MAHEUN-YEOSEOT

137 1 1
                                    

CARISZE's POV

Nasa byahe na kami ngayon ng kapatid ko papuntang apartment ko. Nagpa iwan ang magaling naming tatay sa Batangas dahil wala pa raw siyang naiisip na paraan kung paano makikipag balikan kay eomma.

Sinabihan ko na rin sila Sienna na parating na kami sa apartment namin. And I'm sure na busy sila para paghandaan ang pagdating namin ng kapatid ko.

"Noona"
"Hmm?"
"Your friend Sienna"
"What about her?"
"Is she a Sienna Lee? The sadistic lady in business world? Please tell me it's not her, please noona"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko. Parang takot na takot siya kay Sienna.

"Why? Are you afraid of her?"
"Hmm actually not. It just that, I don't want to encounter a bitchy witchy woman like her. There's a rumor spreading that she's a real meaning of bitch"

I laughed so hard because of what he said. Sienna's not like that to everyone. Siguro ang nakausap ng kapatid ko about Sienna ay yung nabigyan na ng sample ni Sienna.

"You're too judgmental dongsaeng. Your information about Sienna, that's all fake"
"How can you say that noona? Is she really your friend?"

Nanlalaki ang matang tanong niya.

"Yes, Sienna is my long time bestfriend. She's not a bitch to everyone but she can be a bitch if someone talk behind her back, friends or not. If you have a problem to her, then tell it to her face to face. Mas gusto ni Sienna na harap-harapan siyang sinisiraan kesa nakatalikod siya. At mukhang isa sa mga naninira kay Sienna ang nakausap mo. Sienna is a sweet, protective and cheerful woman that's why I love her"

Sabay sulyap sa kapatid ko at nginitian siya. Nakatulala lang siya sakin.

"Alam mo noona, kung hindi ko lang alam na nagka boyfriend ka iisipin kong tibo ka at may gusto ka kay Sienna. Para ka niyang boyfriend kung ipagtanggol mo siya sakin"
"Because that's what a friends do. And I will not let anyone even you to talk bad things about my bestfriend. I think it's my time to protect her"
"Tsk eh bakit hindi ka niya naprotektahan kay Ivyr?"

Literal na napahinto ako sa pagda drive.

"Noona! Huwag ka naman basta bastang humihinto. Buti na lang nag seatbelt ako kung hindi baka nauntog na ko"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sabi mo kapag nandyan ka hinding hindi ka magbubukas ng topic about my ex, eh ano yon?"
"I'm just asking noona"
"Tsk..."

Nagpatuloy na ulit ako sa pagda drive.

"She protected me from Ivyr. Hindi siya nagkulang sabihan ako na layuan ko si Ivyr dahil paniguradong masasaktan lang ako dahil sa lalaking yon. But your noona is a hard-headed woman, I didn't listen to her. Hinayaan kong mapalapit sakin si Ivyr and then boom minahal ko siya. Wala nang nagawa si Sienna non kundi ang suportahan lang ako sa gusto ko. Lagi siyang nandyan tuwing nag-aaway kami ni Ivyr. Siya yung naging taga-advice ko, unan ko at human diary ko. Siya rin ang bumabatok sakin para matauhan ako sa mga mali kong ginagawa. She's really my bestfriend"

Pagkatapos kong magsalita, sinulyapan ko ang kapatid ko. Malungkot siya habang nakatingin sakin.

"I should be thankful to her because she took care of you"
"Yes. Alam mo bang the day after ng mag break kami ni Ivyr ay naging slave ko si Sienna"

Tumingin siya sakin na parang hindi naniniwala.

"Talaga? Si Sienna?"
"Oo. She's the best, right? And I'm lucky to be her bestfriend"

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakangiti si Claey.

Nagulat ako sa biglaang pagkuha nito sa isang kamay ko.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon