Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Nenita at parang nahilo ako sa nabalitaan ko. Ayoko ng mawalan ng taong mahal at malapit sa akin. Biglang nanghina ang mga katawan ko sa sinabi niya.
"Ngunit, huwag kang mag-alala sa tingin ko ay magiging ayos lang si Rhavene", dagdag pa ni Nenita ngunit hindi sapat iyon para mapakalma ako. Paano nalang kung mawala siya? Ayokong magdusa siya o Kung ano!
"Pero Nenita, sigurado kaba? Paano kung ano nalang ang nangyari sa kaniya", tanong ko sa kaniya at di na maawat ang mga luha ko sa sikip ng dibdib ko. Agad naman akong niyakap ngunit hindi niya ito hinigpitan dahil sa sugat ko sa likod.
"Kalma ka lang Ghufelina, maging maayos din ang lahat", sabi niya ngunit ang sakit... Patuloy pa ring umaagos ang mga luha ko kahit anong pilit na pigil nito. Bigla namang dumating si Donya Kalosera at tinignan lang niya kami.
"Nenita! Kakampi ka pala sa babaeng iyan?!", sigaw niya kay Nenita at kinaladkad ito papalayo.
"Ngayon, ay wala ng liligtas sa iyo", nakangiting tugon sa akin ni Gracia na nasa likod pala ngayon ni Donya Kalosera.
Rhavene...
Sa tuwing maiisip ko siya ay hindi tumigil sa pagtulo ng mga luha ko. Pasensya na.. Wala na rin si Nanay Luciana... Si Isabella.. wala ng taong tutulong sa akin at kakampi. Ako nalang ang mag-isa.
Kinaladkad niya naman ako ni Gracia ngunit Pinigilan iyon ni Nenita at nagmamakaawa.
"Tigilan niyo na ito", nagmamakaawang sabi ni Nenita at lumuhod pa ito Kay Gracia ngunit binawi lang ni Gracia ang kamay Niya.
"Huwag mo akong hawakan, Traydor!", sigaw niya sa kaniyang kapatid at patuloy na kiniladkad. Nagulat naman ako ng may inihanda silang drum ng tubig. Hinawakan naman ni Donya Kalosera ang buhok ko.
"Parusa mo ito sa pagsumbong mo sa Prinsipe", bulong niya sa tenga ko at isinubsob ang mukha ko sa tubig. Hindi naman ako makahinga sa tubig at parang naghihina na ako. Pilit ko namang itinaas ang ulo ko para makahinga ngunit ang lakas nilang dalawa.
Itinaas naman nila ulit ang mukha ko at basang basa na ito.
"Para ito sa pag-agaw mo sa akin ni Rhavene", sabi ni Gracia at isinubsob ang mukha ko sa tubig. Di ko naman maintindihan ang sinabi niya. Nalagyan na ng tubig ang ilong ko pati ang tenga ko dahilan para mahirapan ako sa paghinga ko.
"Para ito sa pagiging makasalan mo!", sigaw pa ni Gracia at isunobsub na naman ang mukha ko sa tubig. Hanggang sa dahan dahan na akong nanghina.... Matagal din nila itinaas ang mukha at hirap na hirap akong huminga.
Siguro ganito din ang kapalaran ko... Katulad ni Ghufelina, siguro dito lang magtatapos ang buhay ko. Paalam, mommy, daddy, kuya, Coraline, Lola Catalina at sa lahat ng mga Mahal ko sa buhay. Paalam na Rhavene, Mahal na Mahal kita... Dahan dahang umitim ang pananaw ko at di na malaman ang susunod pang mga pangyayari...
Bigla namang pumuti ang paligid at may nakita akong bata na nakahiga sa damo. Hindi ko alam kung bakit siya nandito kaya nilapitan ko siya.
"Bata, Nasaan ako?", tanong ko sa bata ngunit hindi niya lang ako pinapansin at patuloy na ipinikit ang kaniyang mga mukha. Bigla namang umihip ang malakas na hangin.
"Hoy bata, sagot ka naman diyan, kinilabutan na ako dito oh!", sabi ko sa kaniya, dahan dahan naman niyang iminulat ang kaniyang mga Mata.
"Sino ka?" , tanong niya sa akin at tinignan ako ng nagtatakang tingin. Aba walang respeto to ah!
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
