AHOP

211 6 0
                                    

IVYR's POV

Pagkaalis ni Carisze humarap naman sakin si Might.

"Man alam kong maganda si Carisze at tipo mo siya pero wag mo naman akong isasama sa kahihiyan mo. Dapat si Zeke na lang isinama mo dito"
"Ayaw niya lang ipaalam na nagde date talaga kami Might. Nakikita mo naman kung gaano siya hindi ka-showy diba?"
"Ivyr kilala mo ko. Nade detect ko kagad ang isang tao kung nagsisinungaling o hindi. And sa nakita ko kay Carisze, nagsasabi siya ng totoo. At alam kong nagsisinungaling ka lang din kagabi nung sinabi mo yon. I know that you like her kaya mo nasabi yon"

Like? Nah. Not happening, never.

"Ok nagsisinungaling na ko pero di ko siya gusto Might"
"Yeah and Spongebob is not in love with Sandy"
"Fuck I love spongebob man kaya wag mo silang isali sa usapan"
"Childish. Bahala ka na nga dyan, dami ko pang gagawin. Istorbo ka"

Umalis na si Might at naiwan ako ditong naiinis. Akala ko akin na ang gabing to but hell nabaliktad ni Carisze ang situation namin in just few words. Siguro kailangan ko na talagang mag-aral ng manipulation para magamit ko kay Carisze.

Biglang may lumapit saking babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda siya pero mas maganda si Carisze.

"I'm--"
"I'm not interested"

Umalis na lang ako sa bar at dumiretso sa condo ni Zeke. Siya na lang guguluhin ko.

Nakakailang katok palang ako bumukas na ang pinto.

"Hello bro. Nandito lang ako para manggulo"
"Expected ko ng dadating ka. Might told me everything. Come in"

Pumasok na ko at sabay upo sa sofa niya.

"Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo yon Ivyr? Sinasabi mong di mo gusto si Carisze pero iba naman ang pinapakita mo"
"Trust me Zeke, I don't like her"
"Hmm you love spongebob, right?"

Nagtaka naman ako bigla sa pagbabago ng topic niya. Si spongebob na naman.

"Yes"
"You love daisy flower?"
"Yes"
"You love music?"
"Yes that's why I build YG Entertainment"
"You love fashion?"
"Yes, a lot"
"You love sushi?"
"Hell yes"
"You love Carisze Park?"
"Yes. Wait what?"

Tumawa naman si Zeke. Langya naisahan ako don ah. It should be a no. Tinignan ko naman si Zeke ng masama.

"Bro huling huli ka na. May voice record pa oh"

Pinakita niya nga sakin na nirecord niya ang usapan namin. Siguradong gagamitin niya yon para ipamblackmail sakin.

"Zeke alam mong no ang isasagot ko don. Dinaya mo lang ako"
"Paanong dinaya? Ang linaw linaw na tinanong lang kita at wala akong ibang ginawa. Just admit it Ivyr, inlove ka kay Carisze"
"Hindi nga. At wala akong aaminin kasi hindi talaga"
"Ok. If you say so. Mai-send pala to sa gc nating lima. First time confession of Ivyr Kwon, the cold man"

Sabay hagalpak ng tawa. Pasalamat talaga to at kaibigan ko to kundi kanina pa tong naipadala sa hospital.

"Zekiel Peras, don't you dare. Alam mong iba ang nagagawa ko pag nagagalit ako, diba?"

KJ!

Narinig kong bulong niya. May takot din naman sakin yan.

"Ano pang ginagawa mo dito? Lumayas ka na. Panira ka ng gabi"
"Oo na aalis na. Makapag palayas ka ah"
"Tapos? Bahay ko naman to kaya I can shoo whoever I want. Kaya umalis ka na, magpapahinga na ko"

Tumayo na ko at lumabas ng condo niya. Sumilip pa si Zeke sa pinto ng condo niya.

"Ivyr I forgot to tell you this. If you love her, just grab and kiss her"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon