CAPITULÒ 38: ANG AMORE INFINITO

884 31 9
                                        

Niyakap niya ako ng mahigpit at tinitigan niya naman ako sa mga mata.

"Maraming salamat sa pagbisita sa akin dito", ulit niya pa at nakangiti pa ito sa akin. Niyakap niya naman ako ulit. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa ilalim ng nagbibilog na buwan, sa malamig na ihip ng hangin kayakap ko ngayon ang lalaking mahal na mahal ko.

"Maligayang Kaarawan Prinsipe", utal ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin. "Pasensya na kung wala akong ibibigay na regalo", malungkot kong sabi sa kaniya. Hays nakonsensya talaga ako. Eh kasi nakalimutan ko talaga.

"Ayos lang, nandiyan ka naman. Sapat na ang makita kita", sabi naman niya at ako naman dito ay palihim na kinilig kyahhh! Bakit ba siya ganyan? Hays flowery words talaga. Hindi ko naman siya sinagot ang ngumiti lang sa kaniya.

"May ipapakita ako sa'yo", nakangiti niyang tugon sa akin at hinawakan ang kamay ko. Agad niya naman akong kiniladkad papalabas. Tinitigan kami ng mga tao doon ngunit parang walang paki si Rhavene at nakangiti lang ito.

Agad naman naming natagpuan ang kaniyang mga magulang.

"Lalabas muna kami, Ina at ama", sabi niya at tinignan naman kami ng mapang-asar na tingin. "Sige, Basta mag-ingat ka'yo", tugon ng Ina ni Rhavene. Wahhh! Ayos lang ba nila? at parang pinagtulakan pa kami ng mga magulang ni Rhavene. Inalayan niya ako pasakay ng Kalesa at sumakay rin siya.

"traenos a Parque del Buen Retiro ( bring us to the Buen Retiro Park )", sabi ni Rhavene sa kutsero nila at napatango naman ang kutsero.

"Kaya pala hindi ka nakasagot sa aking pinapadala na sulat ay dahil paparating kana sa espanya", pasimula niya sa usapan.

"Oo", yan lang ang nasagot ko eh sino ba namang makakapagsalita na ang lapit niya sa akin. Gosh! Eh kasi ang kalesa dito ay ang gipit. Pang dalawang tao lang ang pwede dito. Na concious kasi ako baka mabaho hininga ko o baka may kulangot sa mukha ko wahhhh! I can't.

"Ang ganda mo ngayon, bagay na bagay sa iyo ang suot mo", pagpupuri niya sa akin Habang nakangiti. Aba! Always naman akong maganda eh! Kahit sa totoo kong mukha hahaha.

"Maraming salamat", sabi ko sa kaniya at ngayon ko Lang napansin na ang ganda ng sinuot niya at bagay sa kaniya ang pangkastila na kasuotan kyahhhh! ang gwapooo niya gosh at ang bango niya pa. Nakakahiya namang tumabi sa kaniya.

Hindi nagtagal ay umabot kami sa isang napakagandang lugar. Bumaba muna si Rhavene sa kalesa at inalayan ako. Charr Gentleman hahahaha. Puno ng mga bulaklak at mga puno ang lugar. Napakalinis rin ito.

"Anong lugar ito?", tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.

"Parque del Buen retiro", sagot niya sa tanong ko at nakangiti pa ito

Wahhh! ang ganda talaga huhuhu. Pumunta kami sa may statue doon at may mga bangka na nakalagay sa gilid nito. May bangka na naman?! Medyo trauma na ako sa bangka.

"Ghufelina", sambit sa pangalan ko ni Rhavene. Sa ngayon ay nasa gitna na siya sa may malaking statue at nakangiti pa ito.
"Halika", sabi niya pa at inilahad ang kaniyang kamay sa akin para aalayan niya ako. Tinanggap ko naman iyon ng buong puso. Charooot hahaha buong puso talaga?

Hindi ko alam kung anong nakain ni Rhavene pero di mawala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi habang pinagmamasdan ang buwan. Shocks! tuwang tuwa teh hahaha pero nag enjoy naman ako sa view ngayon at pinagmasdan siya habang kumikislap kislap ang kaniyang mga mata na nakatanaw sa itaas. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti ng nakakatunaw! Shocks! OMG! ano ba yan, required ba talagang tumingin ng ganyan ha? Rhavene?! Hmp!

May kinuha siya sa kaniyang bulsa at inilabas niya ang pwerselas na gawa sa kahoy. Wahhhh!

"Para sa iyo yan, matagal ko ng gustong ibigay sa'yo pwerselas na yan ngunit naghihintay ako ng tamang oras at sa tingin ko ay ngayon ito", nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. Gosh! Bigla naman akong kinabahan. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot ang pwerselas na ibinigay niya.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon