CARISZE's POV
Lahat ay busy sa pag-aayos para sa birthday party ni Lacey. Si Zarya ang nasa pagkain since alam naman niya kung ano ang mga gustong pagkain ni Lacey, kami ni Kim sa pagde decorate at ang mga lalaki naman sa paglalagay ng stage at instruments na gagamitin nila mamaya sa pagpe-perform. Si Sienna naman kasama ni Lacey, siya ang nag-aayos sa celebrant kaya siguradong maganda si Lacey mamaya.
"PK saan ba ilalagay to?"
Sabay pakita ko sa kaniya ng white cut cartolina papers. May mga nakasulat dito pero hindi mo siya makikita hangga't may ilaw. Pen na glow in the dark kasi ang ginamit namin para sa pagco-confess mamaya ni PK.
"Sa stage yan Carisze. Dahil plain pa naman yan, dyan muna natin ididikit tong mga letter balloon"
"Okay"Umakyat na ko sa stage at ikakabit ko na ang cartolina pero hindi ko abot. Naghanap muna ako ng masasampahan. Buti na lang may upuan malapit dito sa stage. Kinuha ko muna to at sinampahan. Nilagyan ko na muna ng tape ang cartolina saka ko dinikit ang isang side. Nagitla ako ng may biglang bumuhat sakin at ibinaba ako sa upuan.
"Ako na gagawa dyan. Mamaya mahulog ka pa"
"Hindi na kailangan. Kaya ko namang mag-isa, Ivyr. Salamat na lang"Tinalikuran ko na siya para ipagpatuloy ang ginagawa pero hinigit niya ang bangko na gagamitin ko. Tinignan ko siya ng masama. Nginitian niya lang ako sabay pisil sa pisngi ko. Tinabig ko ang kamay niya.
"Ako na ang bahala dito. Tulungan mo na lang si Kim sa pag-aayos ng table cloth"
Kinuha niya sakin ang cartolina at tinalikuran na ko. Syempre hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko na lang ang mga letter balloon at dinala sa stage. Umupo ako sa sahig at nagsimula ng lagyan ng double sided ang mga balloon para dere-deretso na lang ang dikit mamaya.
"Talagang ayaw mo kong iwan dito ha"
Pang-aasar ni Ivyr sakin pero hindi ko siya pinansin. Umupo rin siya sa sahig na nakaharap sakin sabay nangalumbaba. Ayoko mang aminin pero naiilang ako sa titig niya.
"Do you know that staring with someone is act of rudeness?"
"Oh really? I didn't know that"Dahil hindi ko na matagalan ang titig niya, binitawan ko muna yung balloon saka siya hinarap.
"Stop staring, will you?"
Ngumiti lang siya sabay iling. Napapikit na lang ako sa sobrang inis.
"Kapag hindi ka tumigil kakatitig sakin itutusok ko tong hawak kong gunting sa mga mata mo. Huwag mo kong subukan Ivyr dahil talagang ginagawa ko kung anong sinabi ko"
Umayos siya ng upo. Pinag cross niya ang mga kamay sa dibdib niya at ngumiti sakin.
"Naalala mo pa ba ang sinabi ko noong una tayong nagkakilala?"
"Hindi. Simula kasi ng niloko mo ko at iniwan, kinalimutan ko na rin lahat ng tungkol sayo"Yumuko siya at tumikhim pero bumalik ulit sakin ang tingin niya.
"Ipapaalala ko sayo kung anong sinabi ko sayo noon"
Lumapit siya sakin. Hindi naman ako natinag sa kinauupuan ko. Nang malapit na ang mukha niya sakin saka ko lang inangat ang gunting na hawak ko saka ko itinapat sa leeg niya.
"One wrong move and I'll not think twice to bury it in your neck"
Tumawa lang siya. Halatang hindi siya nasisindak sa ginawa ko.
"Don't be pissed Ms. Suplada, you're getting prettier and its turning me on"
"Oh is that so?"
"Yes. And when I'm turn on, I can't stop myself from kissing that woman giving me that kind of feeling"
"Try and die"
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...