SWIN-YEODEOL

138 1 0
                                    

IVYR's POV

Biglang tumahimik sa kabilang linya. Mukhang nagulat si Carisze sa biglaang pagtawag ko sa kaniya. Nagulat ako ng bigla siyang sumagot, akala ko hindi na siya magsasalita.

"Correction, I'm your EX baby girl and you're my EX baby boy. But anyway, where did you get my number?"
"Hindi na importante kung kanino ko nakuha ang number mo. Ang mahalaga magkausap na tayo"
"Ahh ok. Bakit ka tumawag? It's long time no talk"

Inaasahan kong sisigawan niya ako kapag tumawag ako sa kaniya or bababaan niya ko pero hindi niya ginawa ni isa sa mga yon. Saka parang nakikipag-usap lang siya sa isang dating kaibigan.

"Carisze I'm sorry"
"Ha? For what?"

Hindi ako sumagot. Kinakabahan pa rin ako.

"Hmm if you're talking about the past, it's fine. You don't have to say sorry. Kasi kahit makailang sorry ka pa hindi na naman mababago ang nangyari, diba?"

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi ni Carisze. Ang cold niya sakin.

Tsk anong aasahan mo Ivyr? Akala mo sweet pa rin siyang makikipag usap sayo? Iniwan at niloko mo yan. Mag-isip ka nga.

"N-nanood ka ba nung-"
"Yeah I've watched it. Bakit ikaw lang nagpo promote ng album ni Klin? Dapat isinama mo rin siya since siya yung artist"
"A-ayos lang naman kung ako na lang. Saka gusto ko talagang gawin yon p-para s-s-sana sayo"

Damn Ivyr Kwon, huwag ka ngang mautal. Halatang kinakabahan ka.

Narinig kong tumawa si Carisze. Damn that giggle, I missed it.

"Bakit naman para sakin hindi naman ako ang artist? Next time hayaan mo na anv artist mong mag promote para iwas trabaho sayo-"
"Concern ka?"
"Sa sales ng album ni Klin? Oo naman-"
"I mean sakin. Concern ka ba sakin?"
"You think too much but anyway ganda ng kinanta mo don sa tv show. Nasa album din ba ni Klin yon?"
"Wala. Ang kinanta ko sa show na yon ay para sayo lang. Ako lang ang may karapatang kantahin ang kantang yon sayo. Ako lang ang may karapatang kantahan ka"
"Hindi na ngayon Ivyr. Wala ka ng karapatan sakin, ni isa. YOU broke up with me, remember? YOU cheated on me, remember? And YOU run away from me, remember? Kaya huwag mong sabihin na ikaw lang may karapatang gawin yon dahil hindi na lang sayo umiikot ang mundo ko. At hindi na lang ikaw ang lalaking pwedeng maging parte ng buhay ko"

Natahimik ako sa mga sarkastiko niyang sagot. Aaminin kong kasalanan ko naman talaga kaya nga hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakabawi sa kaniya.

"May sasabihin ka pa ba? Inaantok na ko eh. Next time na lang tayo magkamustahan"
"Ahm can we- can we meet up?"

Narinig ko muna siyang naghikab bago sumagot. Mukhang antok na antok na talaga siya.

"Hmm I don't have time eh. Busy ako sa pagtulong sa kapatid ko. So see you when I see you na lang? Goodbye"

Hindi na ko nakasagot dahil binaba na ni Carisze ang tawag. Kalmado man ang boses niya kanina sa pakikipag-usap sakin, ramdam ko pa rin ang hinanakit at galit niya sakin.

Mapapawala ko ba talaga yon? Mukhang mahihirapan talaga akong suyuin siya. Pero hindi ako susuko sa kaniya. Nagsisimula palang ako at itutuloy-tuloy ko to hanggang sa lumambot na ulit ang puso niya sakin.

Aja Ivyr Kwon, you can do it!



















Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon