CARISZE's POV
Pinandigan nga ni Ivyr ang sinabi niya. Lagi lang siyang nandyan sa tabi ko, nasasanay na nga ako sa presensiya niya. Hindi na ko nanginginig pag kinakapitan niya ako bigla. Sa loob ng tatlong linggo na tinutulungan niya ko, feeling ko nawala na ang phobia ko.
Nung unang linggo, lagi niya lang hinahawakan ang kamay ko, braso at balikat. Pag nanginginig ako, binibitiwan niya ko saglit tapos hahawak ulit.
Pangalawang linggo, sa ulo niya naman ako hinahawakan at sa mukha. Nung bigla nga niya akong hinawakan sa mukha, naitulak ko pa siya bigla.
And nung pangatlong linggo, tinry niya na ihug ako. Syempre nanginig ako ng sobra lalo na nung binack hug niya ako. Napaiyak pa nga ako pero si Ivyr ang nagtuyo nun. Nakaramdam ako ng kilig pero kinastigo ko agad ang sarili ko. Alam ko namang tinutulungan lang ako ni Ivyr at walang malisya yon.
Kinwento ko sa kaniya lahat ng naranasan ko nung bata ako kaya naintindihan niya ako kung bakit bigla akong umiyak nung hinug niya ako sa likod. Ganoong ganoon kasi ang pagkakayakap sakin nung nangidnap sakin nung bata ako.
At ngayon para raw malaman namin kung talagang nawala na ang phobia ko, ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niyang lalaki. Kaya nandito kami sa MR Bar ni Ivyr at hinihintay ang mga kaibigan niya.
"Carisze kamusta pala paghahanap mo sa kapatid mo?"
Naikwento ko na rin sa kaniya yon. At sabi niya tutulong din siya sa paghahanap.
"Wala pang balita eh. Di pa natawag ulit ang private investigator ko"
"Ganon din ang PI ko, ngayon lang siya nahirapan maghanap ng isang tao"
"Mahina talaga PI mo"Pang-aasar ko sa kaniya. Yung PI kasi niya lagi niyang pinagmamalaki sakin na magaling yon at mahahanap agad ang pinapahanap sa kaniya within a minutes. Pero nung hindi niya mahanap ang kapatid ko, lagi ko nang inaasar si Ivyr. Cute niya kasing magalit.
"Tss nagsisimula ka na naman. Tumigil ka ha. Iiwan kita dito"
"Gawin mo. Uuwi naman ako"Tumahimik na lang si Ivyr. That means surrender na siya. Never pa talaga siyang nanalo sa asaran namin.
Mayamaya lang may kinawayan siya sa entrance ng bar. 4 na lalaking gwapo pero mas gwapo pa rin sa paningin ko si Ivyr.
"Bro long time no see. Lagi kang busy sa babaeng ma--"
Tinakpan naman agad ni Ivyr ang bibig ng lalaking naka blonde hair.
"Pag di ka tumigil, di na kita bibigyan ng kanta"
"Joke lang. Oh sino ang ipapakilala mo samin?"
"Umupo muna kayo"Umupo naman sila sa harap ko. Ang inuupuan kasi namin is pa-round na sofa and may table sa gitna. Pagkakita sakin ng apat, nabigla sila pero ngumiti din agad. Umupo na rin sa tabi ko si Ivyr.
"Mga bro this is Carisze Park"
Tumayo naman ako at nag bow. At ganun din ang ginawa nila. Kahit wala kami sa Korea, nadala pa rin namin ang tradition na yon.
"Ah siya pala yon. I'm Aerys Lee, singer in YGE. Call me Ae. Nice to meet the someone's world"
Nag shake hands kaming dalawa. Sunod namang nagpakilala ang lalaking black hair ang buhok. Ma-charisma to sa lahat.
"Hi! I'm Klinto Choi, artist and singer in YGE. Call me Klin. It's finally nice to meet you"
Nag shake hands din kami. Sunod naman ay yung lalaking may bangs na tumakip na talaga sa mata niya.
"I'm Poebe Kang, your private investigator. You can call me PK. Nice to meet you"
"Paano mo nga makikita ang pinapahanap ko kung nakatakip yang bangs sa mukha mo?"
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...