YEOL-AHOP

174 3 0
                                    

CARISZE's POV

On the way kami ngayon ni Ivyr sa restaurant niya. Hindi na ko umangal kahit galing na ko don kaninang umaga. Ayoko namang sirain ang first date namin hohoho.

"How's Sienna? Is she ok now?"
"Yes. How about Ae?"
"He's fine. Sabi sayo hindi magtatagal ang pagka badtrip non"
"Buti naman. Si Sienna kasi di marunong tumanggap ng pagkakamali. Hindi rin marunong makinig"
"Coming from you Carisze?"
"At least I know how to say thank you and sorry"
"Ok. We're here. Welcome to my restaurant"

Una na siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto. Hinawakan niya pa ang kamay ko paglabas ng kotse. Gentleman mode is on ha.

Akala ko papasok kami sa loob ng restaurant pero hinila niya ako sa gilid ng restaurant.

"San tayo pupunta? Wala namang daan dyan eh"
"Just watch me"

Binitawan niya muna ang kamay ko at tinanggal ang halamang nakasabit sa dingding. May nakita akong finger print lock. Diniin lang ni Ivyr ang daliri niya don at bumukas na ang wall.

"See? May daan na. Shall we?"

Ini-offer niya sakin ang kamay niya, tinanggap ko naman at pumasok na kami sa loob.

Unti unting nagliwanag sa loob. Ang ganda, may mga nakasabit na long light sticks. May mga butterfly pa sa paligid.

Habang naglalakad kami sa pathway, nagliliwanag ang bawat dinadaanan namin. Pagkarating namin sa dulo may table for two at music box.

"Do you like it? Kanina ko lang yan ginawa. Gusto ko kasi romantic ang first date natin. Sana nagustuhan mo"
"I don't like it"
"Sabi na nga ba"

Binitawan niya ang kamay ko at ang lungkot ng mukha niya. Pumunta ko sa harapan niya at iniangat ang mukha niya. I smiled at him sweetly.

"I don't like it--"
"I heard it, you don't need to repeat it Carisze--"
"Shh listen to me first. I don't like it because I love it. It's beautiful"

Bumalik ang malapad niyang ngiti sa mukha. Natawa na lang ako sa pag ngiti niya bigla, para kasi siyang bata.

"Really? Walang halong bola?"
"Wala. Kaya tara na, kumain na tayo at 5:45 na oh. May trabaho pa ko ng 7"
"Bakit ba kasi nagta trabaho ka pa? May kita ka pa rin naman sa PMo diba kahit wala ka don?"
"Oo pero gusto ko kasing maranasan ang simpleng buhay. I want to live like a normal citizen, no special treatment no fake people around you"
"Hindi ka ba nababahala na baka may makakilala sayo dito?"
"Ivyr may I just remind you na mga sikat na designer at business woman and man lang ang nakakakita sakin?"
"Hindi lahat. Hindi nga kita nakita kahit minsan sa malapitan kahit isa ako sa mga model mo"
"Hindi kasi ako ang nakikipag-usap pag lalaki ang model. Hinahayaan ko na lang na ang secretary ko ang mag-ayos ng mga yon"
"Ah kaya pala laging siya ang na-contact sakin"
"Yeah. Let's sit na. Ngalay na ko"

Inalalayan niya naman ako papunta sa mesa at pinaghila niya ko ng upuan. Pagkatapos umupo na siya sa harap ko.

May tinawagan lang si Ivyr sa phone niya, dumating na agad ang mga pagkain. Pagkatapos nilang ilagay ang pagkain sa table namin, umalis na rin agad sila.

Pinagpalit ni Ivyr and plato namin, hiniwa niya ang stakes ko pagkatapos ay ibinalik din sakin.

"You don't need to do that. Ginagawa mo kong baby"
"Baby naman talaga kita ah. Baby girl tawag ko sayo diba?"
"Tsk kumain na nga muna tayo"

Tahimik lang kaming kumain. Minsan pasulyap sulyap ako kay Ivyr at kapag nagtatama ang mga mata namin nginingitian niya lang ako.

Pagkatapos naming kumain, pinakuha muna ni Ivyr lahat ng pinagkainan namin pati na rin ang table at chair.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon