YESUN-NET

141 1 0
                                    

CARISZE's POV

March na ngayon. Sobrang bilis ng araw, next month aalis na kami ni Claey at babalik na sa Korea. Isang buwan na lang matatapos na ang deal namin ni Ivyr. Masasabi kong bumalik na ang dating pagmamahal ko kay Ivyr. Humigit pa nga. Mas lalo ko na siyang mahal dahil sa pinakita niyang pagtya-tyaga sakin noong mga nakaraang araw. Talagang hindi siya tumigil kakasuyo sakin kahit pinagtatabuyan ko na siya paalis. Ginawa niya rin ang lahat para mapalapit sa mga taong mahal ko.

"Noona, are you high?"

Nabigla ako sa presensiya ng kapatid ko. Nasa harapan ko na siya ngayon at titig na titig sakin.

"Laki ng ngiti mo ah. Si hyung ang iniisip mo no?"

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. Wala namang saysay kung itatanggi ko. Kilalang kilala na ko ng kapatid ko. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo at hindi.

"Mahal mo na ulit?"
"Na-ah mas mahal ko na siya ngayon. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay Ivyr"
"Tsk halatang in-love na in-love ka. Edi talo ka sa deal niyong dalawa?"
"Mm pero ayos lang. Hindi na siya lalayo sakin. Mas gusto kong malapit siya at nakikita. Nakakaganda ng araw"
"Psh pero kapag kaharap mo si Hyung iba naman ang kinikilos mo. Grabe kang magtaray sa kaniya. Lagi mo pa siyang sinisigawan"
"Syempre kahit naman mahal ko yon kailangan niyang bumawi. Saka gusto ko lang talaga ang ginagawa niya kapag nagagalit ako. Ang sarap sa pakiramdam ng may naglalambing sayo. Hindi mo kasi alam yon kasi wala ka namang nilalambing"
"Tsk wala pa sa isip ko ang magdagdag ng sakit sa ulo noona. Kuntento na ko sa tambak na trabaho lagi sa opisina ko"

Tinitigan ko ang kapatid ko.

"Basta ikaw, huwag na huwag kang manloloko ng babae. Sasapukin kita"
"Oo. Hindi naman lahat ng lalaki kagaya ng EX mo"
"Tss hindi na siya ganon ngayon. Saka anong EX? Hindi ko na yon EX"
"Bakit kayo na ba?"
"Hindi pa"
"Edi EX mo pa rin. Teka kailan mo pala sasabihin sa kaniya yan?"

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Sasabihin ang alin?"
"Yang feelings mo sa kaniya. Kailan ka magco confess?"

Napakunot ang noo ko. Kailangan bang ako ang unang magsabi?

"Ewan ko. Siguro kapag nagtanong na ulit siya o baka pagtapos ng araw ng deal namin"

Tinuktukan naman ako ni Claey. Napahimas naman ako sa ulo ko.

"Noona mag-isip ka nga. Papatagalin mo pa talaga kung pwede mo namang sabihin na agad. Saka wala namang masama kung ikaw ang unang mag confess sa kaniya since nakapag confess na siya sayo noong birthday ni Lacey-noona"
"Humahanap pa ko ng right timing-"
"Noona!"
"What? Bakit mo ba ko sinisigawan? Jooguolae? (Wanna die?) Ha?"
"Kasi naman ikaw. Wala naman kasing right time para gawin mo ang isang bagay. Every time is always a right time, noona. Malay mo kakahintay mo dyan sa right time mo na yan biglang magbago ang isip ni hyung at iwan ka na FOR GOOD. Kaya mo ba yon? Don't waste your time waiting for the right time. Do what you have to do to be with the right person in your right perfect time"

Napatitig ako sa kaniya. May point naman siya. Mag-aaksaya pa ba ko ng oras para lang sumaya kaming dalawa? Maybe this time I'll listen to the people who really cares for me.

Nagulat si Claey sa biglaan kong pagtayo sa inuupuan ko.

"Noona?"
"You're right, dongsaeng. Sige na aalis na muna ako. Pupuntahan ko lang yung happiness ko kapag gabi na at wala pa ko ibig sabihin magkasama kami ni Ivyr kaya huwag na kayong mag-alala. Bye, dongsaeng"

Hinalikan ko muna siya sa pisngi saka ako umalis at tumungo sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit, kinuha ang susi ng kotse ko sa drawer at sling bag saka ako lumabas. Nagpaalam muna ako kay daddy bago ako umalis.

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon