti nga sa kanya, he deserve it. Sa susunod na makita ko pa ulit ang lalaking yon at kinulit ako, di lang yon ang matitikman niya mula sakin.

I'm not being a black belter for nothing. I said to myself before leaving in Korea that I will not use my skill to someone. But I'm in need earlier so it's ok.

After the long hours, finally I'm here in my Dad's house. I hope they are staying here.

Pagkatapos kong bayaran ang taxi na sinakyan ko bumaba na ko at nagsimula ng mag doorbell.

"Dad! Claey!"

Nakailang pindot na ko wala pa ring nagbubukas ng pinto. Maybe walang tao.

May biglang nagsalita sa likuran ko.

"Ahm miss?"
"Yes?"
"Hinahanap niyo po ba si Mr. Park?"
"Opo. Nandito po ba siya?"
"Ayy naku iha, matagal ng walang nakatira dyan. Matagal ng umalis si Mr. Park at ang kanyang lalaking anak sa lugar na to"

Oh my God! Where did they go? Where is my brother?

"Ganun ho ba. Alam niyo po ba kung san sila lumipat?"
"Hindi eh. Teka sino ka ba? Kaano-ano mo ba si Mr. Park?"
"I'm Carisze Park, daughter of Dwayne Park. Wala po ba siyang pinaiwan or something?"
"Ayy kaya pala kay ganda mong dilag. Anak ka pala ni Mr. Park. Pasensya na iha pero wala siyang iniwan na kahit ano. Nagmamadali silang umalis eh. Bakit mo ba sila hinahanap?"

Napabuntong hininga na lang ako. Saan kaya sila nagpunta? I really need to find my brother. That's my promise to him before we parted our ways.

"Wala po. Sige po, salamat na lang ho. Eto po pala number ko, paki contact na lang po ako kapag bumalik sila dyan sa bahay. Maraming salamat po"
"Walang anuman iha. Makakaasa kang kokontakin kita pag nakabalik na sila dini"
"Sige po. Salamat po ulit. Alis na ho ako"
"Sige ingat ka"

Nanlulumo akong naghihintay ng sasakyan. Saan ko pa hahanapin ang kapatid ko?

I can't hire a private investigator, malalaman agad ni Dad. He's powerful than me. Tss where do I find them?

Pagkapara ko ng taxi naghanap na ko ng simpleng apartment na pwedeng upahan. Buti na lang may extrang pera pang natitira sakin. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho.

Ang dami ko ng napuntahang apartment pero ang mamahal ng upa. This is the last apartment, no choice na ko kapag mahal to. Kailangan ko ng magpahinga, I'm tired.

May lumapit saking babae na kulot kulot ang buhok.

"Naghahanap ka ba ng matitirhan iha?"
"Opo"
"Sakto meron pa kaming bakanteng kwarto sa 4th floor. Maganda naman ang mga kwarto namin dito, gusto mo bang makita?"
"Sige ho"

Umakyat na kami sa 4th floor at tama nga ang babae, maganda pero mukhang mahal.

"How much is this room? I'm gonna live here for 6 months or so"
"2,000 per month. 3 months deposit, 3 months advance. Bale 12,000 iha"

Ang mahal nga. Tss no choice, dito na talaga bagsak ko. Mukhang napansin nung babae na namamahalan ako sa babayaran.

"Iha kumpleto na kasi sa gamit yan kaya ang mahal. May sofa, tv, ref, electric fan at lutuan. Libre na rin ang tubig at ilaw. Kung tutuusin mura pa yan kumpara sa ibang apartment"

Sabagay halos lahat ng kailangan ko meron na dito. Hindi na rin lugi.

"Ok, I'll take it"

Binayaran ko na siya, binigay naman niya sakin ang susi at pumasok na ko sa apartment ko.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon