Hingal na hingal kami ni Isabella dahil sa katatakbo. Hays Celestine, dahil sa kabaliwan mo ay may taong nadamay. Nagulat naman ako ng tumawa si Isabella.
"Hahahaha iba ka talaga binibini, ikaw yung kauna-unahang nakapagsalita ng ganyan sa hambog na Prinsipe na yun" natawa siya sa kin. Napatawa nalang ako. Hindi ko inakala na Prinsipe siya kaya nagawa ko yun sa kaniya HAHAHHHAH hindi ko padin malimutan yung epic niyang mukha hahahahha good job Celestine!
"Bagay lang yun sa kaniya kasi masiyado siya magarbo" dagdag pa ni Isabella. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Oo nga, dapat turuan ng leksiyon ang mga ganiyang tao, di porket Prinsipe siya, ganiyan na siya umasta" sabi ko non at muling naalala ko ang kaniyang mga mukha. Infairness gwapo niya kaso masama ang ugali.
"Oo nga" pagsang-ayon naman ni Isabella sa akin.
"Alam mo Isabella, dalawang Prinsipe na ang aking natagpuan. Noong una sa barko at ngayon ay yung kanina, pansin ko lang ang daming maharlika dito". Sabi ko sa kaniya at napatingin naman siya sakin.
"Madami nga, kasi may tatlong kaharian dito sa Maynila. El Palacio de Fregroso, El Palacio de Antonio at El Palacio de Almanzar" sabi ni Isabella sa akin. Agad naman akong napaisip. Ah! Oo nga Yun Yung nabasa ko sa history book ko about sa mga Most Popular Family at Royal Families.
"Kilala mo ba kung sino-sino sila?" tanong ko kay Isabella at Tumango naman siya. Sigurado akong kilala niya ito kasi matagal na siyang naninirahan dito.
"Sa pamilya Fregroso ay nabibilang sila ni Don Fernando Fregroso at Donya Mariana Fregroso, May tatlo silang anak na lalaki. Sina Prinsipe Sebastian, Prinsipe Matias at ang bunso ay si Leonardo Fregroso Yung hambog!. Sa Pamilyang Antonio naman ay kabilang sila ni Don Ramon Antonio at Donya Valentina Antonio. May dalawang anak sila ang panganay ay si Prinsipe Rhavene Antonio at Prinsesa Jimena naman ang bunso. Tapos yung sa El Palacio de Almanzar kabilang dun sila ni Don Gregorio Almanzar at Donya Felicidad Almanzar at----" pinutol ko ang pagsasalita ni Isabella ng marinig ko ang pangalang Felicidad.
"Felicidad?" nagtataka kong tanong ni Isabella.
"Oo, bakit ba binibini?"
"Wala lang" sabi ko naman sa kaniya. Nanay ko ba ang tinutukoy niya? Ang dami namang Felicidad sa Mundo. Baka ibang Felicidad ang tinutukoy niya. Patuloy kaming naglalakad at nandito na kami sa dormitoryo. Agad naming inilapag ang aming binili at pumunta naman ako sa itaas para magpahinga. Arg! Masakit na mga paa ko. Di naman ako mahilig lumakad lalo na't malayo yung nilakad namin papuntang palengke. Pinikit ko muna ang aking mga Mata.
Ah! Alam ko na tawagan ko kaya sila NI Señorita Leonor baka naman may makuha akong mga impormasyon. Pinindot ko yung bracelet na made of silver tapos ayun sinagot naman ni Señorita Leonor kaagad.
"Napatawag ka Celestine?" nakita ko si Señorita Leonor na nagtitimpla ng kape.
"Señoritaaaaaaa, Alam mo ba ang nangyari sa araw ngayon! Masiyadong nakakapagod! Bago palang ako dito pero parang ang dami ko ng nagawang kasalanan huhu. Uwi na ako please!" pagmamakaawa ako sa kaniya. Parang feel ko OFW ako dito at umiiyak ako kasi namiss ko family ko! Charaugth OA MO Celestine.
"Hindi nga pwede kasi nandoon kana, ang kailangan mo lang ay tapusin mo ang misyon mo" Sabi naman niya at hinigop ang kape na tinimpla niya kanina.
"LANG?! WOW HA LANG?! Sa tingin mo ba madali lang Yun huhu ang hirap kaya. Asan na si Lola Catalina? Gusto ko siyang makausaaaap" nagiiyak kong sinabi.
"Wala siya dito, nandoon siya sa bahay niya" arg! Gusto ko ng karamay ngayon. Parang naiiyak na ako. Miss ko na si Coraline pati sina mommy Isabelle at kuya Cazumi siyempre si Daddy.....
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Historical Fiction(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
