Ghufelina's P.O.V
Napagising ako sa sakit ng pangangatawan ko ngayon. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Masakit din ang ulo ko sa tuwing igagalaw ko ito. Bigla ko namang naalala sina Glezerina at Vicente. Anong nangyari sa kanila? Dahan dahan ko namang iginala ang aking mga mata. Laking gulat ko ng makita si Rhavene na isinandal ang ulo niya sa kama. Nakatulog siya ngayon at parang pagod na pagod siya.
Bakit siya nandito?
Pinagmasdan ko lang ang mukha niyang maamo habang nakatulog. Di parin ako makapaniwala na nangyari ang lahat ng ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na galing rin siya sa panahon ko. Alam niya rin kaya?
Napabuntong hininga nalang ako sa mga naiisip ko ng biglang bumuka ang kaniyang mga mata at nagtama ang mga paningin namin. Hindi naman niya inalis ang kaniyang titig at seryosong nakatingin sa akin.
"Rhavene, bakit ako nandito?, Nasaan ako?", tanong ko sa kaniya ngunit hindi lang niya ako pinansin at tumayo sa kinauupoan niya. Wews nice talking. May kinuha naman siya ng tubig at inilahad sa akin.
"Mas maging malusog ka kapag uminom ka ng tubig sa maaga", sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa inilahad niyang baso sa akin. "Hindi mo ba tatanggapin?", tanong niya sa akin at agad ko naman itong kinuha. Wews sungit naman nito hmp!
"Nandito ka na pala, pakibantayan ng pasyente ko binibini, ako'y humayo na", sabi niya sa babaeng parang nurse dito. Teka lang, pamilyar ang bahay na toh! Oo nga pala, ito yung panggamutan ng mga Antonio.
"Sige po Prinsipe", sabi ng isang binibini na Isa sa mga gumamot sa akin ng pumunta ako dito. Ngumiti naman siya sa akin ng bahagyan at nilapitan ako. Nagulat naman ako ng biglang naglakad papalakad papalayo si Rhavene. Di man lang siya magpaalam sa akin?! Ganun na ba niya ako ka ayaw? Huhuhu.
"Rhavene!!!", sigaw ko sa kaniya. "Aray!", sigaw ko ng biglang sumakit ang sugat ko.
Agad naman siyang tumakbo papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko."Huwag kasing sumigaw ng malakas, dahan dahan lang kasi", sabi niya pa, puno ng pag-alala ang kaniyang mga Mata. Opx confirmed! May paki pa siya sa akin haha.
Napangiti naman ako ng bahagyan ng malaman ko na kahit kaunti nalang ay may paki pa siya sa akin. Nagulat naman ako ng agad niyang binitawan ang aking mga kamay."Bakit mo ko tinawag?", tanong niya sa akin at bigla na namang sumeryoso ang kaniyang mga mukha. Huwag sana, natatakot ako sa mga titig niyang ganiyan.
"M-miss na miss na kita", wala sa sarili kong napautal habang tinignan ko siya sa mata. Bigla namang napalitan ang mga mukha niya na para bang nagtataka.
"Miss?", patanong niyang sabi at di ko naman siya sinagot. Miss na kita baby hindi ko na kaya~~~ choss joke .Sa paraang iyon ay sa wikang Ingles ko maipahiwatig ang aking totoong nararamdaman sa kaniya. tutal wala namang nakakaalam kung anong ibig sabihin nito.
"Anong ibig mong sabihin binibini?", tanong niya pa sa akin at ang nurse namang babae ay napanganga rin sa akin.
"Alamin mo", sabi ko sa kaniya at napailing-iling nalang siya. "Ganun ba, sige", wika niya at akmang aalis ng may biglang sumalubong sa kaniya.
"Mahal!", nakangiting tugon ng babaeng nakita ko sa palengke at niyakap siya ni Rhavene. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinalikan si Rhavene sa labi.
"Gaano ba ka importante yung pasyente mo? Mahuli na tayo sa ating pupuntahan", sabi ng babae at parang gagamba na kumalabit sa my luvs ko! Hmp! Napaismid nalang ako sa kanila at iniwas ang tingin. Nakita ko naman ang babaeng nurse na ngumiti ng unti habang pinagmamasdan ako. Nang magtama naman ang mga paningin namin ay agad niya itong iniwas."Binibini, Huwag mo akong halikan ng basta basta lalo na't nasa publikong lugar tayo", sabi ni Rhavene at tinanggal ang mga kamay na nakahawak sa braso niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/197857520-288-k130187.jpg)
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Ficción histórica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...