Medyo napagod ako sa lakad namin ngayon at siyempre magpahinga na ako. Nakahiga ako sa kama ng biglang nag ring ang pwerselas na ibinigay ni Señorita Leonor. Agad ko naman iyon sinagot kasi baka magalit siya.
Sinagot ko iyon at agad bumungad sa akin si Señorita Leonor na seryosong seryoso ang mukha. Ano na naman ba? Anyways di naman ako nagulat kasi seryoso naman palagi ang mukha niya haha.
"Napatawag ka?", tanong ko sa kaniya at natatawa pa sa kaseryosohan niya pero Wala man lang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.
"Dalian mo na ang iyong misyon sapagkat nararamdaman ko na", sabi ni Señorita. Sa pagsabi niya nun ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Parang may masamang mangyari..
"Anong nararamdaman Señorita?", npalunok ako at napahawak sa dibdib ko.
"Nararamdaman ko na ang taong maging hadlang ng iyong tagumpay", sabi ni Señorita Leonor sa akin dahilan na mas tumibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko alam kung kailan ako uuna. Naguguluhan pa ako.
"Mag isip kana Celestine kung ayaw mo pang maulit ang nakatadhanang mangyari sa inyo" sabi niya pa tapos tinapos niya ang tawag. Naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya. Anong mangyari? Di ko maintindihan. Napahiga naman ako sa kama. Kailangan ko ng tulong sa kaso ko. Kailangan ko ng witness sa mga pangyayaring iyon....
"Tama! si Glezerina!", nandoon siya sa nga panahon na iniwan kami ni Ina. Posibleng alam rin niya ang mga ginagawa nila tulad ng pekeng signature na inilagay nila sa Divorce paper. Kailangan ko si Glezerina. Pero saan ko siya mahanap? Ilang buwan na siyang wala dito. Gosh! Glezerina uwi kana... Puno na ng mga katanungan ang isip ko kaya kumuha ako ng papel at at ink para isulat ang mga nagpabagabag sa isip ko.
Dear Ghufelina,
Di ko na alam ang gagawin ko kung paano... Litong lito na ako sa lahat ng mga pangyayari. Gusto ko ng bumalik sa aking panahon na kung saan ako si Celestine Alfaro. Kakayanin kaya? Patawad Sana Ghufelina kung sakaling di ako magtatagumpay sa misyong ito.Nagmamahal,
CELESTINE ALFAROInayos ko ang liham na iyon at inilagay sa box of evidences. Humiga na Sana ako ng may biglang kumatok sa pintuan ko. Sheety shets! Matulog na sana ako eh!
Sa pagbukas ko ng pinto ay agad bumungad sa akin si Lola Armenia at Lydia at nakakunot naman ang nga noo nila
"Oh, ano na naman", masungit kong tanong sa kanila at agad namang pumasok sa kwarto at lumundag sa aking kama.
"Urgg! Lola Armenia! Nakakainis si Helaria. Hoy Ghufelina may balak agawin ni Helaria si Rhavene sa'yo at alam mo ba? Sinabi niya iyon sa harap namin wahhh! Gusto ko siyang ipatapon" gigil na gigil na sabi ni Lydia at parang gustong patayin si Helaria. Anong agawin? No way! mukha niya ibalibag ko.
"Kailangan maganda ka ngayong gabi na piyesta ng bayan kasi nandoon rin si Helaria", sabi ni Lola Armenia at gigil na gigil din ito sa kaniya. Huh? So ibig sabihin pwede din nandoon sina Lola Armenia.
"Nandun si Helaria edi... Nandoon din ka'yo, wala akong paki Kay Helaria basta nandoon lang kayo", masaya kong sabi sa kanila at napa aww-look naman sila.
"Ngunit binibini, pinilit kasi ni Helaria ang iyong ama at ina na pupunta sa piyesta at paborito naman siya ni Reyna Felicidad at Don Gregorio kaya ayun tsk pinayagan siya" sabi ni Lydia at parang di na maguhit ang mga mukha sa galit. Huwatttt?!! Kahit kailan ang sipsip niya at ma attitude pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/197857520-288-k130187.jpg)
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...