SWIN-DASEOT

139 2 0
                                    

CARISZE's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Dito na rin napagpasyahang matulog nila Klin dahil sobrang gabi na ng matapos kaming uminom.

Tumayo na ko at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos mag-ayos bumaba na agad ako para tulungan maghanda sa Manang Lydia ng almusal pero mukhang mas may nauna pa saking magising.

Pagdating ko sa kusina, nakikita kong nagluluto si Manang Lydia. Pagpasok ko naman sa dining area ay naghahain naman si Dad.

"Dad what are you doing?"

Lumingon sakin si Dad at ngumiti.

"Good morning Carisze. Tinutulungan ko lang si Manang na maghain. Akala ko kasi late ka pang magigising pero mukhang mali ako"
"Tsk good morning dad. Stop doing that. Umupo ka na lang don, ako na magtutuloy sa ginagawa mo"

Kukunin ko na sana sa kaniya yung mga plato sa kaniya nang iiwas niya yon sakin.

"Imbis na tulungan mo ko dito, bakit hindi mo na lang gisingin ang mga kaibigan mo? Para makapag agahan na tayo. Dali, kumilos ka na"

Mukhang hindi ko naman mapipilit si Dad na umupo na lang kaya sinunod ko na lang din ang utos niya. Kumuha muna ako ng dalawang takip.

"Anong gagawin mo dyan hija?"
"Pampagising Manang"

Natawa lang si Manang sakin. Umalis na ko at pumanhik sa 2nd floor. Unang pinasok ang kwarto ng pinakamahirap gisingin.

"Sienna! Hoooy gising na"
"10 minutes Carisze"
"Noooooo! Gising na!"

Ayaw pa rin bumangon ni Sienna kaya no choice. Ginamit ko na ang gamit ko pampagising. Nakakailang kalampag palang ako ng takip ng kaserola nang biglang bumangon si Sienna at tinakpan ang tenga niya.

Finally, tumayo na rin.

"Good morning Sienna, my bestfriend!"
"Tsk there's no good at morning Carisze. Get out"

Tumayo na si Sienna at tumuloy sa banyo. Natawa na lang ako sa kaniya. Lumabas na ko nang kwarto at sinunod ang kwarto nila Lacey at Zarya.

Hindi naman ako nahirapang gisingin sila. Hindi ko na sila ginamitan ng takip na pampagising.

Sinunod ko naman ang kwarto ng mga lalaki. Buti nagkasya sila sa iisang kama.

Una kong tinapik si Klin, sunod si PK, sunod si Ae at huli si Xaekim. Si Xaekim lang ang nagising at tumayo. Nakita niya ang bitbit ko. Nag shh sign ako sa kaniya, tinawanan niya lang ako at pumunta na siya sa banyo.

Nang makaalis si Xaekim saka ko lang kinalampag sa tapat ng tenga nila ang mga takip na dala ko.

Pare-parehas silang napaupo sa kama at nagtakip ng tenga.

"Good morning guys! Tara kakain na ng breakfast"
"Tsk be thankful Carisze na nasa bahay mo kami. Morning" - Klin

Tumayo na sila at tumuloy na rin sa banyo. Lumabas na ko at pumunta na sa dining area. Ibinalik ko muna sa kusina ang mga takip bago umupo sa dining room.

Masama pa rin ang tingin sakin ni Sienna. Nag flying kiss na lang ako sa kaniya sabay kindat. Inirapan niya lang ako.

Sumunod namang umupo ang mga lalaki. Katabi ko si Claey sa kanan at sa kaliwa si Dad.

"Carisze mukhang effective ang ginawa mong panggising sa kanila ah. Nandito na agad sila" - Dad
"Of course, dad. Ako pa ba? Magaling akong manggising lalo na sa mga taong mahirap gisingin"
"Paanong hindi ka magiging magaling manggising ng mahihirap gisingin eh isa si Ivyr sa mga yon" - Sienna

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon