CAPITULÒ 13

1.2K 41 0
                                        

Ghufelina's P.O.V

Pagkatapos kong makita si Ina ng ganun ay nagbigay iyon ng masakit sa ulo kaya natulog nalang ako dahil antok na antok na ako kakaisip ng mga bagay-bagay. Ngayon ko lang ginagamit ng matino ang isip ko chaaaar. Feel ko ata na exercise ko na ang braincells ko. Nung dati kasi lutang lang ako palagi at nagkaroon ng maraming kaaway kaya ganun. Pero sa panahong ito ay kailangan mong mag-iisip ng mabuti dahil ang dami mong responsibilidad kahit naman sa kasalukuyan.

Napasapo nalang ako sa ulo ko at humiga na. Hooo! ang daming nangyari ngayon, sa iisang araw, dalawang Prinsipe ang natagpuan ko kaya kailangan ko ng matulog as soon as possible.

ZzzzzZzzzzZzzzzzZzzzz ZzzzzZzzzzZzzzzzZzzzz

"Binibining Ghufelina! Oras na para gumising, hindi kaaya-aya sa Prinsesa ang matagal gumising" Sabi naman ng matandang babae. Alam kong matanda iyon dahil sa boses.

"Wahhhhhh! Binibining Ghufelina, Gising kana dyan nako, baka maghinala ang Ina mo sa ginawa mong yan." Sabi niya pa at tinakpan ko naman ng unan ang tenga ko dahil sa tinig niya

"Ano ka ba! Marinig Tayo ni Reyna" suway naman niya kay Lydia at ako naman dito at nakapikit parin ang mga Mata. Bahala kayo dyan. Parang unti lang ang tulog ko.

"Ghufelina, tanghali na ano kaba!" sabi naman ni Lola Armenia. Niyugyog naman niya ako. Nagulat naman ako Kasi tanghali? Gosshhh di pwede. Sabi nila Lola Armenia na early bird daw si Glezerina kaya't dapat gagayahin ko rin iyon para walang kahina-hinala.

"Ano!!!" napasigaw kong Sabi at napaupo sa kama. Pagtingin ko naman sa bintana ay hindi naman tanghali. Madaling araw pa ah.

"Hoyyy, anong tanghali? Kita niyo yun oh!" Sabi ko sabay turo sa bintana.

"Oo tanghali na iyan para kay Prinsesa Glezerina, Kaya dapat niyo naman gayahin siya". Sabi naman ni Lydia. Nagalit naman ako sakanila kasi palagi nalang akong ikinukumpara.

"Puro nalang kayo Glezerina! Glezerina! Bigyan niyo naman ako ng oras na maging totoong ako kahit mga sandali lang" Sabi ko sa kanila at nagmamakaawa. Pagod na akong magpanggap sa di naman ako. Natahimik naman sila habang nakatingin sa akin. Parang nakonsensya naman sila at walang umiimik.

"Bigyan niyo ko ng 5 minutes" sabi ko sabay pakita ng lima kong daliri

"Payb minits?" sabay nilang tanong sa akin tapos gulat napatingin sila sa isa't isa. Nagyon ko Lang na realize na nag-eenglish na pala ako.

"Limang minuto lang", sabi ko pa at agad naman akong mahiga para matulog.

A few hours later

"Hoy sabi mo binibini, limang minuto lang, bakit umabot ka ng 3 oras?" Tanong ni Lola Armenia at Niyugyog ako. OMG? 3 hours? Agad naman akong napabangon.

"Bakit di mo ko ginising?" sabi ko at naka half close pa ang Mata ko.

"May ginawa kasi kami kaya di kita nagising. Sinabi ko lang sa Ina at ama mo na napagod ka sa Ginawa niyo ni Prinsipe Rhavene" mataas niyang sabi.

"A-anong ginawa? Wala kaming ginawa. Pangako!!!!" Sabi ko sapay sumpa.

"Ano ba ang ibig-sabihin mo Binibini? Wala kayong ginawa ni Prinsipe Rhavene? Eh paano yung naghahanap kayo ng regalo para sa Ina niya?" sabi niya at bahagyan pang natawa. Agad naman akong na pa Ahhhhhh expression. Shet! CELESTINE ano ba iniisip mo.

"Oo pala hehe" sabi ko at napatawa ng peke. Weww grabe naman ako ka Defensive kaniha.

"Hmmm may ikwento ka pa sa min" Sabi ni Lola Armenia sabay tumingin na nakakatukso

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon