Nakarating sa tagaytay si deanna sa tagaytay,. Dun niya binalikan ang alaala nilang magkaibigan, hanggang sa magkaroon sila ng kasintahan. Napaiyak siya ng makita niya ang mga pictures nilang dalawa. Nangiti siya habang umiiyak ito.
Deanna : best alam kong nasa kamay ka na ng Panginoon natin. Pero best kahit anong mangyari di kita kalilimutan best, hayaan mo best lahat ng gamit mo sa bahay ilalagay ko rito best at tutuparin ko pa din ang pangarap nating dalawa.
Iyak ng iyak si deanna dahil sa pagkawala ng kanyang matalik na kaibigan. Dahil sa kakaiyak niya ay naktulog na siya. Sina ced at jema naman ay kakarating lang sa tagaytay inutusan niya kasi ang driver na magdahan dahan lang sa pagdadrive. Nakita nila si deanna na nakatulog na. Kaya naisipan nina jema na umopo sa gilid ng pool. Si deanna naman ay nananaginip kay mitch.
Sa panaginip ni deanna. Nakita niya si mitch na nakatayo sa harapan niya at ngumingiti kaya nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.
Deanna : best bat ganon? Bat ka nang iwan?
Mitch : iniwan man kita best may papalit naman sa akin.
Deanna : best di ko matatanggap yung binigay mo sa akin.
Mitch : best pag di mo tinanggap yun magagalit ako sayo.
Deanna : ang dami naman kasi ng binigay mo.
Mitch : basta alagaan mo mga yun huh. Mahal na mahal ko kayo nina jema, ingatan mo sila huh. Gusto ko nasa bahay ko pa rin kayo.Di na nagsalita si deanna at hinigpitan niya ang yakap niya kay mitch hanggang sa itoy nag laho.
Nagising naman si deanna sa napanaginipan niya at tumayo ito. Kumuha nama muna siya ng tubig at iminum ito. Napansin niya sina jema at ced sa may pool. Kaya lumapit siya sa mga ito.
Deanna : akala ko ako nandun lang kayo sa bahay.
Napalingon naman ang dalawa.
Jema : di ko kasi kaya B na di ka sundan eh, alam ko kasi kailangan mo ako ngayon.
Deanna : B, salamat sa pag. Alalay mo sa akin huh.
Jema: B girlfriend kita kaya gagawin ko ang kailangan kong gawin as your gf.
Ced: tigilan niyo na yan. Wala nang gaganyan sa akin eh. (umiiyak na sabi ni ced.)
Jema: ced kahit wala na si mitch nandito naman kami eh. Siya nga pala B, bat mo kilala yung kambal ni mitch?
Deanna : ahh si mae, magkalaro na kasi kaming 3 mga bata pa kami eh, tapos kami niyan ni mae kami yung laging nagkikita dahil school mate kami noon, hanggang sa nag 10 years old siya pinili niya na sa Thailand mag. Aral nagvivideo call kami niyan nung hight school kami, lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ko raw pabayaan si mitch kasi ako lang daw makakatulong sa kanya lalo na at nasa thailand siya.
Ced: mabait din ba yun deans?
Deanna : pareho lang sila ni mitch, pero mas may sense of humor yun kaysa sa ni mitch. Matalino din yun kasi noong elementary kami laging top one yun. At yung last naming pag. Uusap ang kinuha niya is law kaya.
Ced: so napaka talino pala nun.? Nako pagmatalino mahirap kausapin. Hahah.
Deanna : ibahin mo sila ced, mukhang magkakasundo kayo nun. Lesbian din yun eh. Nagkakagf yun kaya lang iniwan kasi may nakotang iba yung ex niya. Sabi niya sa amin ni mitch. She's not my priority at all. Kasi hiwalay na daw sila.
Jema : eh kahit ba nasa ibang bansa siya close pa rin sila ni mitch?
Deanna : oo naman.
Jema : eh bat walang nababanggit si mitch about it?
Deanna : knowing mae, si yun gusto na pinakilala siya sa iba at pinag. Uusapan siya.
Ced : kaya pala. Pero maiba tayo, kanino ba tong rest house? Ito ba yung nasa testaminto ni mitch na ibibigay niya sayo?
Deanna : actually sa amin tong dalawa ced, at nasa pangalan niya yung titulo nito kaya yun binigay niya sa pangalan ko.
Jema : ang bait ni mitch sayo B.
Deanna : napaginipan ko nga siya eh, sinabi niya dapat ko daw tanggapin ang binagay niya at alagaan ito. Sabi nga niya aalagaan ko din daw kayo eh, ayaw niya rin na umalis tayo dun sa bahay niya..
Jema : eh ikaw na nagmamay ari ng bahay B, kaya dapat mo talaga alagaan yun. B itutuloy mo pa rin ba yung pagmamasteral mo sa canada?
Deanna : itutuloy ko yun B, yun lang ang pangarap namin ni mitch at isa din yun sa maging kaligayahan ni mitch B,
Jema : susuporta ako jan B, basta para kay mitch.
Deanna : salamat B.
Ced: mukhang kailangan na natin umuwi, baka pagalitan pa tayo ni mitch pagwala pa tayo sa bahay.
Jema: tara..Umalis na sina jema para umuwi ng bahay.
Ika 6 na araw na ng pagkakaburol ni mitch at ngayon ang aray na ililibing na siya, nakahanda ang lahat, lahat ng nakikiramay nakaputi ng t-shirt na may mukha ni mitch. Sina jema, deanna at ced ay magkasama na nakasakay sa paboritong sasakyan ni mitch pero bago pa pinatakbo ang sasakyan ay humarang si mae dito para sumakay. Natuwa naman si deanna rito.
Mae: pwede ba makisakay?
Deanna : oo naman, hali ka.Sumakay na si mae,. Tahimik al sina jema at ced, nakikiramdam pa sila ni mae.
Mae: bunso huwag ka iiyak mamaya huh, sabi ni dad ikaw daw ang magsasalita mamaya dun sa altar.
Deanna : mae naman bat ako pa.?
Mae: sige bunso pag aayaw ka mumultohin ka ni mitch gusto mo yun? Hahaha.
Deanna : hay naku, sige na nga plinano mo nanaman to eh.
Mae: di ah., siya nga pala saan ba dito bagong gf ng kakambal ko?
Deanna: hindi pa niya gf no.
Mae: hina naman ng kakamabal ko, pero feel ko bunso itong isang magandang to ang gf mo? Diba? Hahah.
Deanna : oo naman mae noh, ako pa.
Mae: natatakot na ako sa kanila huh di sila nagsasalita., ok magpapakilala ako ng pormal sa inyo. Ako nga pala si mae tan, kakambal ni mitch, huwag kayo mag. Alala dahil kung ano nakikita niyo sa kapatid ko mas lamang pa ako dun pero mabait ako. Hahah.Napangiti naman sina jema at ced dito.
Mae: saka nga pala bunso kasama mo pala tong dalawa na magsasalita sa harap mamaya. Hehehe., sorry guys inutusan lang ako ni dad.Nangmakarating na sa simbahan sila ni jema nakita nila ang daming tao na nakikiramay. Di niya maisip na ganito pala karami ang natutulongan ni mitch. Naglakad na sila sa gitna nang simbahan sinundan nila ang kabaong ni mitch. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang misa, isang oras din bago natapos ang misa. Pero bago pa magsimulang magsalita sina jema, deanna at ced ay lumapot muna sila sa kabaong para makita ang mukha ni mitch, di naman mapigilan ng tatlo na di humagolgol ng iyak. Nangmatapos yun ay lumapit na sila sa micropono.
Jema: magandang hapon po, nagpapasalamat po kami ngayon sa pagpunta niyo rito. Nais ko pong ibahagi sa inyo ang mga araw, at buwan na kasama namin si mitch.
Unang araw ko pa lang siya nakilala ay di ko na malaimutan yung araw na di maipinta ang mukha niya dahil sa biglaang pagkakaengage niya sa akin pero palaban pala tong kaibigan ko at namili pa kung sinong gusto niyang pakasalan, ginawa niya lahat para di matuloy ang kasal naming dala. Oo di nga natuloy pero masaya ako na naging matalik kaming magkaibigan kahit kunting oras lang. Pinapahalagahan ko po at minahal ko po si mitch bilang isang kapatid. Di ko mawari na may ganito pala kabuti na tao. Kaya nagpapasalamat ako at nakilala ko po ang isang mitch tan na kahit kailan di naging iba sa akin.
Ced: hi po ako po pala si ced, nagpapasalamat di po ako sa dumalo ngayon sa kalungkotan ng aming buhay. Nais ko lang sabihin sa inyo na isa po ako sa nangliligaw ni mitch peropinili na po naming maging magkaibigan muna. Dahil gusto niya na maging buo muna siya bago kami pumasok sa isang relasyon pero lubos akong nagpapasalamat at nakilala ko ang isang mitch tan..
Deanna : hi po sa inyo.
Di nagsisimula pa lang magsalota si deanna ay napaiyak na ito.
Deanna : di ko alam kong san ako magsisimula, ang alam ko lang ngayon ay ang umiyak dahil sa pagkawala ng bff ko, sa bawat ngiti na nakikita ko kay mitch noon ay siya naman ligaya na natatanggap ko sa puso ko, sa bawat kilos niya lagi akong nakasunod nito, dahil gusto ko na sumunod sa mga yapak niya. Pero nung nakita kung wala na siyang buhay doon bumagsak ang mundo ko, at ngayon di ko alam kong san sisimulan ang ibinigay niyang task sa akin. Di ko alam kong kaya ko ba. Pero hiling ko lang ay igaguide niya ako sa lahat gagawin ko. Sa inyong lahat po. Salamat po sa pagmamahala sa bff ko.
Best kung nasaan ka man ngayon mahal na mahal na mahal ka naming tatlo best. Mahal ka din ng pamilya mo at mga kaibigan mo.😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢😢🎄🎄
Next chapter isa the new chapter of deanna wong
BINABASA MO ANG
Rest of my life (jedean gawong )
FanfictionAng story na to ay fanfiction lamang and di katotohanan gawagwa lang nang isip ko so enjoy and let start., 😉