SEUMUL-DUL

161 4 0
                                    

CARISZE's POV

1 month na kaming mag boyfriend-girlfriend ni Ivyr. Masaya naman para samin ang mga kaibigan namin. Pero wala pa ring nagbabago sa mga pakikitungo ng mga kaibigan namin sa isa't isa. Hindi na nga namin alam ni Ivyr kung anong dapat naming gawin para lang magkabati lang tong mga to eh.

"Nakakunot na naman yang noo mo. Ano na naman ba yang iniisip mo?"

Magkasama kami ngayon ni Ivyr sa condo niya. Sabado ngayon kaya wala akong trabaho pero siya busy sa pagco compose ng mga kanta para kela Ae at Klin.

"Iniisip ko kasi kung pano magkakabati ang mga kaibigan natin. Hindi naman pwedeng lagi silang magkakaaway diba?"
"Akala ko pa naman ako ang iniisip mo. Anyway wag mo na lang silang problemahin. Magkakabati din ang mga yon"
"Kasama na kita kaya hindi na kita kailangan isipin pa. Hays sabagay, may point ka"

Lumapit ako kay Ivyr at niyakap siya sa likod.

"Kamusta ang paggagawa mo ng kanta? May nagawa ka na ba?"
"Yup. Gusto mong marinig tong isa? Kakantahin ko para sayo"
"Anong title?"
"Girlfriend"
"Hmm para sakin ba yan?"
"Yes. So sino gusto mong kumanta nan? Si Klin or Ae?"
"Kay Klin na lang. Mas gusto ko ang boses ni Klin eh"
"Ok at ayaw mo sa boses ko?"

Umupo naman ako sa lap niya habang nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya.

"Syempre gusto. Ang ganda kaya ng boses ng boyfriend ko. Kaya gusto ko ako lang ang makakarinig ng boses mo"

Niyakap niya naman ako sa bewang at hinalikan ang ilong ko.

"Too possessive baby girl. Listen, kakantahin ko na tong kanta para sayo. Pero chorus lang"
"Ok, I'll listen. Start na"

Yes I have a girlfriend
And I'm never lonely
Geunyeoreul baraboneun (Just looking at her)
Geonmaneurodo joa (Makes me happy)
Yes you're my girlfriend
You're my one and only
Neoraneun kkumsogeseo (I don't wanna wake up)
Nan kkaego shipji ana (From this dream of you)

My girlfriend my girlfriend
She ain't no side chick mistress girlfriend
My girlfriend my girlfriend
Cuz Ain't nothing in the world
Compare to my girlfriend

(KPOP LYRICS)

"How was it baby girl? Maganda ba?"
"Oo naman. Talaga bang no side chick mistress girlfriend?"
"Oo naman because nothing in the world compare to my baby girl"
"Yieee para sakin nga *chuckle"
"Hindi ka pa ba nagugutom? 12 na oh"
"Gutom na. Pero ayokong kumain sa labas. Ipagluto mo ulit akong sinigang"
"Sure. Tayo ka na dyan para makaluto na ko"

Hinalikan ko muna siya sa lips bago tumayo. Nakangiti naman ang mokong sa ginawa ko, gusto niya naman yon eh.

Tumayo na siya at nagpuntang kusina, sumunod lang ako sa kaniya. Pinagmamasdan ko siyang ayusin ang mga gagamitin niya sa pagluluto pati na rin ang paglilinis ng baboy na gagamitin niya sa sinigang.

"Favorite mo talaga to?"
"Naging favorite ko lang naman yan kasi yan ang una mong niluto para sakin"
"Sus, dyan ka lang ha. Wag kang makikielam sa pagluluto baka pumangit na naman ang lasa"

Natawa ako sa sinabi niya. Nung last time kasi na nakielam ako sa kaniya sa pagluluto, parehas kaming napatakbo sa banyo kasi ang pangit ng lasa. Kaya yon, simula non ayaw na ni Ivyr na nakikielam ako sa kaniya sa kusina.

"Sige, manonood lang ako dito"

Nagsimula na siyang magluto. Paminsan minsan ay nalapit siya sakin para lang humalik. Pang support ko daw sa kaniya sa pagluluto.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon