SWIN-DUL

122 1 0
                                    

CARISZE's POV

After 1 month...

Nandito kami ngayon sa bar nila Sienna. Hindi ko alam kung bakit nag-ayaw bigla si Sienna na mag bar at kumpleto pa ang barkada namin. Even Claey and Cheery are here.

Nang hindi na ko makatiis ay nagtanong na ko kay Sienna.

"Sienna ano ba kasi talagang meron?"
"Well gusto ko lang namang i-celebrate ang pagbabalik mo ulit sa pagiging top 1 sa fashion line. And..."
"And?"
"And..."

Pinaningkitan ko ng mata si Sienna.

"Sienna kapag hindi mo itinuloy tuloy yang sinasabi mo ipapalagok ko lahat ng pwedeng ipainom sayo dito"

Tumawa lang si Sienna at sinenyasan ang mga kaibigan namin.

"Ok guys. Lemme count 1 to 3. Hana, dul, set..."
"HAPPY ANNIVERSARY CARISZE!"

What the fudge? Anniversary? What is the date today?

Tinignan ko ang phone ko. April 9.

Sinamaan ko naman sila ng tingin pero tinawanan lang nila ako.

"Ang babait namin diba? Naalala namin na anniversary niyo ngayon. Si I-"
"Sige ituloy mo yang sasabihin mo Sienna, talagang makakatikim ka sakin"
"Tsk chill lang. Pasensya ka na napatapat din sa anniversary niyo ang pagbabalik mo sa top eh"

Sabay tawa niya. Lumapit siya sakin at inakbayan ako.

"And I think this is the right time to find other man. Yung mas better sa ex mo"

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"I have no time for that Sienna. Pwede bang si Ae na lang pestehin mo at huwag ako. Naiinis na talaga ako"
"Tsk tutulungan ka na ngang-"
"Sienna leave me alone, ok? I don't need someone to make me forget about Ivyr. Tanggap ko nang mahal ko pa rin siya at hindi ko siya makakalimutan pero darating din ang araw na mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Kaya hintayin mo na lang dumating ang araw na yon"
"Tsk if we know hindi ka mabilis makalimot. Hindi mabilis mawala ang nararamdaman sa isang tao Carisze"
"Tama si Sienna, Carisze. Saka hindi naman talaga nawawala ang feelings mo sa isang tao eh. Natatabunan lang to pero asahan mo kapag bumalik ang taong yon sa buhay mo at biglang nagparamdam, yung feelings na ibinaon mo ay kusang lalabas" - Zarya

Natahimik naman ako sa sinabi nila Sienna at Zarya.

"Tsk whatever. Mag celebrate na nga lang tayo. Let's forget about my past. Tonight is a happy night for us"

Itinaas ko ang baso ko.

"Cheers"

Nagtaas din sila ng baso at nakipag cheers din. Hinigit ako nila Sienna at Lacey sa dance floor pampagaan daw ng pakiramdam. And it's good. Unti-unti na kong sumasaya kahit wala na siya.









IVYR's POV

5 months later...

"Jin let's talk"

Nasa isang cafe kami at wala ni isa ang gustong magbasag sa katahimikan. Hindi naman ako sinasagot ni Jin.

"I know it's hard for you but I think we need a break"

Napaangat naman ang ulo ni Jin at tumingin sakin. Tumulo na ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

"Why? May nagawa ba kong mali? May nagbago ba sakin? Sabihin mo sakin kung anong mali para maitama ko pa, para maisalba pa ang relasyon nating dalawa"

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago hinarap si Jin.

"I'm wrong"
"What do you mean by that?"
"Hindi pala talaga kita totoong mahal-"
"That's not true!"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon