MAHEUN-DUL

122 2 0
                                    

CARISZE's POV

Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako na nauna pa saking magising si Sienna. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan.

Napansin niya naman akong nakatitig sa kaniya.

"Oh you're awake. Good morning bestfriend"
"Good morning too. But what are you doing?"
"Can't you see what I'm doing Carisze? Hindi ko alam na nakakabulag na pala ngayon ang heartbreak"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Just kidding. Pinagluluto kita ng agahan kaya wag mo na kong tignan ng masama"
"I'll help you"

Humarap siya sakin at pinag cross ang mga kamay niya.

"No. Just sit there and lemme do this alone. I'll be your beautiful slave for today. Just today Carisze"

Natawa naman ako sa kaniya.

"Fine. Do whatever you please"

Umupo na lang ako at pinanood siyang magluto. Pagkatapos niyang magluto ay naghain siya at talagang pinapanindigan ang pagiging 'beautiful slave' niya. Siya mismo ang naglagay ng fried rice, bacon and egg sa plato ko. Saka niya nilagyan ang sarili niya.

Pinaglagay niya rin ako ng juice sa baso.

Kumain naman kami ng tahimik. Tanging kalansing lang ng kutsara at tinidor ang maririnig sa dining area.

Pagkatapos naming kumain, siya na rin ang nagligpit at naghugas kahit sinabi kong ako na.

"Sienna ipapaalala ko lang na heart broken ako at hindi baldado kaya wag mo kong i-treat na para bang may sakit ako"
"May sakit ka naman talaga"

Napakunot naman ako ng noo. Kinapa ko ang leeg at noo ko pero hindi naman mainit.

"Wala akong sakit Sienna. Normal lang ang temperature ko"
"Pero masakit puso mo kaya may sakit ka. Shoo iwan mo ko dito at naghuhugas ako. Simulan mo na lang hanapin ang kapatid mo. Gusto kong ma-meet na yang kapatid mo"
"Tsk fine"

Iniwan ko na si Sienna sa kusina at dinial ang number ni PK.

"Good morning Carisze. Ang aga natin ah. Anong kailangan mo?"
"Wala ka pa rin bang nakukuhang information about my brother?"
"I'm sorry Carisze, wala pa talaga eh. Pero nagtutulong na naman kami ng private investigator ni Ivyr para mahanap ng madali ang kapatid mo"

Napatigil naman ako. Bakit tinutulungan niya pa rin akong hanapin ang kapatid ko?

"Oh okay. Thanks PK"
"No problem"
"I'll hang up now. Bye"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, pinatay ko na ang tawag.

Nakita ko namang papasok si Sienna sa salas. Umupo siya sa tabi ko paharap sakin.

"Any news?"
"As usual wala pa rin. Sa tingin mo talaga hahayaan ni Dad na mahanap ko sila"
"You'll find her soon. I'll help you if you want. May private investigator din ako"
"Wag na Sienna. Nalaman ko kasi kay PK na tumutulong pa rin naman ang PI ni Ivyr"
"Bakit? Pambawi niya ba yon sa panloloko sayo?"
"Ewan"
"At hinahayaan mo lang?"
"Kailangan eh kaya isinet aside ko kung anumang personal conflict ang meron samin ni Ivyr"
"But I can help you"
"Just let him be. At least kahit yon man lang na pangako niya matupad niya diba?"
"He promised to you that he will never leave you as Ivyr then he promised to you to help you find your brother as IK. Galing naman"
"Tsk hayaan mo na Sienna. Let's not talk about it anymore. I'm trying to forget him and you said that you'll help me"
"I'm helping you to forget Ivyr"
"Then stop saying his name"
"And why? So akala mo pag hindi mo na naririnig ang pangalan niya makakalimutan mo siya. Stupid"
"Sienna!"
"What?"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon