CARISZE's POV
Si Sienna ang nag emcee para sa party ni Lacey. Magaling siyang mag entertain ng tao. Hindi mo sila kakikitaan ng pagka boring. Kasama niya sa stage si Ae. Minsan nagtatalo ang dalawa kaya nakakatanggap sila ng panunukso mula sa amin.
Nasa iisang table lang kami nila Klin. Gusto kasi nilang sama-sama na lang kami. Ang katabi ko sa right side ay si Xaekim sa left side si Ivyr. Hinila kasi kanina ni Klin si Zarya patabi sa kaniya kaya si Ivyr ang nakinabang sa katabi kong upuan.
"Carisze gusto mong leche flan? Ikukuha kita"
"No thanks Ivyr. Kukuha na lang ako kung gusto ko"Hindi na ulit siya nagsalita. Kanina pa siya alok ng alok ng pagkain sakin. Siya na nga rin ang kumuha ng pagkain ko kanina kahit na sinabi kong ako na. Nagpumilit siya kaya wala na akong nagawa.
"And now let's call our boy friends to perform a good song for you guys" - Ae
Narinig kong bumulong si Ivyr sa sarili niya.
"Boy friends? What the fuck Ae"
Tumayo naman agad sila PK at pumunta sa stage. Binatukan nila si Ae pagkarating sa stage dahil sa tinawag sa kanila kanina.
"Hey why did you do that?"
"Boy friends? Are you gay ha?" - Klin
"Aish boy friends means lalaking kaibigan. Kayo lang itong iba ang iniisip"Natatawa kami dahil sa kanila. Sumama din sa kanila si Xaekim sa stage para rin mag perform. Si Xaekim ang vocalist, si Ivyr sa piano, si Klin sa acoustic guitar then si PK ay tutugtog ng drums. Agad namang pumwesto ang mga lalaki sa instruments na tutugtugin nila.
Bumaba na rin sina Sienna at Ae ng stage. Nagpunta sila sa table namin para siguro magpahinga. Siguro napagod din sila sa pag-e emcee. Nagsimula na ring tumugtog sila Ivyr. Wala silang practice, pinag-usapan lang nila kung anong kanta ang kakantahin ni Xaekim para mapag-aralan na lang nila ng solo pero kahit na ganoon lang ang naging set up nila sobrang gagaling nilang tumugtog. Sobrang ganda ng boses ni Xaekim, nakaka-agaw talaga ng attention. Nang tignan ko si Kim, titig na titig siya kay Xaekim. Lumapit ako kay Kim at binulungan.
"Baka matunaw yan"
Lumingon naman sa gawi ko si Kim. Nakita kong namula ang pisngi niya.
"Hindi ko naman siya tinitignan"
"Tinititigan mo lang"Sabay tawa ko. Napaiwas naman ng tingin sakin si Kim.
"Naaalala ko lang sa kaniya si Kiel. Ganyan din kasi kaganda ang boses non. Akala ko sa mukha lang sila magkakahawig ni Kiel pati rin pala sa boses"
"Hindi mo pa rin pala limot si Zeke"
"Dahil hindi ko siya binalak na kalimutan kahit minsan. Lagi pa rin siyang nasa puso't isip ko kaya nga hanggang ngayon hindi pa rin ako natanggap ng manliligaw kasi alam kong mapagkukumpara ko lang silang dalawa ni Kiel. Kiel is one of a kind man and I know that I'll never find a man like him"
"But you can find a man who is much better than him"
"I don't know. As of now, I don't have the guts to find because I'm still not get over with Kiel"Napatitig ako sa nakangiting mukha ni Kim.
"Aahh I really love that man. Sana lang pinahaba ni Lord ang oras para saming dalawa para kahit papano nakaranas kaming sumaya ng magkasama"
Hindi ko alam kung bibilib ako o maaawa sa kaniya dahil sa pagmamahal na meron siya para kay Zeke. Bigla kong naalala si Xaekim. Paano siya?
"Ah Kim, nagkausap na ba kayo ni Xaekim?"
"Oo. Nagulat nga ako ng tumawag siya sakin. Nalaman kong sa tulong mo kaya nakuha niya ang number ko. Bakit mo naitanong?"Kung magtatanong ba ko magmumukha na ba kong tsismosa non? Nahihiya na tuloy akong magtanong.
"Ahm anong sabi niya sayo?"
"Hmm sabi niya lang he wants us to be friends"
"Yon lang? Wala ng iba?"
BINABASA MO ANG
Butterfly (COMPLETED)
FanfictionCarisze Park is an independent woman. She live on her own and she can do anything she want. She looks strong and brave but... She is have a trust issue. She is have a lot of fears. She is not willing to take a risk to someone or something. Not until...