Muli kong pinunasan ang sarili kong mga luha sa tuwing babalik sa aking mga alala-ala ang mapait na pangyayari na yun. Napapikit nalang ako at napasandal sa pader. Kailangan ko ng tapusin ang misyon ko ngunit nahihirapan pa rin akong makatakas dito at isa pa kailangan ko na kahit isang taong nakakaalam sa aking plano. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa pagod at di ko na alam ang gagawin ko.
Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Nenita at may dala dalang kahon. Parang nagmamadali pa siya at may mga pawis na tumulo mula sa mukha niya
"Ghufelina!, nakuha ko ang iyong dalawang pwerselas", sabi ni Nenita at inilahad ang pwerselas na ibinigay sa akin ni Señorita Leonor pati ang pwerselas na ibinigay sa akin ni Rhavene. Agad ko naman siyang niyakap dahil sa tuwa.
"Maraming Salamat Nenita", mahigpit kong yakap sa kaniya at ngumiti naman siya ng bahagyan.
"May mabuti akong balita", madali niyang sabi at may kinuha siyang susi mula sa saya niya at kinuha ang kadena na nasa paa ko.
"Nandito si Prinsesa Glezerina ngayon, balak ka niyang itakas", seryoso niyang sabi dahilan para magulat ako sa sinabi niya na may halong tuwa. "Ghufelina, tutulungan kita na makalayas sa kalbaryong buhay mo pero sana mag-ingat ka parin at sana hindi mo ako makakalimutan", malungkot niyang sabi sa akin at napayuko naman siya. Agad ko namang itinaas ang baba niya at ngumiti sa kaniya.
"Hinding hindi ko makakalimutan ang iyong ginawang kabutihan Nenita", utal ko sa kaniya at tumango naman siya habang nakangiti.
"O siya sige na, kailangan nating magmamadali habang tulog pa sila ni I--", naputol ang sinabi ni Nenita ng biglang sumigaw si Donya Kalosera.
"Nenita!!", tawag ni Donya Kalosera sa kaniya dahilan para magpanic siya at ako rin.
"Ghufelina, dumaan ka sa bintana na nasa kusina at ako ang bahala ni Ina. Sige na!", pabulong niyang sabi at dali dali ko namang iniligpit ang aking gamit at dala dala ko ang kahon.
"Maraming Salamat Nenita!", sabi ko sa kaniya at muli ko siyang niyakap.
"Nenita!!", sigaw na naman ng Ina niya.
"Sige na! Alis kana!", sabi niya at walang pagdadalawang isip na pumunta ako sa kusina na konektado lang sa kwarto na kinaroroonan ko.
"Nenita, nakita mo ba ang susi sa kadena ni Ghufelina?", narinig ko ang boses ni Donya Kalosera at Dali dali akong umakyat sa bintana. Ikinuha ko na rin ang gamit ko.
"Nenita?! Nasaan si Ghufelina?!", narinig kong sigaw ni Donya Kalosera. "Pinatakas mo siya?, Magsabi ka ng totoo?!", sigaw pa ni Donya Kalosera. Nagdadalawang isip pa akong umalis doon at gustong balikan si Nenita ngunit nakita ko si Gracia at laking gulat na Makita niya ako.
"Ina Kalosera, nandito si Ghufelina, balak niyang takasan tayo!", sigaw niya at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan ko. Agad ko namang binilisan ang kilos ko at nakalabas ako ng mansiyon.
"Ina!!!", sigaw pa ni Gracia. Hindi ko naman siya pinansin at patuloy na tumakbo ng mabilis. May gate dito kaya hindi ko alam kung saan dadaan. May nakita naman akong kahoy doon at walang pagdadalawang isip na umakyat ako doon. Umakyat ako sa pinakadulong sanga papalabas ng mansiyon. Medyo mataas pa ang pagitan mula sa sanga papuntang sahig.
"Ghufelina!", narinig kong sigaw ni Donya Kalosera at may dala dalang baril. Nakita niya naman ako at itinutok ang baril sa akin. Wala na akong mapipilian kung hindi tumalon. Tumalon naman ako kasabay ng paputok ng baril ngunit ni isa ay hindi ako natamaan.
"Aray!", sigaw kong utal dahil parang nabalian ako ng buto sa paa o yung ugat ko ay naliso. Tumakbo akong hawak hawak ang paa ko at sakit nararamdaman ko ngayon ay itiniis ko. May biglang humawak naman sa bunganga ko at kiniladkad ako papalayo sa mansiyon. Di ko namang masiyadong makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito habang hawak hawak ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Ficción histórica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
