SWIN-YEOSEOT

127 1 0
                                    

CARISZE's POV

Nasa bahay na kami ngayon. Sila Sienna nanonood na ng tv, tinutulungan ko naman si Manang Lydia sa paghuhugas ng pinggan. Si Manang ang taga hugas, ako naman ang taga tuyo ng pinggan.

"Hija"
"Po?"
"Bakit hindi mo sinama si Cheery dito? Aba'y miss ko na rin ang batang yon kahit iisang beses ko lang yon naalagaan"
"Ehh kasi Manang kapag isinama ko yon dito walang maiiwan kay eomma. Eomma is sick Manang. Bigla-bigla na lang tumataas ang sugar level at tumataas din ang blood pressure kaya kailangan talagang may nagbabantay sa kaniya"
"Dapat isinama mo na lang din dito si Mrs. Park. Sigurado akong matutuwa ang daddy mo"
"Tsk si dad ang pumunta kay eomma kung gusto niya talaga itong makita"

Napaharap sakin si Manang.

"Hija alam kong dapat hindi ako ang nagsasabi nito sayo pero sa tingin ko may karapatan ka ring malaman to"
"Ano po yon?"

Huminga muna ng malalim si Manang at hinawakan ang kamay ko.

"Ang daddy mo kasi-"
"CARISZE COME HERE! YOU NEED TO SEE THIS!"

Natigil ang sasabihin ni Manang dahil sa malakas na sigaw ni Sienna. Binitiwan ni Manang ang kamay ko at ngumiti.

"Sige na, pumunta ka na don. Mukhang kailangan mo talagang makita kung anoman ang sinasabi ng kaibigan mo"
"Pero-"
"Ako na'ng bahala dito. Sige na"

Tinulak na ko ni Manang palabas ng kusina. Tsk Sienna, laging mali ang timing. Nagdadabog naman akong pumunta ng sala sabay upo malapit kay Sienna.

"What is it Sienna?"

Nginisihan lang ako ni Sienna at tinuro ang TV. Tinaasan ko muna siya ng kilay bago tumingin sa TV.

"Siguraduhin mong mas importante pa to sa sasabihin ni Manang dapat sakin dahil kung hindi-"

Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino ang nasa screen.

What the hell is he doing there?

"Mukhang ito ang gustong ipapanood sayo ni Klin" - Zarya
"Bakit?"

Nagkibit balikat lang yung tatlo at tinuon na ang attention sa TV.

"Annyeonghaseyo IK. Yu Huiyeol's Sketchbook osin geos-ul hwan-yeonghabnida. (Good evening IK. Welcome to Yu Huiyeol's Sketchbook)"

Tama! Si Ivyr ang nasa TV ngayon. Pero bakit gustong ipapanood sakin ni Klin to? May dapat ba kong marinig dito? May sasabihin ba sakin si Ivyr? Or baka may ia announce siya on air na dawit ang pangalan ko?

Tsk Carisze, stop thinking too much. Baka promotion lang yan ng album ni Klin. Ibinalik ko na ulit ang attention ko sa TV.

"Yeogue chodaehae jusyeoseo gamsahabnida. (Thank you for inviting me here)"
"Munjeeopsseoyo. (No problem) Let's get straight to the point. Choi Klinto modeun gog-eul sseuneun de yeong-gam-eul oed-eun salam-eun nugu-ibnikka? (Who is your inspiration in writing all of the songs of Choi Klinto?)"

Ngumiti muna si Ivyr bago sumagot.

"Naega saranghaneun yeoja-egeseo. (From the woman I loved)"

Sabay-sabay namang lumingon sakin yung tatlo.

"Ikaw daw inspiration niya oh" - Lacey
"How sure are you that it's me?"
"Woman he LOVED. Past tense Carisze, at ikaw lang ang EX niyan. So sino pa bang iisipin naming iba?" - Zarya
"Malay mo naghiwalay na sila ni Jin-"
"Ssshh mamaya na kayo mag-usap. Hindi ko marinig" - Sienna

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon