IVYR's POV
Pagkatapos ng talk show kanina dumeretso na agad ako ng airport para umuwing Pilipinas. 3 months akong naglagi dito sa Korea dahil lang sa album ni Klin.
Nang pwede ng gumamit ng phone sa eroplano ay tinawagan ko si Klin. Nakatatlong ring muna bago niya sinagot ang tawag.
"Bro wala naman sa album ko ang kinanta mo kanina ah. Baka yon ang hanapin ng mga fans ko"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Klin sa tingin mo nanood si Carisze?"
"Oo naman"
"Talaga?"
"Oo pero hindi ako sigurado kung tinapos niya. Baka nga pagkakita palang sayo non sa screen pinatay na niya agad ang tv or nilipat sa ibang channel. Ganon ka niya hindi kagustong makita"Tsk panira talaga minsan to si Klin. Pero tama naman siya. Alam ko namang malaki talaga ang kasalanan ko kay Carisze at alam ko ring naka moved on na siya sakin but it doesn't mean that I'll give up. I'll make a ways to make her mine again.
"Bro natahimik ka?"
"Wala. May naisip lang. Sige na, pauwi na rin naman ako"
"Sige, ingat bro"Ibaba ko na sana ang tawag ng magsalita pa ulit si Klin.
"Ivyr nakilala ka ni Carisze"
"Ha? What do you mean?"
"Kinwento niya samin lahat ng ginawa mo sa kaniya at masasabi kong stalker ka talaga"
"N-nakilala niya talaga ako? S-sigurado ka? Pero paano?"
"Tanda pa rin ni Carisze kung paano ka tumingin sa kaniya. Alam niya pa rin kung ang presensya mo ay malapit sa kaniya at dahil sa boses mo. Tanda niya lahat Ivyr kaya sa tingin ko-"
"May nararamdaman pa rin sakin si Carisze?"
"Hmm parang ganon na nga. Pero huwag ka munang umasa kasi may kasama siyang lalaki nang umuwi siya dito sa Pilipinas"
"Lalaki? Wala naman akong nakikitang kasama niyang lalaki noong nandito pa siya sa Korea. Saan naman niya nakilala yon?"
"Baka sa airport. Oh may naalala ako. Hindi ba sa airport din kayo nagkakilala ni Carisze? Hmm hindi imposibleng ma-inlove si Carisze kay Xaekim. Mabait, gwapo at mayaman din yon"
"Tsk wala akong paki. I'm more handsome and richer than that man. Hinding hindi niya ko mauunahan kay Carisze. Sige na, malapit ng lumanding ang eroplanong sinasakyan ko. Kita na lang tayo mamaya. Bye"Pinatay ko na ang tawag at nilagay ang phone sa bulsa ng coat ko.
Ilang araw lang nawala ang paningin ko kay Carisze may lalaki na agad na umaaligid sa kaniya. Ang lakas naman ng loob non.
Hindi na naman kayo ni Carisze diba? Dapat wala ka nang karapatan pagbawalan kung sinomang lalaki ang lumapit sa kaniya. You let her go Ivyr.
Napabuntong hininga naman ako sa naisip ko. Tama naman na wala na talaga akong karapatan pero hindi ko maiwasan lalo na ngayong mas mahal ko siya kesa noon.
Hays bahala na nga. Iisip na lang ako ng paraan para makuha ulit si Carisze.
CARISZE's POV
Tumutunog ang phone ko pero si Sienna ang sumagot. Nasa pool kami ngayon. Naisipan nilang lumangoy muna bago umuwi mamaya sila Zarya.
"Hello Klin. Bakit?... So?... Nandito. Bakit nga? Ano bang kailangan mo?... Oo. At huwag na huwag kang magpapakita sakin dahil mababatukan kita. Bakit mo sinabi kay Carisze na panoorin yon?... Promotion!? Sinong niloko mo? Bakit may pagkanta pa siya? Saka nandon ba sa album mo ang kinanta niya ha?... Tsk heh. Ibababa ko na to. Goodbye"
Binalik na ulit sa table ni Sienna ang phone ko. Lumapit naman samin yung dalawa.
"Si Klin? Bakit daw?" - Zarya
"Wushuu Zarya narinig mo lang pangalan ni Klin dali-dali ka agad lumapit sakin ha. Sorry ka pero si Carisze ang sadya niya at hindi ikaw"
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...