SEOLEUN-DUL

115 2 0
                                    

IVYR's POV

Nagpapahinga ako ngayon sa park na malapit lang sa condo ko.

"Ivyr?"

Pagkalingon ko, si Jin pala at mukhang kakagaling lang din niya sa jogging. Pawisan pa siya eh.

"Jin, nag jogging ka rin?"
"Yup"

Umupo naman agad siya sa tabi ko. Nagpupunas siya ng pawis niya.

"Nag jogging ka rin?"
"Oo. Teka san ka pala nag i stay ngayon? Hindi mo ba kasama sila Tito Jae?"
"Hindi. Busy sila sa LJI Company sa Korea. Saka dyan lang ako nag i stay sa DX Condominium"
"Talaga? Don din ako nag i stay eh. Saang room ka?"
"807. Ikaw?"
"Magkatabi lang tayo. 808 room ko"
"Wow what a coincidence? Saya naman non"
"Haha oo nga"

Tumunog bigla ang cellphone ko. Si Klin ang natawag. Agad ko namang sinagot.

"Klin, bakit?"
"San ka? Akala ko ba pupunta ka?"
"Bakit anong oras ba libing ni Zeke?"
"9 pre kaya nasan ka na? 8 na oh"
"Ayy shit. Sige man, papunta na ko. Sa bahay ba muna nila Ivyr?"
"Oo bro. Dalian mo ha"

Binabaan ko na si Klin at nagpaalam na ko kay Jin.

"Next time na tayo mag-usap ulit Jin. Ngayon kasi libing ng kaibigan ko. Alis na ko"

Tumango na lang si Jin. Dali dali naman akong bumalik sa condo ko at naligo. Pagkatapos pinaharurot ko na ang kotse ko papunta kela Zeke. Saktong 9 naman akong nakarating don. Papaalis palang sila.

Nagtuloy na kami sa Green Peace Cemetery kung san ililibing si Zeke. Pagkarating don, inilagay agad ang vase na pinaglalagyan ng abo ni Zeke sa butas na nasa damuhan. Binigay samin nung pari ang holy water at isa-isa naming binasbasan ang puntod ni Zeke.

Nang matapos na ang libing. Isa-isa nang nag-alisan lahat. Kami na lang ni Kim ang naiwan sa puntod ni Zeke.

Buti na lang hindi na naiyak si Kim pero halatang magdamag siyang umiyak dahil paga ang mata niya.

"Para kang sinuntok sa itsura mo Kim"
"Pake mo ba? May nakita ka na bang babae na maganda pa rin kahit kakagaling lang sa iyak?"
"Meron. Yung mga artista sa agency ko"
"Psh peke lang naman mga iyak non. Saka tanggap ko na namang pangit talaga ako"
"Zeke oh. Sinasabihan na namang pangit ang sarili niya"
"Baliw ka, mamaya nga biglang sumagot yan"
"Ayaw mo? Hindi mo namimiss boses niya?"
"Syempre namimiss pero matatakutin din naman ako Ivyr. Kaya please lang Hon kung magpapakita ka, sa panaginip na lang ha"

Lumakas naman ang hangin. Natawa ako sa pamumutla bigla ni Kim. Matatakutin nga.

"Oo daw sabi ni Zeke"

Hinampas naman niya ako.

"Bakit ba natatakot ka kay Zeke? Si Zeke naman yon"
"Multo na kasi yon Ivyr"
"So? Pag multo na, hindi mo na gustong makita? Ano bang pagkakaiba nila? Kung sinong Zeke naman ang nakilala mo nung buhay pa, yon pa rin naman ang Zeke na magpapakita sayo ng patay na"
"Ivyr, you didn't know kung si Kiel talaga yon. Ang demonyo mapanlinlang, kaya niyang gayahin lahat ng feature ng tao. Kahit nga ikaw, pwede niyang gayahin kahit buhay ka pa. Kaya mas gusto kong sa panaginip na lang magpakita si Kiel dahil mas malaki ang chance na siya talaga yon"
"Sus dinamay pa ang demonyong nananahimik sa ilalim ng lupa. Takot ka lang talaga"
"Ewan ko sayo Ivyr. Hirap mong kausap"

Natahimik ulit kami.

"Kamusta na nga pala kayo ni Carisze? Bakit hindi siya nakauwi?"
"Ok lang naman kami. Nagkatampuhan lang ng konti pero ayos naman kami. Sobrang busy niya kasi sa PMO kaya hindi siya nakauwi kahit gustuhin niya"
"Kaya pala umalis ka kahapon sa hospital nang hindi man lang nagpapaalam"
"Yea and sorry for that. Sobrang kailangan ko lang talaga si Carisze kahapon dahil nga sa pagkawala ni Zeke"
"Sabagay. Hays magiging ok din tayo Ivyr. Kailangan nating magpakatatag for Kiel. Ayaw niyang malungkot tayo dahil sa kaniya"
"I know. Kaya nga hinahayaan niya lang na asarin ko siya dahil gusto niyang mapasaya ako sa ibang paraan na kami lang ang nagkakaintindihan"
"He's not just a good man but also a good friend"
"I'm absolutely say yes to that. At ikaw, wag mong kukulungin ang sarili mo kay Kiel. Pag may dumating na lalaki na handa kang mahalin at alagaan, tanggapin mo. Malay mo si Kiel ang nagpadala non bilang sub niya"
"Alam ko Ivyr pero hindi pa sa ngayon. Wag muna siyang dadating hangga't mahal ko pa si Kiel. Hindi pa ko handang palitan si Kiel sa puso ko at hindi ko tatanggalin ang singsing na to na bigay niya hangga't siya pa rin ang laman nito at nito"

Tinuro niya ang isip at puso niya. Napaka swerte nila sa isa't isa pero sobrang sama ni kupido sa kanila. Tragic ang love story nila. Sana lang yung love story namin ni Carisze ay hindi tulad ng kanila. Parang hindi ko yata kakayanin pag si Carisze ang nawala at hindi ko rin kakayaning makitang naiyak siya nang dahil sakin. Kaya hangga't maaari, mag-iingat ako para kay Carisze.

