YEOL-DASEOT

178 4 0
                                    

IVYR's POV

Tumahimik bigla si Carisze hanggang sa makarating kami sa mall. Ngayon nga nauuna na siyang maglakad pero bumalik din naman agad sa tabi ko.

"Ahm saan pala tayo?"
"Gutom ka na ba?"
"Hindi pa naman"
"Then let's go watch a movie"

Tumango lang siya at nauna na ulit maglakad papuntang sinehan. Problema kaya nitong babaeng to?

Nang makarating kami, namimili na siya ng papanoorin.

"Anong gusto mong panoorin?"
"Annabelle?"
"Ok. Basta walang kapitan pag natakot ha"
"Oo naman"

Pumila na kami sa bilihan ng ticket. Si Carisze busy sa pagse cellphone, katext ata si Sienna. Nang turn ko na, napansin kong nagpapa cute sakin yung babae. Nagpa puppy eyes siya sakin. Di naman bagay. Paano kaya kung si Carisze nagawa nan?

Napangiti na lang ako sa naisip ko. Bumalik naman agad ako sa realidad ng kausapin ako nung babae.

"Sir?"
"Two tickets of Annabelle. I want on the last row seat please"
"Ok sir. Your name and phone number sir?"
"For what?"
"For ahm for safety purposes sir"

Kailangan na rin pala ng pangalan at number pag bibili ng ticket? Ibibigay ko na sana ang pangalan ko at number ng biglang sumabat si Carisze.

"He doesn't have a name and his number is 18. Will you please stop flirting and make it faster? Thank you"

Nagbaba naman ng tingin ang babae. Mukhang na intimidate sa tingin ni Carisze. Yung tingin kasi niya parang tigre. Pagkabigay ng ticket sakin, nauna na namang maglakad si Carisze papuntang bilihan ng popcorn.

Pagkadating don lumingon naman agad siya sakin at kinuha yung ticket sa kamay ko.

"Popcorn, cheese flavor and ice tea. Large"

Kesa naman magreklamo, sumunod na lang ako. Akala ko magiging perfect date to. Kanina ang ayos ayos naman ng mood niya, ngayon parang nag switch off bigla yung pagiging jolly niya.

Pagkabili ko ng pagkain, pumasok na kami sa sinehan. Nasa pinakadulo kami kasi requested ni Carisze.

Dahil di pa naman nagsisimula ang palabas, kinompronta ko muna si Carisze.

"May problema ba Carisze? Kanina ka pa kasi tahimik eh"

CARISZE's POV

Ikaw!

"Ano yon Carisze? May sinasabi ka ba? Kausapin mo na kasi ako"

Tss kanina ko pa kasi iniisip kung yung babaeng gusto niya ay yung babaeng sinabi ni Lacey. Yung kababata ni Ivyr na bigla na lang siyang iniwan. Nahihiya naman akong itanong.

"Wala. Pasensya na, ganito talaga ako. Moody"

Lumapit siya sakin. Akala ko kung anong gagawin niya, bubulong lang pala.

"Meron ka ba?"

Nabatukan ko siya ng malakas. Ang dami daming pwedeng itanong, yun pa talaga?

"Aray ko ah. Nagtatanong lang ako eh"
"Ang bastos kasi ng tanong mo"
"Kasi naman badtrip ka ngayon, yon lang ang naisip kong reason kung bakit ganyan ka ngayon eh"
"Sira ka. Wala, ok? Tss manahimik ka na, magsisimula na ang movie"

Nakatutok na kaming dalawa sa screen pero nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko si Ivyr.

Nang nasa kalagitnaan na ng movie, napansin kong palapit sakin ng palapit si Ivyr. Hanggang sa yumakap na siya at itinago ang ulo sa likuran ko.

Waaaaah I can't breathe. My heart is beating so fast. Sana hindi naririnig ni Ivyr.

"Ivyr umalis ka nga dyan sa likuran ko"
"Ayaw. Bakit kasi yan pa pinanood natin eh?"
"Sino bang namili ng papanoorin?"
"Ako"
"Oh kaya manood ka. Tapusin mo to"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon