SEUMUL-AHOP

110 2 0
                                    

IVYR's POV

Nakita ko naman agad sila Zeke sa loob. Agad naman akong lumapit sa kanila.

"Nagpunta ka pang hayop ka"
"Gusto kong makita yung babaeng magiging kawawa dahil sayo eh"

Nag 'fuck you' sign lang siya sakin sabay alis sa upuan niya. Umupo naman ako sa upuang katabi ng upuan ni Zeke. Baka tatawagin lang non yung babae niya.

"Kilala mo ba Ivyr kung sinong ipapakilala niya?"
"Kilala mo ba Ae?"
"Hindi kaya nga nagtatanong ako sayo eh"
"Eh hindi ko rin kilala kaya wag kang magtanong sakin"

Sila na lang tatlo ang nagkwentuhan. Walang kwenta naman daw akong kausap kaya hindi na talaga nila ako kinakausap. Tinext ko na lang si Carisze.

To: Baby Girl

Baby nasa MR Bar ako ngayon kasama sila Zeke. Dito naisipang mag propose ni Zeke eh. Marriage proposal gagawin niya baby, naunahan pa tayong dalawa

Wala pang dalawang minuto nakapag reply na agad si Carisze.

From: Baby Girl

Really? Wow, pakisabi congrats. Babagal bagal mo kasing mag propose sakin eh, mauunahan pa tuloy tayong magpakasal ni Zeke
P.s Wag iinom ng marami. Magtira ng pang-uwi. I'm not there to pick you up and send you home. Take care, I love you Baby

To: Baby Girl

Don't worry baby mag-iisip na rin ako ng gimik ko kung paano magpo propose sayo. Hindi po ko iinom, ayoko kasing pag alalahanin ka. I love you more baby, pahinga ka na

From: Baby Girl

Hahaha iintayin ko yan baby. I love you forever baby, papahinga na ko. Good night mwaaaa

Hindi na ko nag reply kay Carisze. Nilagay ko na ulit sa bulsa ang phone ko, sabay dating naman ni Zeke kasama yung babae niya.

"Zeke san ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Jaela" - Klin
"Oo nga dude. Alam mo namang patay na patay sayo yon" - Ae
"Hayaan mo siya. Mga par may ipapakilala ako sa inyo" - Zeke
"Sino? Yung babaeng nililigawan mo? Par alam naming gawa gawa mo lang yon para umiwas na sayo si Jaela. Wag mong sabihing nanghigit ka dyan ng kung sino sino" - Ae

Hinarap naman samin ni Zeke ang babaeng kasama niya.

"Guys si Charm Kim but call her Kim. I'm the only one allowed to call her Charm"
"H-hi"

Maasar nga tong si Zeke.

"Hello Charm, I'm Ivyr"
"Ivyr!"

Kinurot naman siya sa tagiliran ni Kim. Parang naging maamong tupa naman si Zeke. Natawa naman ako sa biglang pag amo niya. Hayss nagagawa nga naman ng pag-ibig.

"Hi Kim, Klinto is my name"
"I'm Poebe"
"Aerys here"
"Nice meeting you all" - Kim

Nginitian na lang namin siya. Bumalik naman sa usapan ang tatlo. Sisimulan ko namang asarin si Zeke.

"Tsk tsk alam na ba niya na magpo propose ka?"
"Alangan hindi. Surprise to bro"
"Hays kawawa naman si Charm, ipaalam ko kaya para maging prepared naman siya"
"Sabing Kim ang itawag mo eh. Pag isang tawag mo pa sa Charm ko ng Charm, tatawagin ko ring Baby Girl si Carisze. Saka subukan mong sabihin kay Charm ang proposal ko, hinding hindi kita tutulungan pag ikaw naman magpo propose kay Carisze"
"Gago, ako lang pwedeng tumawag kay Carisze ng baby girl. Tsk hindi ako hihingi ng tulong mo pag magpo propose na ko kay Carisze. Mag-iisip ako ng mas magandang gimik kesa sa gimik mo"
"Fine, whatever you say IK"

Napatigil naman kami sa pag-uusap ni Zeke nang biglang dumating si Jaela. Ang babaeng kinaiinisan ko at ni Zeke.

"Jaela!" - Ae
"I didn't saw him. Where is he?"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon