CAPITULÒ 22

980 32 2
                                        

"dito lang muna kami, Mauna na kayo sa palasyo de Antonio" tugon sa Amin ng Ama ni Rhavene. Gulat na naman ako. What? Ibig sabihin kami lang ni Rhavene sa palasyo wahhhhh! Pero may tagapagsilbi naman sila diba? Kaya don't worry Celestine.

"Anooo?!" gulat na sambit ni Leonardo at napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Anong nangyari sa lalaking ito? =_= kanina pa siya ah! Napansin Niya ata na napatingin kaming lahat.

"Ahm Ano- anong nangyari sa sapatos ko!" Sabi naman niya at nakahinga naman kami ng maluwag.

"Sus Mariyosep! Akala ko kung ano nangyari sa iyo" sabi ng Ina niya at sinamaan naman siya ng tingin. Bigla naman nagtama ang paningin sa Amin at parang ang seryoso niya. Wala siyang emosyon.

"Sige na, ipasyal mo na sa Palacio de Antonio si Prinsesa Glezerina" sabi ng Ina ko.

Agad naman kaming itinulak papalabas ng palasyo. Parang ang excited nilang lahat na kami lang ni Rhavene=_=.

"Magpakasaya kayo!!" Masayang sambit ni Ina Felicidad sa Amin at isinara ang pinto. Shocks! Ganun na ba sila ka excited huhu parang pinagtabuyan lang ako nila kay Rhavene. Tumingin naman ako kay Rhavene at pansin ko Lang na nakangiti na siya.

"Hoy, anong meron sa reaksiyon na yan?" tanong ko sa kaniya at di naman siya nagsalita agad naman niyang hinawakan ang kamay ko papunta doon sa kalesa.

"Ikinagagalak ko na ipasyal ka sa Palacio namin at maiuwi na rin ang Puwerselas mo" nakangiting sambit ni Rhavene. Ay oo nga noh?! Dalawang buwan na ang nakalipas pero di parin nasauli ang pwerselas ko. Kaya dalawang buwan rin ang walang communication sa makabagong panahon.

"Yung halik pala--" agad ko namang pinutol iyooon. Argg! Nandiyan na naman siya. Huhuhu.

"Hala ano yun?" Turo ko sa likod niya at napatingin naman siya. Pero Wala naman siyang nakita kaya bumalik na naman ang tingin niya sa akin.

"Pansin ko Lang na iniiba mo ang usapan sa tuwing binabanggit ko tungkol sa halik" sabi naman niya at napayuko naman ako dahil totoo naman ang sinabi niya.

"Yung halik pala, pasensya na sa inaasal ko kagabi. Huwag mo nalang iyon isipin" Sabi naman niya. Anooo?! Lasing ba siya nung araw na yon? Anong hindi nalang isipin? Halos mabaliw na ako sa kakaisip nun!(+_+). Tapos isawalang bahala lang nakakahurt bahala siya! Tutal ginawa ka lang talaga na rebound para sa Helaria niya at yung babaeng sinabi niyang nagpapatibok muli ng puso niya. Babaero pala tong lalaki na tu!

"Ayos lang, wag mo lang iyon uulitin kung wala ka namang nararamdaman para sa akin"sabi ko sa kaniya. Ano ako? Sample lang sa kaniya? Tsk. Tumingin nalang ako sa bintana ng Kalesa para makaiwas sa kaniya.

"Kasi baka hindi ka maging komportable kapag naalala mo yun" Sabi niya sa akin.

"Kahit na! Ganun parin ang ibig sabihin non!" Sabi ko sa kaniya. Na offend ako dun ah.

"Ang totoo Kasi niyan Prinsesa ay gus--" di natuloy ang sasabihin niya kasi biglang nagsalita ang kutsero na nandito na kami sa palasyo niya. Di ko naman gusto tanungin kung ano ang sasabihin niya kanina baka kasi masaktan lang ako. Agad naman niya akong inalayan pero di ko pinansin ang kamay Niya at diretsong bumaba. Naguna na ako sa paglalakad papunta sa palasyo niya. Bahala siya!

"Binibini, Mali ang dinadaanan mo, nandito ang daan" nakangiting sabi ni Rhavene at ipinakita pa sa akin ang daan. Gosh! Celestine nakakahiya ka! Nagpadabog naman akong naglalakad patungo sa daan na yun. Natatawa naman siya sa inaasta ko.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon