Nagising ako dahil sa lamig ng hinihigaan ko. Habang nakapikit ako ay kinapa ko ang nasa paligid ko baka sakaling may kumot dito ngunit natigilan ako ng biglang nakaramdam ako ng sakit sa magkabilang pisngi ko. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi at agad akong napabangon dahil nagtaka ako kung saan ako ngayon. Laking gulat ko sa dilim ng paligid at walang ilaw akong nakita. Nasaan ako?
Tumayo naman ako ngunit tumama ang ulo ko sa itaas at napansin ko lang na ito ay gawa sa metal dahil sa lamig nito. Wala akong makita kahit ano. Kinapa ko na naman ang nasa paligid ngunit tumama ang pisngi ko at napasigaw ako sa sakit.
"Aray!", dahan dahan ko itong hinawakan ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ija", napasigaw naman ako at napaatras.
"Wahhhhh! Sino ka?!", huhuhu bakit ako nandito anong nangyari.
"N-nasaan ako?!", napalunok at nauutal kong tanong sa nagsalita. Wala akong makita kahit ano kundi dilim lang.
"Nasa kulungan ka ngayon, ija", sabi ng tumawag sa akin kanina. Ha?! Kulungan?!. Nakita ko sa mga movies na kapag ganitong scene ay may multo wahhhhh!
"B-bakit po ba walang ilaw at ang liit ng kulungan...", tanong ko sa kaniya at pakiramdam ko na dry ang laway ko sa kaba. Tumayo naman ako ulit at tumama na naman ang ulo ko! Ouch! Totoo nga. Kinapa ko naman ang nasa paligid ko at bigla akong may nahawakan na bakal doon, isang napakalamig na bakal.
"Dito inilagay ang taong nagkasala", sabi niya sa akin at natigilan naman ako. Kinulong ako ni Don Gregorio dito nung nawalan ako ng malay.
"Bago pa mahatulan ng kamatayan ay dito ka muna mananatili", bigla naman akong kinalabutan sa sinabi niya. Mamatay na ba ako? Paano ang misyon ko? Paano si Rhavene?
"Nasa Fort Santiago na tayo?!", tanong ko sa kaniya ngunit hindi naman ganito kaliit ang kulungan sa fort Santiago at Isa pa, nasa espanya pa ako kagabi.
"Hindi, nasa barko tayo, dito muna tayo ikulong ng pansamantala kapag di pa sila nakakaisip ng parusa", paliwanag pa ng babae at tama sa tingin ko ay papauwi na kami ng Pilipinas. Sinubukan kong hinawakan ang bakal at iniyugyog ito.
"Palabasin niyo ko!!!!", sigaw ko. May namumuong luha na sa mga mata ko sa kaba at takot.
"Kahit anong gawin mo ay di kana makakalabas pa", pahabol niya pa at mas lalo lang nanindig ang balahibo ko.
"Marami po ba tayo dito?", tanong ko sa nagsasalita at nanginginig pa ang mga kamay ko. Bahala na kung sino ang kausap ko ngayon basta may kasama ako dito sa nakakatakot na lugar.
"Tayo lang", sabi naman niya at mas Lalo akong kinalabutan. Niyakap ko nalang ang sarili ko at inaalala ang nangyari kagabi. Kamusta na kaya si Lola Armenia at Lydia?Kasalanan ko ang lahat.
"Ano ba ang kasalanan mo ija?", tanong niya pa sa akin at napabuntong hininga nalang ako. Sasabihin ko ba sa kaniya?
"Nagpapanggap", yun lang ang nasabi ko sa kaniya. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko ng nautal ko ang salitang iyan, kung hindi sana ako napunta sa panahong ito. Ano kaya ang gagawin ko?
"Nagpapanggap? anong ibig mong sabihin?", tanong na naman niya at napabuntong hininga nalang ako.
"Nagpapanggap ako bilang hindi ako", sabi ko sa kaniya. Mamatay na kaya ako? Na realize ko na ang hirap palang mapunta sa panahong ito. Ang hirap pala ng dinadaanan nila.
"Alam ko na hindi mo pa kayang sabihin ang kasalanan mo", sabi naman niya. Kusa naman akong napaiyak at napakatahimik sa lugar na iyon na ang paghikbi ko ay naririnig ko.
"Ang kasalanan ko ay humingi ng katarangungan para sa mga Pilipino ngunit inaakusahan ako na isa akong rebelde", ramdam ko sa boses niya na ang lungkot niya. Napapikit nalang ako sa pagot at tiniis ang sakit sa namamaga kong pisngi.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Ficción histórica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
