Wala akong ganang isinuot ang kulay ginto kong baro't saya dahil magkapareha kami ni Leonardo huhuhu. Inayusan naman ako ni Lydia at ni Nanay Luciana. Ang buhok ko ay pinusod sa likod at nilagyan ng gintong bulaklak ang buhok para maging disenyo. Busy na busy sila sa pag-aayos ng aking mukha.
"Lumingon ka samin Ghufelina" sabi ni Lola Armenia sa akin at dahan dahan naman akong lumingon sa kanila habang naka poker face. -_-
Nagulat naman silang dalawa na napatingin sa akin. Napahawak naman silang dalawa sa bibig nila. Ano na naman ba?
"Wahhh! Ang ganda mo binibini! Di ko inakala na may tinatago kang kagandahan" masayang sabi sa akin ni Lydia at tinignan niya pa ako ng maigi.
Napangiti naman sa akin si Lola Armenia. Tinignan ko ang aking sarili ng maigi at ang ganda ni Ghufelina! Ang tangos ng ilomg niya at ang taas ng pilikmata.
"Tayo na sa baba, hinihintay ka na ng iyong ama at Ina" sabi naman ni Lola Armenia at lumabas na kami sa kwarto, agad ko namang nakita sila Ama at Ina na masayang nakaabang sa akin habang nakangiti. Si Ina ay nakasuot ng puti na baro't saya habang inilugay ang buhok niya. Ngayon ko lang napansin na makulot pala ang buhok niya, pareha sila si Ghufelina. Si Ama ay nakasuot siya ng Barong Tagalog na kulay puti. Pareha sila ng disenyo ni Ina at ang ganda at gwapo nila.
"Pinaghandaan mo talaga ang Kaarawan ni Reyna Valentina" nakangiting sambit ni ama at napangiti naman ako sa kaniya.
"Siyempre, nandoon ang kaniyang nobyo eh" pang eechos ni Ina sa akin at napa poker face nalang ako sa kaniya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang kilig na kilig na si Lola Armenia at Lydia. Napaismid nalang ako sa kaniya.
Nagsimula na kaming naglakad palabas ng palasyo. Nilingon ko naman sila ni Lydia at Lola Armenia habang binigyan ako ng goodluck-look. Tumango nalang ako sa kanila bilang sagot at patuloy na naglakad kami kasama si Ama at Ina. Paglabas namin ay nakaparada na ang kalesa. Agad naman kaming napasakay.
Habang nasa kalesa kami ay nag-uusap usap sila tungkol sa mga rebelde.
"Kumalat na sa bansang espanya ang tungkol sa pagtrato sa atin sa mga Indio" sabi ni Ina at parang nag-alala pa siya.
"Baka dahil sa isinulat ni Rizal na mga nobela", nagagalit na sabi ni Ama.
Ano bang problema niya? Totoo naman diba na inaabuso na nila ang karapatan ng mga Pilipino. Kinakabahan naman ako dahil Nobyembre na ngayon at malapit ng patayin si Jose Rizal. Biglang kumirot ang puso ko. Wala naman akong karapatan na baguhin ang kapalaran ni Dr. Jose Rizal dahil ang misyon ko lang naman ay baguhin ang mapait na dinanas ni Ghufelina.
Pero kapag may kakayahan ako na baguhin ang kapalaran ni Ghufelina, may kakayahan din akong baguhin ang kapalaran ng ating bayani Tama!.
Dahil sa imagination ko ay di ko namalayan na nandito na pala kami sa Palasyong Antonio at shocks! ang daming tao. Galing ata sila sa mayamang pamilya.
Bumaba na kami sa kalesa at ang daming tao na nakaabang sa amin dahil kami lang pala ang Royal Family na hinihintay nalang.
"Nandito na ang Pamilyang Almanzar" sigaw ng isang gwardiya nila pero Pinoy ata yun.
Agad naman silang nagpalakpakan at binabati kami.
"Ang ganda ng Prinsesa, mabuti naman at madalas na siyang sumama sa into" nakangiting sabi ng Ina ni Leonardo na si Donya Mariana.
"Oo nga.. masaya nga kami dahil di na niya kami tinatanggihan" sabi naman ng aking Ina at napatawa naman silang lahat. Parang pinagtulungan nila ako ah!
"Ang ganda mo naman Prinsesa Glezerina, kasing ganda mo ang bulaklak ng kulay ginto na nasa buhok mo" Sabi naman ng isang Prinsipe na si Matias habang napangiti naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Amore Infinito | Completed |
Narrativa Storica(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita kong katangian. I'm a big dissapointment to my dad. But One day, nagbago ang buhay ko nung ako ang...