"Si Carisze na naman nasa isip mo no?"
"Oo. Lagi lang naman siyang laman nito"
"Naks naman. Ang cheesy"
"Baliw! Pero mas gusto kong ganan ka na lang. Pinangako ko kasi kay Zeke na hindi kita hahayaang malungkot. At dahil ikaw ang girlfriend ng bestfriend ko, bestfriend na rin kita"
"Correction, fiancee na po ako. Psh hindi ka naman papayag pag sinabi kong hindi"
"Buti alam mo"
"Syempre. Lagi kang kinekwento sakin ni Kiel, kung gaano ka kakulit pero proud siya dahil may kaibigan siyang katulad mo. Masakit man daw sa ulo pero natatakbuhan niya pag kailangan niya ng makakaramay. Para ka raw niyang Kuya"

Humarap ako sa puntod ni Zeke.

"Maka-Kuya ka Zeke ah. 23 ka na at 31 lang ako, 8 years lang agwat natin. At ikaw Kim, wag na wag mo kong tatawaging Kuya. Mas ok na ang Ivyr"
"Hmm mas gusto ko ang Kuya Ivyr. Naks bagay"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tinawanan lang niya ako. Nagmana na to kay Zeke.

"Joke lang. Sige na, hindi na kita tatawaging Kuya. Hindi rin ako sanay eh"
"Good. Madali ka naman palang makuha sa tingin"
"Psh. Uuwi na ko, kailangan ko nang magpahinga at may trabaho pa ko mamaya"
"Kaya mo bang magtrabaho mamaya? Pwede ko namang kausapin si Might. Siguradong maiintindihan ka non"
"Wag na. Kaya ko to Ivyr. Sige na alis na ko"

Umalis na si Kim at naiwan ako ditong mag-isa.

"Bro nakuha sayo ni Kim ang pagiging matigas ang ulo. Daya mo naman eh, bigla-bigla kang nang-iiwan. Sa tingin mo nakakatuwa yon? Pwede ka namang magpaalam para hindi kita pinayagan umalis. Tignan mo tuloy si Kim, paga ang mata tapos nag-away pa kami ni Carisze dahil sayo. *sigh Hindi man lang gumana ang panggi-guilty ko sayo. Hindi ka talaga bumangon dyan. Mamimiss ka namin Zeke bro. Ako na ang bahala kay Kim, aalagaan ko siya at babantayan para sayo. Rest in peace bro, be happy wherever you are right now"

Umalis na ko sa Green Peace Cemetery at umuwi na sa condo. Tinawagan ko naman si Carisze, alam kong lunch time na ngayon. Sigurado akong makakalimutan na naman niyang kumain.

"Yes baby? May kailangan ka ba? Uuwi na ba ako?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. What a thoughtful girlfriend. I'm so lucky because I have her.

"No baby. Tumawag lang ako para iremind sayong kumain ka na"
"Oh makakalimutan ko na naman kung hindi ka pa tumawag. Thank you for reminding me baby boy"
"It's my pleasure baby. Kain ka na ha, kakain na rin ako"
"Video call tayo para mukhang sabay tayong kumain"
"Hmm good idea. Sige patayin ko muna to"

Pinatay ko na ang tawag at nag video call kaming dalawa. Hays namimiss ko na talaga ang baby ko.

"I miss you Carisze"
"I miss you too. May dala akong lunch para hindi na ko bababa. Ikaw nasan pagkain mo?"
"Nasa ref, iinitin ko lang"

Binaba ko muna ang phone ko at ininit sa oven ang pagkaing binigay sakin kanina ni Jin nang makasalubong ko siya pauwi.

Pagkatapos kong initin, bumalik na ulit ako sa pakikipag-usap kay Carisze, dala-dala ang pagkain ko.

"Wow tinola. Nakapag luto ka pa talaga ha"
"Hindi ko luto to. Binigay lang ng kaibigan ko"
"Sino? Si Klin, Ae or PK?"
"Si Jin"

Natahimik naman si Carisze.

"You mean your girl bestfriend before?"
"Yes"
"I thought she's dead"
"I thought so too Carisze but she's alive and I'm happy to see her again. I'll introduce you to her when you go back here"
"Ok"

Nagsimula na kaming kumain at sobrang tahimik ni Carisze. Hmm may naaamoy akong kakaiba. Pagkatapos naming kumain, kinausap ko kagad si Carisze.

"Baby may problema ba?"
"Ha? Wala naman. Sobrang dami ko lang problema ngayon sa PMO"
"Kailangan mo na ba ng tulong ko? Baka sakaling may maitulong ako sa paggagawa ng designs. Hindi mo lang alam baby pero mahilig din akong mag design ng mga damit"
"Wag na baby. Thank you na lang. Sige na babalik na ko sa trabaho. See you soon"
"Sige baby. See you"

Pinatay na kagad niya ang tawag. May iba talaga kay Carisze. Nabanggit ko lang sa kaniya si Jin bigla na lang siyang nagka ganon. Napangiti naman ako sa naisip ko.

My baby girl is jealous to my girl bestfriend.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon