Celestine's P.O.V
"Ikaw! Celestine Alfaro! Ang aking napiling pabalikin sa makalumang panahon! Ang tatapos at ang kauna unahang makapag tagumpay ng misyong ito!" Sabi ng matandang babaeng nakaupo sa malaking chair.
What???! Ba't ako. Anong meron?! Ayoko ayoko!
I'm Celestine Alfaro at ako ang inatasang baguhin muli ang mapait na kapalarang dinanas ni Ghufelina Alonso.
"Maawa ka, wag ang apo ko. Pasensya na, nawa'y patawarin mo ang apo ko sapagkat nadala lang siya sa kaniyang emosyon" nagmamakaawang sabi ni Lola Catalina at lumuhod sa harapan ng matanda.
"Sa tingin mo ba kaya ko siya pinili dahil sinagawan niya ako? Pwes nagkakamali ka, pinili ko siya dahil malakas ang kutob ko na siya ang kauna-unahang magtagumpay" Sabi ng matandang babae o lider at pakana sa lahat ng ito.
"Pero ngayon ko lang kayong nakita na pumili Señorita Leonor. Kahit kailan ay hindi ka pumili ng dalaga kundi ang iyong alalay lang ang palaging pumipili kaya di ko maiwasang magduda" Sabi ni Lola Catalina pero mahinahon lang ang boses niya. Ibig sabihin niya, kahit kailan ay hindi pumili si Señorita Leonor ba yun?
At ito ang kauna-unahang pagpili Niya ng dalaga? Wew . Hindi ko rin maiwasang magduda baka tama si Lola Catalina. Pinili niya ako para makapag higante siya sa akin. Walang hiya!
"Ganun na ba kababaw ang tingin mo sakin Catalina? Sa sinabi mong yun, malaking insulto yun sa akin" Sabi ni Señorita Leonor.
I feel bad for her. Tama nga siya. Malaking insulto yun para sa kaniya. Pero bahala siya! Ayaw kong mabalik sa panahong iyon!
"Pasensya na po, labis lang akong nag-alala sa apo. Paano kung mapareha siya sa ibang mga dalaga?" Tanong ni Lola Catalina at halatang halata sa kaniyang ekspresyon na nag-alala siya sa akin.
"Wala ka bang tiwala sa apo mo?" Tanong ni Señorita Leonor at hindi napaimik si Lola Catalina.
"Masakit yun para kay Celestine". Sabi pa ni Señorita Leonor. Tumingin siya sa akin
Oo nga no? Palaging nagsasabi si Lola na baka matulad ako sa ibang dalaga. Wala ba siyang tiwala sa akin? Pero nag-alala Lang naman siya sa akin diba? Ba't pati si Lola wala siyang tiwala sa akin. Labis akong nalungkot ng ma realize ko yun. Hays kahit kailan Celestine. Napakuyom ako sa kamao ko.
"Wala na tayong oras, dapat na siyang ihatid sa makalaumang panahon" sabi ng assistant ni Señorita Leonor.
"Ha? Anong ihatid wag!! Ayoko! Hindi ako bagay sa panahong iyon" sabi ko at hinawakan ni Señorita Leonor ang mga kamay ko at tinignan sa mga Mata.
"Kaya mo yan, naniniwala ako sayo" sabi niya at may mga ngiti sa labi niya. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang aking mga titig sa mga mata ni Señorita Leonor. Biglang lumakas ang hangin. Napakalakas!
Hindi ko alam pero biglang nanghina ang aking buong katawan. Nandilim na rin ang aking mga paningin. Hanggang hindi ko na alam kung ano ang nangyari basta ang alam ko ay nawalan na ako ng malay.
Señorita Leonor's P.O.V
Nandito kami sa Lugar kung saan palagi kaming nagkikita. Sabi ng ninuno namin na tinutulungan sila ni Ghufelina Alonso sa panahong espanya. Si Ghufelina Alonso isang matapang, mapagmahal at masayahin. Siya ang iniidolo ng karamihan dahil sa kaniyang ugali. Pero naging malungkot ang lahat ng makatanggap sila ng mensahe na namatay na ito ng dahil binaliktad nila ang sitwasyon ng taga kaharian. Kaya ang lahat ng mga natulungan at nagmamahal kay Ghufelina ay nagtitipon tipon at gumawa sila ng ritual sa tulong ng pagdadasal araw-araw sa Panginoong Diyos. Doon nabuo and pagbabalik sa makalumang panahon.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
