Ipinasyal naman ako sa buong Palacio ng Antonio at ang daming magagandang bagay sa loob. Umuwi na ako galing sa palasyo, Wala na rin dito ang Pamilya Antonio at Fregroso dahil kanina lang silang umuwi. Hays ang boring dito, Wala naman akong makakausap dahil naging busy sila Lola Armenia at Lydia at parang Wala naman sila sa mood dahil kay kamukha ni mahinhin girl. Sina ama at ina naman ay natulog na kasi wala pa silang pahinga. Makapagpahinga na nga. Ipinikit ko ang mga Mata ko ng maalala ko na nasa akin na pala ang bracet. Tama! Agad ko nanang pinaandar ang bracelet ko at tumawag kina Señorita Leonor.
*Ring* *ring* hays ang sarap sa tenga, pang moderno. Na miss ko na pala ang pamilya ko T__T.
"Celestine, mabuti naman at tumawag kana, ilang beses ka naming tinawagan pero iba yung makasagot eh kaya tatapusin ko nalang kaagad ang tawag" Sabi ni Señorita Leonor na agad bumungad sa akin. Tuwang tuwa naman ako dahil may makaintindi na sa akin at mapag share-ran ko ng kalokohan hehe.
"Señoritaaaaaa wohooo! Ninakaw kasi ang pwerselas ko eh kaya di ako nakatawag" masaya kong sabi sa kaniya.
"Mabuti naman at nabalik yan" tinutukoy niya ang pwerselas ko at napangiti naman ako sa kaniya.
"Ano pa ba ang inaasahan mo señorita? Siyempre! Di papatalo si Celestine" natawa naman siya sa akin. Pero yung tawa niya parang may halong lungkot. Alam ko na may problema doon.
"Madalas ka ng nagtatagalog" nakangiti niyang sabi at napangiti naman ako
"Haha sino ba naman ang Hindi masanay Señorita" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang ito. Ang boring namang kausap si Señorita Inaantok tuloy ako. Pansin ko rin na di na siya masyadong umiimik.
"May problema po ba señorita, Nasaan ba si Lola Catalina?" Masaya kong Sabi kasi gusto ko na Makita si Lola at gusto kong ikwento sa kaniya ang nangyari sa buhay ko hahah OA feeling OFW.
"Nakakalungkot isipin pero wala dito ang Lola mo kasi inatake siya sa puso kaya mahigit isang linggo na siya sa hospital at nanghihina pa" malungkot na sabi ni Señorita Leonor, nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ano?!" Nag-alala kong tanong, Sana nama'y maging ayos na si Lola Catalina, kailangan ko siya ngayon. Kailangan niyang malaman ang kwento ko, ang achievement ko na naka adjust na ako sa makalumang panahon. Napayuko nalang ako at napansin ko na may mga luhang pumatak mula sa mga Mata ko. Agad ko namang pinunasan iyon. Gustong gusto kong puntahan si Lola at bisitahin siya na sana'y ayos lang siya.
"Wag mo munang isipin yan Celestine, ipaalala ko lang sa'yo na may misyon ka pa" Sabi naman niya at Kung maalala ko yun ay mas lalo lang akong ma pressure.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Iparating mo Lang Kay Lola Catalina na namiss ko na siya at sabihin mo na dapat magpagaling siya kaagad kasi may madami pa akong ikwento" malungkot kong sabi at napatango naman siya
"Sisiguraduhin ko na mararating niya ang sinabi mo" Sabi niya at ngumiti nalang ako ng pilit.
"May ebidensya ka na bang nakikita" tanong sa akin ni Señorita Leonor. Hmm.
"Isa pa lang Señorita eh, at walang kasiguraduhan kasi kung hindi suotin ni Inang Felicidad ang singsing niya sa harapan sa korte ay di ko yun masali" nalulungkot kong Sabi ni Señorita Leonor dahil sa naalala ko naman na may haharapin pa akong malaking problema at nakasalalay pa dito ang buhay ni Ghufelina dahil kung mapagtagumpayan ko ito ay matahimik na siya, pero pag Hindi ay araw-araw ay parang pinaparusahan siya dahil sa kaniyang mapait na kapalaran.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
