CARISZE's POV
Rest day ko na ngayon at magde date kaming dalawa ni Ivyr. He's planning to go to the beach. Kaya nag e empake ako ng mga damit na pang swimming like one piece and two piece suit, nagdala din ako ng summer dress.
"Sama akoooo Carisze"
Hays heto na naman si Sienna nangungulit. Gustong gusto niyang sumama sa date namin ni Ivyr.
"Sienna it's OUR date. Bawal sabit, ok?"
"Hindi naman ako manggugulo sa inyo. Hihiwalay naman agad ako sa inyo pagdating don. Dali naaaaa"
"No Sienna. Next time na lang tayo mag beach nila Zarya. Sagot ko lahat, promise"Napaisip naman si Sienna.
"Fine fine. Promise mo yan ha"
"Yup. Kaya wag ka nang manggulo, baka naririnig ka ni Ivyr sa labas"
"So?"Hindi ko na pinansin si Sienna. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga dadalhin ko, nilabas ko na si Ivyr sa sala.
"Whole day kang mawawala. Paano na ang pagkain ko Carisze?"
"Sa restaurant ko na lang ikaw kumain Sienna. Libre na ang pagkain mo don basta sabihin mo lang na kaibigan mo ko"
"We're not friends Ivyr kaya I will not grab your offer. I can buy my own foods"
"Sienna!"
"What? Eh sa ayoko ng libre ni Ivyr eh"Napabuntong hininga na lang ako sa kamalditahan ni Sienna. Sakto namang pumasok ng apartment ko si Zarya.
"Zarya thank God you came. Ikaw na munang bahala kay Sienna ha"
"Sure. Wag mo na siyang alalahanin pa Carisze. I-enjoy niyo na lang ang date niyo ni Ivyr"
"Salamat Zarya. Sige alis na kami ni Ivyr. Goodbye"Nakipag beso ako sa dalawa. Nagpaalam na rin si Ivyr sa dalawa, nginitian siya ni Zarya samantalang inirapan naman siya ni Sienna. Napaka maldita talaga.
Pagkasakay namin sa kotse nagbukas ng radio si Ivyr.
"Saan pala tayo pupunta?"
"Sa Laiya"
"NAIA? Akala ko ba dito lang tayo sa Pilipinas magbe beach? Are you planning to go somewhere?"Natawa naman si Ivyr sa tanong ko.
"La-i-ya hindi NAIA. Sa Batangas lang yon kaya wag kang mag-alala"
"Ah have you been there before?"
"Yes when I was a kid. My mom and dad brought me there with my childhood bestfriend"
"Si Zeke?"
"No, si Jin"Napaisip ako. Hindi kaya yon ang babaeng gusto dati ni Ivyr? Tumahimik na lang ako kahit gustong gusto kong magtanong.
"By the way, bakit ganon si Sienna sakin? Parang ang laki ng galit"
"Hahaha si Sienna kasi yung klase ng taong pag kaaway niya ang kaibigan mo, kaaway na rin niya lahat. So dahil kaibigan mo si Ae at galit siya kay Ae, that means kaaway na rin ang tingin niya sayo"
"Bakit ganon naman? Paano pag naging tayo na? Ayoko namang may kaaway sa mga kaibigan mo"Natahimik naman ako sa sinabi niya. Kinikilig ako sa simpleng banat niya eh.
"Natahimik ka dyan? Kinilig ka no?"
"Hindi no"Sabay tingin sa labas ng bintana.
"Alam mo Carisze hindi masamang umamin na kinikilig ka kahit halata naman. Kita ko yang mukha mo sa rearview mirror, namumula ka"
Sabay hagalpak niya ng tawa. Lalo lang namula ang mukha ko sa hiya. Yaaa nakakainis ka Ivyr.
Katahimikan ulit ang bumalot sa loob ng kotse, tanging ang tugtog lang sa radio ang naririnig naming dalawa.
"Matulog ka muna Carisze, medyo mahaba haba ang byahe natin ngayon"
"Sige. Gisingin mo na lang ako ha"
"Ok"Ipinahiga ko ang upuan ko at ipinikit na ang mata ko. Unti-unti na kong kinain ng antok.
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...