MAHEUN-HANA

118 2 0
                                    

IVYR's POV

Habang nakanta si Carisze nasa akin ang tingin niya. Para sakin ba yung kinakanta niya? Hindi ko naman sinasadyang saktan siya.

"Bro may problema ba kayo ni Carisze?" - Klin

Nabaling ang tingin ko kay Klin pero hindi ako sumagot.

"Oo nga bro. Puro pang broken ang kinakanta ni Carisze eh" - Ae
"Wala. Baka feel niya lang kumanta ng ganan, alam mo na. Mood swings"

Tumango na lang sila at binalik ko naman ang tingin ko kay Carisze.

I'm sorry Carisze. I don't deserve you.

Nang matapos ang kanta, nakangiti siya sakin at bumaba na sa stage.

Sinalubong naman siya ng tanong ni Ae.

"Carisze broken ka ba? Bakit ganon kinanta mo?"

Tinawanan lang siya ni Carisze pero hindi siya sumagot. Umupo na ulit siya sa tabi ko.

Bumaling ang tingin niya kay Jin. Si Jin naman nakatingin lang sa stage.

"Jin"

Nagulat ako ng tawagin ni Carisze si Jin. Lumingon naman si Jin sa kaniya.

"Yes?"
"You're lucky. Congrats!"

Ngumiti siya at tinaas ang shot glass niya.

"Let's cheer for Jin guys"

Nagtaasan din naman ng shot glass sila Klin kahit nagtataka sila kung para saan.

Nilagok lahat ni Carisze ang laman ng shot glass niya at nagsalin ulit.

Pinigilan ko siya ng susubukan niyang lagukin ulit yon.

"Tama na Carisze. Baka malasing ka"

Tinanggal niya ang kamay ko at tinapik ang pisngi ko.

"Don't worry, I have high tolerance in alcohol"

Nginitian niya muna ako bago nilagok ang alak niya.

"Let's go home guys. Sobrang gabi na, may mga trabaho pa tayo bukas"

Biglang aya ni Sienna at tumayo. Hinila naman siya paupo ni Carisze.

"Mamaya na Sienna, let's have more fun"
"Tama na Carisze. Uuwi na tayo"

Umisang inom pa si Carisze bago tumayo.

"Fine. Let's go"

Naglapag na siya ng pera sa table at nauna nang maglakad palabas.

Agad naman namin siyang sinundan. Papasok na siya sa kotse niya ng maabutan namin siya.

"Carisze wait for us. Damn it"

Angil ni Sienna. Napatigil naman si Carisze sa pagpasok sa kotse niya. Sumandal siya sa pinto at inintay kaming makalapit sa kaniya.

"Ihahatid na kita"

Agad kong sabi sa kaniya. Alam kong hindi siya makakapag drive ng ayos, baka mapahamak pa siya.

"Thanks but no thanks. I can drive myself alone"

Ngumiti ulit siya at tumingin sa mga kaibigan namin.

"I'll come with you. Wala naman akong dalang sasakyan"

Sabay lapit ni Sienna kay Carisze. At inilahad ang palad niya. Tinaasan naman siya ng kilay ni Carisze.

"I'll drive. Give me your car key"
"No, I'll-"
"Give. Me. Your. Car. Key. Carisze. Park"

She rolled her eyes first before giving her car key to Sienna.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon