YEODEOL

234 4 0
                                    

IVYR's POV

She's really into something. Akala ko pipigilan niya ako kahapon pero di siya nadala sa pamba blackmail ko. Ang totoo nan, hindi ko talaga sinabi kay Might. Hahayaan kong mag-isip ng kung ano si Carisze. Pinuntahan ko lang naman si Might para hingin ang number ni Carisze. Buti na lang ibinigay kahit labag sa rules nila yon.

Ngayon sa text ko na lang muna siya pepestihin.

To: Ms. Suplada

Hi good morning :)

After 5 minutes nag reply na siya.

From: Ms. Suplada

Who's this? Sienna is that you? Nagpalit ka na naman ng number?

Napagkamalan pa kong si Sienna.

To: Ms. Suplada

I'm not Sienna, Ms. Suplada

Pagka send ko ng message tinawagan ko siya.

After 3 rings sinagot na niya.

"Hello?"
"Good morning Ms. Suplada"

Tumahimik sa kabilang linya.

"Ano na namang kailangan mo? Pati ba dito mang iinis ka rin?"

Buti hindi niya pinatay.

"Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin. Nakatulog ka ba ng ayos?"
"Oo, sobrang himbing pa nga eh. Why are you asking anyway? Oh dahil ba sa failed tactic mo? Sorry to say but I'm not affected to that"

Alam kong nakangiti siya habang sinasabi niya yon.

"Talaga ba? Baka mamaya naghanap ka na ng ibang trabaho"
"Why should I? Pabor pa nga sakin kung may special treatment ako"
"Ohh you hate it, right?"
"I hate it when the special treatment is came from fake people. But since its Might, I can't see anything wrong with that"
"Is that so? Edi ok lang sayo na mabawasan ang oras ng trabaho mo kumpara sa mga co-employees mo pero pare-parehas pa rin kayo ng sweldo?"

Alam kong ayaw niya ng ganun. Kahit naman hindi kami nagkikita sa business world, ang dami kong naririnig sa kaniya. Ayaw niya ng may special treatment, gusto niya fair treatment para sa lahat.

"Well, I can't do anything about it. Hindi naman ako ang may-ari ng bar na yon. Its Might's decision not mine"

Sabay patay niya ng tawag. Hahaha sa wakas napikon ko rin ang babaeng yon. At mas iinisin ko pa siya mamaya sa bar. And I'll make sure na akin ang araw na to.

CARISZE's POV

Ang aga aga narinig ko na agad ang boses ng lalaking yon. Nakakainis, akala niya papatalo ako sa kaniya.

Arghhhh naiinis talaga ako tuwing naaalala ko yung sinabi niya. Totoo kayang sinabi niya kay Might? Tsk masasapak ko talaga ang lalaking yon.

Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa paglilinis. Marami pa kong dapat na gawin mamaya. Kailangang kailangan na ni Keiko ng mga designs.

Pagkatapos kong maglinis, itinuloy ko na ang paggawa ng mga designs.

Naramdaman kong bumukas ang pintuan ng apartment ko.

"Carisze? Are you busy?"

Si Zarya lang pala. Nilingon ko naman siya.

"Hindi naman gaano. Why?"

Umupo siya sa harapan ng sofang inuupuan ko.

"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Maaga pa naman eh"
"Anong maaga pa? Alam mo bang 2 na ng hapon. Tss buti na pang pala may natira pa kong ulam sa bahay. Hintayin mo ko dito ah. Babalik ako"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon