Celestine's P.O.V
Sana naman hindi siya sinaktan
Halos ilang oras rin kaming bumiyahe patungong bahay ni Lola Catalina. Pagod na ako, pano na kaya si Kuya? Siyempre mas pagod siya kaysa sa akin.
Tinignan ko muna siya. Ang lungkot ng mukha niya. Huhuhu wala akong magawa, alam kong ayaw niya sakin baka mas lalo lang siyang malungkot at magalit.
Hiniga ko yung ulo ko sa gilid ng bintana. Matulog muna ako. Pinikit ko yung mga Mata ko.
"Celestine, wake up bitch!" Nagulat ako sa sigaw ng boses na yun. Kinusot kusot ko muna ang mga Mata ko. Aysttt Kuya Cazumi Wala ako sa mood makipagtalo sayo bugok!
"Celestina, apo!", Wahhh nandito na pala ako sa bahay ni Lola Catalina. Yehey. Ma enjoy ko talaga dito
"Lola Catalina!", sigaw ko at agad ko siyang niyakap.
"Hehe musta na kayo? Hali ka muna pasok muna tayo" sabi ni Lola Catalina. Agad niyang kinuha ang aking bag na ang nakalagay doon ay mga damit ko dahil dito ako mag stay muna habang wala pang klase.
"Lola ako nalang po, wag kang masiyadong magpaka pagod" sabi ko at kinuha ko ang aking mga gamit.
"Cazumi, halika na" sabi ni Lola Kay kuya.
"May pupuntahan ako Lola. Urgent siya kaya hindi muna ako makapag stay. Sorry" sabi ni kuya Cazumi. Wow ha, aside from Alyzza, mabait din siya kay Lola. Hahahaha dapat Lang naman kasi matanda na si Lola baka magka heart attack siya.
"Naintindihan ko Apo, sige puntahan muna. Baka malate ka pa" sabi ni Lola at parang pinadali pa niya si Kuya na paalisin. Huh? Weird ni Lola ngayon ah. Hmm baka may ipapakita siya na dapat Lang ako ang makaalam. Hehe ano Kaya Yun? Hmm.
"Sige po Lola. Bye" agad na pinaandar ni kuya ang kotse at bumiyahe na.
"Ingat ka apo!" Muling sigaw ni Lola. Nang makita niyang palayo na ang kotse ni kuya ay agad niya akong kinaladkad.
"Ahm Lola, ba't ang bilis mo naman? Baka urgent Rin itong surprise mo? Hehe ano ba Yun? Mga books about sa history? Kyahhh" sabi ko with excitement.
"Celestine, makinig kang mabuti" pinaupo niya ako sa sofa. Nakatingala naman ako sa kanya. Anong nangyari ba't naka serious mode siya.
"Naging 18 taong gulang kana nung lumipas ang isang buwan at Isa ka sa mga nominado para bigyang hustisya ang pagkamatay ng ama ni Ghufelina". Ha? Hakdoooog anong ibig sabihin ni Lola? Sinong Ghufelina? Ano ako abogado? Don't tell me kukuha ako ng abogado na kurso? wahh huhuhu wag naman. Patay na nga brain cells ko sa nursing pano pa kaya kung Abogado? Huhuhu.
Natulala parin ako sa sinabi ni Lola.
"Alam kong naguguluhan ka pero Apo nais kong matulungan natin si Ghufelina ang nag iisang tumulong sa ating mga ninuno sa panahong espanyol. Kaya nagkaroon ang pamilya natin ng utang na loob. At sa pagkakataong ito, tayo naman ang tumulong sa kaniya. Si Ghufelina ay 18 taong gulang siya noon na nag iisang lumaban para sa hustisya ng kaniyang ama pero nabigo siya ng nanloko ang mga nasa kaharian. Binaligtad nila ang sitwasyon. Imbes si Ghufelina ang inosente ay siyang naging Kriminal at pinatay siya ng walang awa ng mga Kastila. Nakakaawa ang binibini dahil ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng hustisya ang kaniyang ama" kwento ni Lola Catalina
"What's the purpose, eh sa past nayan. Patay na rin ang mga nagkaroon ng sala laban sa kaniya" Sabi ko.
"Babalik ka sa panahong iyon" seryong sabi ni Lola Catalina.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...