YESUN-SET

162 1 0
                                    

IVYR's POV

February na ngayon at papunta ako ngayon sa bahay ni Kim. Birthday kasi ngayon ni Kim at napagpasyahan kong dalhin siya sa taong mahal niya.

Ilang oras lang nakarating na ko sa bahay ni Kim. Nakailang katok ako bago niya pa mabuksan ang pinto. Pagtingin ko sa mata niya galing na naman siya sa iyak.

"Ivyr? What are you doing here?"
"You cried again? Tss he will not be happy to see you like that"
"I know. Well, it's his fault so I'll make him guilty. Baka sakaling bumalik"

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Kailan ba niya matatanggap na hinding hindi na babalik si Zeke kahit na anong gawin niya?

"You know that he's not coming back anymore, right? Even if he wants to but he can't. Zeke is willing to do anything just to live with you but in his situation right now, he can't do anything"
"I know Ivyr but I'm still in pain. I badly want to follow him but I know he don't want that. What should I do? I want to be alive again Ivyr"

I tapped her shoulder and smile at her.

"You can do it Kim. Keep moving forward for yourself and for Zeke"
"Ok. I'll try"
"Don't just try. Do it Kim"
"So what brought you here?"
"I'm here to remind you that today is your birthday and we need to visit him"
"It's been one year but nothing has change"
"Tss bago ka pa magdrama dyan, mag ayos ka na at kailangan na natin siyang bisitahin. Baka magtampo yon, bahala ka"
"Oo na. Pasok ka muna. Mag-aayos pa ko"

Pumasok agad ako sa bahay ni Kim at dumeretso sa sala. Binuksan ko ang tv niya na para bang nasa sarili akong bahay. Sanay na naman sakin si Kim dahil lagi ako ritong tumatambay dati para lang pasayahin siya.

"Don't be shy Ivyr. Feel at home"
"Sure. Can you get me a water? I'm thirsty"

Nginitian ko pa siya na labas ang ngipin ko. Pinaningkitan ako ng mata ni Kim sabay irap niya sakin.

"Heh kumuha ka mag-isa mo, wala kang utusan"

Sabay walk out niya. Tatawa tawa naman akong humarap ulit sa tv. Dahil medyo matatagalan pa naman si Kim, tinawagan ko muna si Carisze. Nakalimang ring bago niya sinagot.

"Hello?"

Halatang bagong gising lang siya. Sabagay 8:00 palang ng umaga.

"Hello, my star. Good morning"

Masigla kong bati sa kaniya. Narinig ko siyang humakab halatang inaantok pa.

"Morning. Why did you call? Papunta ka na ba?"
"Ahm hindi ata ako makakapunta ngayon pero susubukan ko pa rin"
"Tsk huwag na. Mas pabor sakin kung hindi ka pupunta. Magiging payapa ang isang buong araw ako. Sige na, enjoy"

Binaba niya agad ang tawag. Sa loob ng isang buwan puro pagtataray ang ginagawa niya sakin. Noong una akong magpunta sa kanila nakatikim pa ko ng slight na bugbog mula sa kapatid niya. Kung hindi siguro yon pinigilan ni Carisze baka na-hospital pa ko ng araw na yon. Malamig din ang trato sakin ng daddy ni Carisze kaya dinadalhan ko siya lagi ng gusto niyang pagkain. Mukhang medyo successful naman kasi kahit papano kinakausap na ko ng matino ng daddy ni Carisze at ni Claey.

Naputol ang pag-iisip ko dahil bigla akong tinawag ni Kim. Nandito na pala siya, hindi ko namalayan.

"Kiel tara na"
"Kiel? Ivyr pangalan ko Kim"

Tsk kanina pa siguro nito iniisip si Kiel kaya Kiel ang naitawag sakin. Ang babaeng to talaga.

"Wala naman akong sinasabing Kiel ah"
"Tss you're hopeless. Tara na nga"

Pinatay ko muna ang tv saka nauna na kong maglakad sa kaniya palabas ng bahay. Ini-lock niya ang kaniyang bahay saka nag-aya ng umalis.

When we reach our destination, binuksan ko na ang pintuan sa side ko pero mukhang walang balak bumaba si Kim.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon