SEOLEUN-ILGOP

114 2 0
                                    

IVYR's POV

2 days na ang nakakalipas simula ang nangyari sa pagitan namin ni Jin. Hindi pa ulit kaming nag-uusap dalawa.

Hindi naman ako manhid para hindi maintindihan kung anong gusto niyang sabihin sakin.

Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Carisze ang nangyari samin ni Jin. Mabuti na lang hindi pa siya tumatawag ulit. 2 days na rin siyang walang paramdam sakin.

Mayamaya'y may nag doorbell kaya napilitan akong tumayo sa kama ko at lumabas ng kwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Jin. Ngumiti siya sakin.

"Hi"
"Hello"

Ang awkward naming dalawa.

"Bakit? May kailangan ka?"

Pinipilit kong maging normal kaming dalawa. Ayokong i-entertain kung ano man tong nararamdaman ko kay Jin dahil hindi tama. Ayokong masaktan si Carisze.

"Ahm here. Peace offering?"

Inilabas niya ang paper bag sa likod niya. Nang tingnan ko ang laman ay home made na sushi.

"Salamat. May kailangan ka pa ba?"
"Ah wala na. Sige, alis na ko. Sorry sa istorbo"

Bago pa siya makatalikod sakin ay hinigit ko na ang braso niya.

"Pasok ka muna. Sabay nating kainin tong dala mo, masyado kasing marami to"
"Sige"

Pumasok na kami sa loob. Parehas kaming dumeretso sa kusina. Umupo na siya sa upuan at pinanood lang ako sa pag-aayos ng kakainin namin.

Inilapag ko na sa harap niya ang sushi at sawsawan namin. Kumuha rin akong dalawang chopsticks at juice.

"Bakit hindi ka ata nagparamdam sakin ng 2 araw?"
"Bakit? Na-miss mo ba ako?"

Natulala naman ako sa tanong niya. Tumawa lang siya sa naging reaction ko sa tanong niya.

"Just kidding. Naging busy kasi ako sa LJY Fashion, tinanggal ko na kasi ang manager dahil nga sa ginawa niya sa girlfriend mo"
"Carisze is her name. Mabuti naman at naisipan mong tanggalin siya"
"Alam mo namang hindi ko tinotolerate ang mga ganong klase ng tao"
"Yea. So how's your business? Still on top?"
"Yup. 3 months ng nasa top ang LJY Fashion--"
"Dahil sa mga designs ni Carisze kaya nasa top ngayon ang LJYF"
"I know kaya nga hindi ko magawang magsaya kasi alam kong mula sa maling gawa ang pagiging top ng business ko"

Tumango na lang ako. Natahimik ulit kaming dalawa.

"By the way kaya pala ako nandito kasi gusto kong ayain kitang pumunta sa Laiya. Ok lang ba?"

Napaisip naman siya. Matagal tagal na rin siyang hindi nakakabalik sa lugar na yon.

"Sige. Ngayon na ba?"
"Kung ok lang"
"Oo naman. Tapusin na nating kumain para makapag ayos na tayo"
"Actually ikaw na lang ang mag-aayos. Kagabi pa nakaayos ang gamit ko"
"Okay. Edi maiwan muna kita dyan, aayusin ko lang ang gamit ko"

Tumango na lang siya at nagpunta na ko sa kwarto ko. Tinext ko naman si Carisze na aalis ako. Hinintay ko kung magre reply siya pero walang text mula sa kaniya kaya naisipan kong tawagan na lang siya pero out of reach ang phone niya.

Nang matapos na kong mag-ayos ng gamit ay lumabas na ko at inaya ng umalis si Jin.

After long silent hours of driving nakarating na kami sa Laiya. Kung anong room ang kinukuha namin dati ay ganun pa rin ang kinuha namin ni Jin.

Nang makapasok kami sa kwarto namin ay nahiga si Jin at tinakpan ng braso niya ang mata niya.

Malaya ko siyang natitigan. Hindi na naman naging normal ang tibok ng puso ko.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon