CARISZE's POV
Pauwi na ko ngayong Pilipinas galing London. Kakatapos lang ng fashion show na dinaluhan ko.
Excited na kong umuwi dahil magkikita na rin kami ni Ivyr, ang aking baby boy.
After long hours, nakarating na rin ako ng Pilipinas. Nag taxi na lang ako dahil gusto kong i-surprise si Ivyr.
Nagpahatid muna ako sa apartment ko dahil hapon palang naman. Magpapakita muna ako kay Zarya, sigurado akong namiss din ako ng babaeng yon.
Agad naman akong kumatok sa apartment ni Zarya at binuksan niya naman ito.
"Carisze? Oh my God, I miss you sis"
Niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon din naman ako sa kaniya.
"Kakarating mo lang? Tara pasok tayo sa apartment mo"
Pumunta naman kami sa apartment ko at doon nag kwentuhan. Nang maggabi na, nagpaalam na ko kay Zarya na pupuntahan ko si Ivyr.
"I know he will be happy when he see you"
"Alam ko kaya nga kailangan ko ng umalis ngayon dahil miss na miss ko na ang baby boy ko. 2 days din akong hindi nakapagparamdam sa kaniya dahil busy ako"
"Yeah yeah. Hatid na kita?"
"Sure. Thanks Zarya"Inihatid naman ako ni Zarya papunta sa condo ni Ivyr.
"Thanks Zarya. I love ya sis"
"Love ya too mwaa"Sinara ko na ang pintuan sa passenger's seat at pumasok na sa condominium building. Binati ko pa ang guard sa sobrang saya ko. Sumakay naman agad ako sa elevator at nagpahatid sa 8th floor. Nang makarating na ko doon, agad kong kinuha ang duplicate card key na binigay niya sakin noon. Sigurado akong tulog na yon ngayon.
Pumasok agad ako at nagtungo sa kwarto niya pero wala si Ivyr. Tinignan ko sa kusina, wala rin pati sa balcony wala. Nasan kaya yon?
Chineck niya ang cellphone kung may message sa kaniya si Ivyr. Meron nga at may missed call pa. Agad niya itong binuksan.
From: Baby Boy
Aalis ako, kasama ko si Jin. Pupunta kaming Laiya.
Received: 2:00 pm
Kanina pa siya wala? Sigurado akong pauwi na yon kaya maghihintay na lang ako dito sa kwarto niya. Nahiga muna ako saglit at hindi ko namalayang nakatulog ako.
Nagising ang diwa ko dahil narinig kong may pumasok, alam kong si Ivyr na yon. Agad akong tumayo at walang ingay na binuksan ang pinto ng kwarto. Kitang kita mula dito ang sala kaya hindi ako nahirapang silipin kung sinong dumating.
Nakita ko na si Ivyr at Jin. Natuon ang atensyon ko sa magkahawak nilang kamay. Ganyan ba talaga sila ka-close?
Hinayaan niya lang na mapanood ang dalawa. Pero nagulat siya sa narinig niya.
"Babe gusto mong dito na lang matulog?"
"Wag na. Baka may biglang dumating, makita pa tayo. Kailangan mo munang ayusin ang sa inyo ni Carisze"
"Okay. Hatid na kita sa room mo?"
"Wag na rin. Magpahinga ka na dahil alam kong pagod ka sa pagda drive"
"Fine"
"Sige, aalis na ko"Patalikod na sana si Jin nang higitan siya ni Ivyr at halikan ang labi nito. Agad namang tinugon yon ni Jin.
Parang minamaso ang puso niya sa sobrang sakit. Hindi niya namalayang tumutulo na ang kaniyang luha.
"I love you Jin"
"I love you more"Lalong bumuhos ang luha saking mata. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang hikbi na tanda ng sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...