SEOLEUN-SET

109 2 0
                                    

CARISZE's POV

Hindi naman siguro masamang magselos kung alam mong bumalik ang unang babaeng nagustuhan ng boyfriend mo, diba? Normal lang namang makaramdam ng ganito, diba?

Tumatawag ulit si Ivyr. Sinagot ko naman agad.

"Baby girl I love you and only you kaya wag mong pagselosan si Jin, ok?"
"Hindi naman ako nagseselos eh"
"Carisze diba dapat open tayo sa isa't isa? Nagseselos ka ba o hindi?"
"Fine, nagseselos ako"
"Bakit naman? Bestfriend ko lang naman si Jin"
"Siya ang kauna unahang babaeng nagustuhan mo, diba? Paano na lang kung biglang bumalik ang nararamdaman mo sa kaniya lalo na ngayon na hindi tayo magkasama?"
"Baby past na yon. Kung anumang naramdaman ko kay Jin, wala na yon ngayon at hinding hindi na babalik yon. Kaya wag ka nang mag-alala, ok? Ako naman ang pagkatiwalaan mo ngayon Carisze. Kaya pag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang talaga"
"Wala ka nang nararamdaman kay Jin?"
"Wala. Promise bestfriend lang talaga"
"Ok. I'll hold onto your promises Ivyr. Once na ma-break mo ang kahit na anong promise mo, goodbye Carisze ka na"
"Haha opo"
"Kamusta ka na pala? Alam kong malungkot ka pa rin sa pagkawala ni Zeke"
"I'm slowly coping up baby. Ayoko namang makita ako ni Zeke na malungkot, baka biglang magpakita sakin yon"
"Hay naku pati bestfriend kinakatakutan"
"Tss hindi naman. Ikaw? Kamusta ka na? Tapos mo na ba ang mga designs mo?"
"Yon nga ang sasabihin ko sayo baby"
"Ano yon? May problema ka ba?"
"Kasi yung mga designs ko, kagaya na naman nung mga designs na inilabas ng LJY Fashion. Hindi ko alam kung paano nila nagagaya ang designs ko. Kaya uulit na naman ako sa paggagawa ng designs"
"Ibig mong sabihin hindi ka makakauwi dito pagkatapos ng fashion show mo sa London?"
"Ganun na nga"

Tumahimik sa kabilang linya.

"Alam mo naman kung gaano kita kailangan ngayon, diba Carisze?"
"I'm really sorry baby boy. Promise babawi ako sayo pagkatapos ng lahat ng ito"
"Huwag ka na lang mangako Carisze. Hindi mo rin naman natutupad"

Sabay patay niya ng tawag. Hays hindi ko naman siya masisisi, kasalanan ko naman talaga. Psh uuwi na nga ako don after ng fashion show ko sa London. Hindi ko naman matitiis si Ivyr.

IVYR's POV

Tsk lagi na lang siyang busy. Hindi man lang ako matuunan ng kahit konting oras. Nangako siyang uuwi siya after ng fashion show niya sa London tapos sabay hindi naman pala.

Nasa rooftop ako ngayon, nagpapahangin. Ang daming stars ngayon, mas lalo ko lang naaalala si Carisze. I miss her so much.

"Hey Ivyr"

Napalingon naman ako. Si Jin lang pala. Nginitian niya ako at umupo sa katabi ko.

"I remember, you lied to me"
"Ha?"
"Sa airplane, tinanong kita kung yung girlfriend mo yung katext mo and you said yes. And then sa bar, tinanong kita kung may girlfriend ka sabi mo wala. Anong totoo don?"
"I have a girlfriend"
"Siya yung kausap mo kanina sa phone, diba?"
"Yea"
"Bakit parang malungkot ka? Nag-away ba kayo?"
"Hindi naman. Hindi lang kasi siya makakauwi dito, may problema pa kasi siya sa business niya"
"Ah she made a promise to you, right?"

Kumunot naman ang noo ko. Paano niya nalaman?

"How did you know?"
"Duh! I'm your bestfriend so I know everything about you. Ganyan palagi ang itsura mo dati pag hindi ko natutupad ang pangako ko sayo. Remember nung sa EK, sabi ko hindi ko bibitawan kamay mo pero nakakita lang ako ng balloons iniwan na kita don. At maghapon mo lang naman akong hindi inimik non"

Natawa naman ako nang maalala ko yon.

"At nangako kang babalik ulit tayo don pero hindi mo naman natupad"
"Edi gawin natin ngayon"
"Gabi na kaya Jin"
"Bukas. Maghapon tayo sa EK. Pambawi ko na sayo saka para hindi mo maisip masyado yung girlfriend mo"
"Hmm sige. Para rin malibang ako"

Butterfly (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon