CAPITULÒ 35

726 23 0
                                    

A/N: Hanggang ngayon ay naiiyak parin ako sa short clip na nasa itaas ☝️. Sana'y panuorin ninyo ito and credits pala sa rightful owner

------------------

"Akala ko nasa daungan kana", sabi ni Glezerina kay Rhavene. Napatingin naman ako kay Rhavene at medyo nagtataka ito sa sinabi ni Glezerina.

"Bakit mo nalaman binibining Glezerina?", tanong ni Rhavene sa kaniya.

"Pumunta kasi ako sa inyo para sabihin sa iyo na bisitahin mo si Ghufelina ngunit sa pag dating sa inyung palasyo at sinabi nila na nasa daungan ka na daw", pagpaliwanag ni Glezerina sa kaniya at tumango naman si Rhavene.

"Nais ko sanang masilayan muna ang iyong kapatid bago ako pupuntang espanya", sabi ni Rhavene at tumingin naman ito sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko dahil feel ko talaga na namumula ako. Pagtingin ko naman kay Glezerina ay parang pinigilan niya ang kaniyang mga ngiti.

"Oh siya sige, pasok muna tayo kay Nanay Luciana", aya ko sa kanilang dalawa. Nag una na ako sa paglalakad ngunit hinabol ako ni Rhavene at tumabi sa gilid ko at hinawakan niya ang kamay ko shocks!

"Wahhhhhh ano kaba!", taray ko sa kaniya at binawi ang kamay ko

"Ayaw mo bang hawakan ko ang iyong mga kamay?", nalulungkot niyang sabi at mas nauna sa paglalakad. Sa ngayon ay ako na naman ang humabol sa kaniya.

"H-hoy, hindi naman sa ganun. Nagulat lang ako" sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang braso niya. Pero di parin niya ako pinapansin at parang walang narinig.

"Hoy sorry ay este pasensya na", sabi ko naman sa kaniya ngunit di parin niya ako pinapansin. Gosh! Daig pa ang isang babae. Iba talaga mag tampo ang isang Rhavene Antonio tsk tsk. Napatawa naman ako at nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso.

"Tinawanan mo lang ako", sabi naman niya at nag walked out. Wahhh! Gosh umabot na kami sa tapat ng dormitoryo ngunit di parin niya ako pinapansin.

"Hoy Rhavene", sambit ko naman sa kaniya ngunit tumalikod lang siya. Nakita ko naman na may kaunting ngiti sa mukha niya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Aray!", sigaw niya at hinaplos ang kaniyang braso habang nakangiti.

"Binibiro mo lang ako!", sa ngayon ay ako na naman ang magtatampo hmmp! Ngayon ay siya naman ang naghabol sa akin.

"Ghufelina, Mahal kita", sabi niya habang tinitignan ako sa mukha at nakangiti pa ito. Di ko naman mapigilan ang ngiti ko kaya natawa nalang siya. Hays ang hirap talaga maging marupoks haha.

"Ehem!, nandito pa ako" sambit ng nasa likod namin. Gosh! Nakalimutan ko na nasa likod lang pala namin si Glezerina. Ngumiti naman ako kay Glezerina at binigyan ko siya ng peace-look. Ito kasi si Rhavene eh! Daig pa ang isang babae, masyadong pabebe hmmp!

Kumatok naman ako sa tapat ng pintuan ng dormitoryo at agad bumungad si Isabella. Nang makita niya si Rhavene ay parang  namumula pa siya. Wahhh! Bakit ba kasi ang gwapo ng boyfriend ko! Ayan tuloy ang daming babaeng na-aatract sa kaniya amp.. mabata man o matanda

"P-pasok kayo", sabi niya pa at nagpabebe voice naman ito.

"Maraming salamat binibini", sabi naman kay Rhavene sa kaniya at napalaki naman ang mata ni Isabella na parang gulat na gulat ito sa sinabi ni Rhavene. Gosh!

"Mamaya na yang kapusokan, Hali na't pumasok na tayo", sabi ni Glezerina at nauuna na sa pagpasok ng Dormitoryo. Parang naiinip na si Glezerina kanina pa. Hahaha. Kiniladkad ko naman si Rhavene papasok ng dormitoryo at parang pinaghandaan na nila ito dahil ang daming nakahandang pagkain sa mesa.

Amore Infinito | Completed |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon