CARISZE's POV
Nandito na kami ngayon sa NAIA dahil aalis na kami papuntang Korea. Kasama naming babalik ni Claey si Sienna dahil kailangan niyang mag release ng new magazine for winter season.
Hinatid pa kami nila Zarya dito pero hindi nakasama si Lacey dahil busy siya sa paparating na accreditation sa school niya at si PK hindi rin nakasama dahil tinutulungan niya si Lacey na maghanda.
Kaya ngayon si Zarya lang ang nagda drama.
"Babalik kayo ha. Papasabugin ko mga business niyo kapag hindi kayo bumalik"
Sabay pout niya. Ang cuteeeee niya tuloy.
Tawa na lang ang naisagot namin kay Zarya.
"Why are you laughing? I'm dead serious. Papasabugin ko talaga ang LGC building at Vogue building mo Sienna and same na rin sa PMO mo Carisze kaya huwag kayong tatawa-tawa dyan"
Sabay naman kaming napailing ni Sienna.
Lumapit ako kay Zarya at niyakap siya.
"Don't worry. We'll be back after 6 months. Remember that me, Claey and dad had a deal, right? So stop thinking brutality to our business"
Niyakap niya muna ako ng mahigpit bago tumango.
Pagkahiwalay ko naman sa kaniya, si Sienna naman ang yumakap.
"Take care of our dongsaeng, Zarya. Keep your eyes on her. You'll be my substitute as a mother to Lacey, arasso?"
"Okay. Take care of Carisze too"Nagtapikan muna sila ng likod bago naghiwalay.
Napunta ang atensyon namin sa biglang pagsasalita ni Ae.
"Bibili lang ako tubig, dyan muna kayo" - Ae
Nagmamadali naman siyang umalis. Tiningnan ko si Sienna para bigyan siya ng message at nakuha naman niya ang gusto kong iparating.
"Samahan ko lang yon bumili ng tubig"
Lakad-takbo ang ginawang paghabol ni Sienna kay Ae.
"Ayaw pa kasing mag-aminan ng dalawang yon. Halata namang may feelings sa isa't isa"
Nabaling ang tingin namin kay Klin.
Well, totoo naman ang sinasabi niya. Halatang-halata naman yung dalawa sadyang nasa in-denial stage lang sila ngayon.
"So happy trip Carisze. 6 months ka lang naman mawawala kaya hindi ako magiging kasing OA ni Zarya"
"Ako OA?"
"Oo-"Hindi na natapos ni Klin ang sasabihin niya dahil hinila ni Zarya ang tenga niya at inilapit sa bibig niya.
"Hindi ako OA, ok? Sadyang mamimiss ko lang sila kaya itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong dila mo ang hilahin ko palabas"
Sabay bitaw ni Zarya sa tenga ni Klin. Agad namang lumayo si Klin at hinimas ang namumula niyang tenga.
Yon ang naabutang eksena nila Sienna at Ae.
"Hyung bakit namumula tenga mo? Yieeee may nangyari sa inyo ni Zarya no? Yieeee hyung kinikilig"
Sinundot sundot pa ni Ae ang tagiliran ni Klin.
"Oo may nangyari samin ni Zarya kanina. Sayang wala ka pero kung gusto mo, ipapakita ko sayo kung bakit namula yung tenga ko. You like?"
"Yes, yes I like hyung"Nagpipigil ako ng tawa dahil alam kong pagsisisihan ni Ae ang pagiging curious niya.
Nilapitan na ni Klin si Ae at inabot ang tenga nito sabay hila. Puro aray lang ang maririnig kay Ae.
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...