CARISZE's POV
Napatanga ako kay Ivyr sa sinabi niya. Akala ko iniwan lang siya ng babaeng gusto niya.
"I'm sorry. I didn't know"
"Ok lang. Ako na dyan, magpalit ka na ng damit mo"Tumayo naman ako at kumuha ng damit pamalit. Two piece at summer dress ang dinala kong damit.
Lumingon muna ako kay Ivyr bago tuluyang lumabas sa cottage. Tumingin din siya sakin at ngumiti pero hindi umabot sa mata niya. Halatang apektado pa rin siya sa pagkawala ng bestfriend niya. Kahit naman siguro ako, pag nawalan ako ng bestfriend *knock on the woods magiging ganon din ako.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, bumalik na ulit ako sa cottage namin. Nag-iihaw na si Ivyr, naka sando na lang siya at may nakasabit na DSLR sa kaniya.
Nang magawi ang tingin niya sakin, pinapose niya ako at pinicturan. Lumapit naman ako sa kaniya at tinignan ang mga kuha niya sakin.
Hiniram ko sa kaniya ang DSLR at pinicturan siya ng hindi niya alam. Tinignan ko isa-isa at ang gwapo niya sa bawat anggulo na nakuhanan ko. Tinawag niya ako palapit sa kaniya, picture daw kaming dalawa. Ihinarap niya ang DSLR saming dalawa at iba't ibang pose ang ginawa namin. May wacky, heart sign, fierce, and smile.
Pagkatapos naming mag picture, itinabi ko muna ang DSLR at tinulungan na siyang mag ihaw. Nang matapos na kami sa pag-iihaw, kumain muna kami bago nagpuntang tabing-dagat.
Nagpatulong muna akong maglagay ng sunblock kay Ivyr bago lumusong sa tubig.
"Ivyr race tayo. Kung sino ang huling makapunta sa bangkang yon na nasa gitna ay magiging slave ngayong araw"
"Game. Kahit ano gagawin ha"
"Oo naman. Pagkalagpas satin ng alon na yan, start na"Hinintay namin ni Ivyr na makalagpas yung alon bago kami lumangoy papunta sa bangka.
Pagkarating ko sa bangka, nakita kong nakasandal si Ivyr sa palangoy at nakangiti sakin ng malapad. Tss talo ako.
"Joke lang pala yon"
"Aba walang joke-joke. Deal is a deal. Today, I'm your master and you're my slave"
"Busted-in kaya kita"Napa pout naman si Ivyr.
"Wala namang ganyanan Carisze. Saka ikaw ang unang nakaisip nan, sumunod lang ako"
"Psh oo na"
"Yes! Hahaha dami ko pa namang gustong ipagawa sayo"Tsk kaya pala pumayag. Lumangoy muna kami pabalik sa dalampasigan bago niya sinimulan ang pag-alila sakin. Ginawa niya akong photographer, taga subo ng pagkain niya, entertainer at dancer. Hanggang sa magdilim na.
"Wala ka na bang naiisip na iutos? Gabi na oh, pauwi na rin tayo"
"Hmm meron. Wear this"Inabot niya sakin ang panyo niya. Itinali ko naman yon sa mata ko.
"Ano na naman ba to Ivyr?"
"Maghahanapang daga tayo"Sabay tawa niya ng malakas. Loko loko talaga to, isip bata kahit kelan.
"Alam mo baliw ka na"
"Gawa mo. Matino naman ako dati, dumating ka lang sa buhay ko naging baliw na ko... sayo"Namula naman ang pisngi ko.
"Heh tumigil ka na nga. Maglaro na tayo para matapos na to"
"Hanapang daga with a twist ang laro natin"
"Naggawa ka na naman ng sarili mong laro. Oh pano ba yan para matapos na tayo"
"The music will be your guide. Kung san ka may marinig na music, pupuntahan mo. Susundan mo lang yon hanggang sa mahuli mo ko. Hindi ako aalis sa pwesto ko, promise. Kailangan mahanap mo ko bago matapos ang kanta"
"Paano ko malalaman na hindi ka aalis sa pwesto mo eh nakatakip ang mata ko?"
"Basta magtiwala ka lang sakin. Kaya talasan mo lang yang tenga mo"
"Oo na. Start na daliii"
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...